Damon’s POV Hindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Parang kahapon lang, hawak-hawak ko si Saphire na sanggol pa, umiiyak at humihinga ng unang beses sa mundo. Ngayon, siya na ang nakaupo sa harap ng malalaking mesa ng kompanya nakasuot ng power suit, may kumpiyansa sa kilos at sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “Dad, ako na ang bahala rito. Magpahinga ka na,” sabi niya minsan, seryoso ang mukha pero may lambing sa tinig. Doon ko lang naramdaman kung gaano siya kahinog. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa bilis ng panahon o maluluha. Minsan napapaisip ako kung saan nga ba natatapos ang papel ng isang ama. Sa umpisa, madali itong sagutin magbibigay, magtuturo, magtutuwid. Pero habang lumilipas ang panahon, natutunan kong hindi pala ito natatapos kailan

