Sapphire’s POV Minsan naiisip ko, mahirap palang maging anak ng dalawang taong hinahangaan ng marami. Sa tuwing binabanggit ang pangalan kong Sapphire Altamirano, hindi lang ako basta ako lagi akong “anak ni Damon at Camille.” Laging may kasunod na tingin ng paghanga, paminsan ay inggit, at minsan pa nga ay paghusga. Ako ang panganay. Ako ang inaasahan. At oo, ako rin ang pumalit sa Daddy ko bilang CEO ng kumpanya na itinaguyod nilang mag-asawa. Sa murang edad, natutunan ko nang pigain ang bawat oras para matuto, magpakahusay, at ipakita sa lahat na hindi lang ako basta nakasandal sa pangalan ng pamilya namin. Pero sa likod ng matibay na imahe, may mga gabi pa rin akong napapatingin sa salamin at nagtatanong. Ito ba talaga ang buhay na gusto ko? O ito lang ang buhay na itinadhana par

