Matthew’s POV Napapailing na lang ako habang nakaupo sa gilid ng mahaba at mamahaling conference table. Kanina pa nagsasalita ang ilang board members tungkol sa bagong investment proposal, pero ang utak ko hindi nakatutok sa kanila. Kung tutuusin, kabisado ko na ang ganitong mga meeting. Numbers, projections, risks, returns lahat ng iyon bahagi na ng buhay ko bilang Stewart. Sanay na ako na sa bawat galaw, may nakatingin, may nag-aantay ng desisyon. Pero ngayong araw, may isang tao lang ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Sapphire Altamirano. Napangisi ako nang bahagya. Yung paraan ng pagtitig niya sa akin noong unang beses kaming nagkita, para bang gusto niya akong saktan gamit lang ang mga mata niya. Hindi siya intimidated, hindi siya napapa-urong kahit na alam niyang kilal

