Sapphire’s POV Mula nang araw na iyon, hindi na ako mapalagay. Ang presensya ni Matthew Stewart ay parang anino na laging nakadikit kahit hindi ko siya kaharap. Ang nakakainis pa, kahit ayokong aminin, may epekto talaga siya sa akin. Habang nakaupo ako sa opisina, hawak ang isang report na dapat kong basahin, nahuli ko ang sarili kong nakatitig lang sa blangkong pahina. Ang utak ko? Wala sa trabaho. Nasa kanya. "Bakit ba kasi ang kapal ng mukha ng taong ’yon? At bakit parang hindi ko kayang hindi isipin siya?" “Miss Altamirano, okay ka lang po ba?” tanong ng assistant ko nang mapansin niya na ilang minuto na akong nakatulala. Napakurap ako, mabilis na tinapik ang report at ngumiti. “Oo naman. Just… thinking.” Pero sa totoo lang, hindi lang basta thinking. Naaalala ko pa rin ang paraa

