Camille’s POV Hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit sa sandaling iyon. Para akong nauubusan ng lakas habang nakahiga sa malambot na kama, nanginginig pa rin sa bawat halik at haplos ng asawa ko. “Damon…” ang pangalan niya ang tanging lumalabas sa bibig ko, parang panalangin na paulit-ulit kong inuusal habang hinahabol ko ang hininga ko. Ramdam ko ang bawat dampi ng labi niya sa balat ko mula sa hita, sa puson, hanggang sa dibdib ko. Sa bawat segundo, lalo akong bumibigay, lalo akong nadadala ng init na siya lang ang may kakayahang buhayin sa akin. Nang tumingin siya sa akin, ramdam ko ang lagkit ng titig niya mainit, mapag-angkin, pero may halong pagmamahal. Nang muli niyang sapuhin ang mukha ko at halikan ako sa labi, wala na akong ibang nagawa kundi sabayan siya. Ang halik niya

