Damon’s POV Tahimik lang ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa library. Naririnig ko pa ang mahinang tunog ng ulan sa labas, pero ang isip ko… nasa kwarto pa rin kung saan nakahiga ang asawa ko. Pagkatapos ng gabing iyon, matapos ko siyang yakapin at halikan bago ako umalis ng silid, ramdam ko pa rin ang init ng mga labi niya sa noo ko. Gusto ko sanang manatili sa tabi niya, pero kailangan ko ring tingnan ang ilang emails na hindi ko na pwedeng ipagpabukas. Pagkapasok ko sa library, pinilit kong mag-focus sa laptop. Binuksan ko ang mga dokumento, nag-reply sa ilang urgent messages, pero bawat ilang minuto… napapatingin ako sa pinto. Iniisip ko kung kumportable ba siya, kung nakatulog na ba talaga siya nang maayos. Alam ko kung gaano kaimportante ang pahinga niya ngayon, lalo

