Matthew’s POV Hindi ko alam kung masarap ba o masakit ang pakiramdam na makita si Sapphire na pilit pa ring tumatakas sa akin… pero sa bawat pag-iwas niya, mas lalo ko lang nararamdaman na akin lang siya. Ilang araw ko siyang pinanood sa gala na iyon kung paano niya iniwas ang tingin, kung paanong ngumingiti siya sa mga kausap niyang business partners pero hindi man lang ako binigyan ng kahit isang segundo ng atensyon. Every smile she gave to others felt like a challenge. Every step she took away from me, parang insulto. Pero the more she resisted, the more I burned for her. At doon ko napagtanto—hindi ako lalaban para lang makuha ang katawan niya. Hindi iyon sapat. Ang gusto ko ay ang mismong pagkatao niya. Ang puso niya. Ang pag-amin niya na sa akin lang siya. Kaya sinundan ko siy

