Sapphire’s POV Pagkatapos ng nangyari sa powder room, hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko. Galit, inis, hiya, at… higit sa lahat, kagustuhan. At iyon ang mas kinaiinis ko sa sarili ko. Hindi ko dapat hinayaan si Matthew. Hindi ko dapat tinugon ang halik niya, ang haplos niya, ang init niya. Pero bakit? Bakit sa bawat pagkakataon na nilalapit niya ang sarili niya sa akin, kusa akong bumibigay? Mula sa gala night, umuwi akong tulala. Ni hindi ko na nagawang bumalik sa main hall para magpaalam sa mga kakilala ko. Wala akong ibang nasa isip kundi ang mga halik at pag-angkin sa akin ni Matthew. Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Pinilit kong ibaon ang sarili ko sa trabaho, sa mga papeles, sa mga meeting anumang makakalayo sa alaala ng kagabi. Pero kahit anong g

