Camille’s POV Sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Para akong binagsakan ng mundo. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa stress, sa pag-aalala, o sa batang lumalaban sa loob ng tiyan ko. Basta ang sigurado ako hindi ako okay. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta paggising ko, nakita kong ako pa rin ay nasa malambot na kama… sa kwartong hindi akin, sa bahay na hindi ko pagmamay-ari. Malamig ang simoy ng aircon, tahimik ang paligid, at sa unang pagkakataon pakiramdam ko ligtas ako. Wala si Damon. Siguro pumasok na siya sa opisina. Wala rin akong nararamdamang presensya niya sa paligid ni amoy ng pabango niyang palaging nananatili sa hangin, wala. May narinig akong kaluskos mula sa labas ng kwarto. Maingat. Parang may gumagalaw sa kusina o sala. Hindi ko alam kung sino, pero hindi ko na

