Chapter 4:Meet Again

1080 Words
~Chloe~ Iha,dinig kung tawag ni Mama,habang kumakatok sa pintuan ng aking kwarto. " Yes Ma,come in",at pumasok c Mama na may ngiti sa kanyang mga mata,its saturday morning,at napagpasyahan namin na pupunta ng mall para mkapamili ng ilang gamit,para sa mga susuotin ko sa pagpasok sa company. "Are you ready?",yes Ma,sagot ko habang katatapos ko lng itali ang buhok ko na may kahabaan. "Thank you Ma,dahil pumayag kayo ni Papa na mag trabaho ako sa company natin,akala ko talaga hindi kayo papayag at pababalikin nyo ako sa US",nakangusong kong sambit. "Alam mo kung gaano ka namin kamahal anak,alam namin na gusto mo at magiging masaya ka din,at masaya kmi ng Papa at Kuya mo na,nandito ka",sabay yakap ng Ina. Niyakap ko din sya ng mahigpit,Oo alam ko,madaming katanungan na naglalaro sa utak ko,pero mas pinipili ko na lang muna iisang tabi,lalo na't wala akong maalala. "Oh panu,tatanghaliin tayo iha,at magkasama kami na bumaba,at nagtungo sa isang mall. "Ito anak,babagay sayo ang lahat ng pinili ko",sabay abot sa akin mga napili nya,tiwala naman ako sa taste ni Mama when it comes to fashion,pareho kmi na simple lang manamit,namili na din ako nga mga sapatos at sandals na gagamitin. Medyo natagalan kmi sa pamimili at talagang ginutom,kaya kumain muna kami bago umuwi,ok na din kahit paano nakapag bonding kmi ni Mama,bago ako mag-umpisa magtrabaho. "Its Beautiful Monday,"ani ko ng makita na 5:30 ng umaga sa aking alarm clock,bilin sa akin ni Papa na maaga gumising dahil ngayon nya,ipapakilala ang bagong kong Personal Driver. Nagmadali na ako magready nga aking susuotin today,para makaligo na at mkaoag prepare. Eksakto 6:30am,at bumaba na ako,im sure,nasa baba na sila,Kuya is not here,he has own house na malapit sa company. "Maya-maya ng konte,baba na yun,dahil binilinan ko naman sya na agahan para bago ka makapag simula ay makilala ka nya muna",dinig kong sabi ni Papa sa kanyang kausap habang pababa ako ng hagdan. "Ok lng po Mayor,maaga pa naman po",magalang na sagot nito sa aking ama. Nagtungo na ako sa sala,dahil andun sila,"Ma,Pa,Good morning". Napalingon sila sa akin,"Oh iha,mabuti at nandito ka na,humalik ako sa kanila ng makalapit,at pagbaling ko sa lalaking kausap nila,ay bigla ito napatayo!. Medyo nagtaka ako sa kanyang hitsura na animo gulat na gulat,makalipas ang ilang sandali,"Ahmmm iha",agaw pansin ni Papa,"sya nga pala ang iyong Personal Driver,"at bumaling si Papa sa lalaki na mababakas mo sa kanyang anyo ang pagka gulat. "Iho,sya ang anak ko na si Chloe mo,sya ang ipagda drive mo,at dahil nga Personal Driver ka nya,nangangahulugan na stay in ka,"ok lang ba yun sa iyo?, ~Sebastian~ Hindi ako halos makakilos sa kinatatayuan ko,"totoo ba ito!totoo ba na nasa harapan ko sya?,buhay sya!",...."Ace"sambit ko na medyo napalakas,at alam kong narinig nila. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng tawagin ko syang "Ace",saglit na natahimik,"ehemm,ah iho,agaw atensyon ni Mayor. Sa kabila ng maraming katanungan na gumugulo sa aking isipan,ay kailangan ko harapin ang kasalukuyan, na ako ang magiging Personal Driver nya,alam kung may tamang oras para makapag usap kming dalawa,malinawan kung ano ang nangyare sa kanya. At kung tama ang hinala ko,base sa kanyang reaksyon,ei hindi nya ako nakikilala. "Good morning po Ma'am Chloe",sabay yuko,"paumanhin po sa inasal ko","Ok lang yun,maupo ka muna para mapag usapan natin ang schedule ko,ani nito. Pag angat ng aking ulo na nakatungo,nakangiti sya,at umupo malapit sa kanyang kinikilalang magulang,"hindi parin sya nagbabago,napaka amo padin ng kanyang mukha kapag ngumingiti,at ang mga mata na tila nangungusap"sagot ng kanyang isipan. Bumalik muli ako sa pagkakaupo sa pwesto ko,tumikhim muna sya bago nagsalita. "Monday to Friday ang working days ko,kapag sabado may iilan lang ako na pinupuntahan kung kailangan,"Sunday naman ay day off mo,pero kung may mga emergency ako na lakad,if you don't mind kung maabala kita sa day off mo?. "Ok lang po Ma'am,wala naman po problema kung sakali","saka iho libre ang lahat sayo dito,pati ang tirahan,sa likod ng bahay may mga bakante pang kwarto para sa mga nagtatrabaho dito.sabat ni Mayor. "Salamat po Mayor",sagot ko dito,nakakapagtaka!bakit binayaran ang serbisyo namin,para p*t*yin ang taong ito?,ni hindi ko maramdaman na masamang tao si Mayor, o masyado pa maaga,para masabi ko iyon,ngunit sa klase ng trabaho namin,isang tingin lang sa tao kaya na namin pakiramdaman kung mapanganib ba sya o hindi,baka sadyang magaling lang magtago ito ng mga sekreto. Malalaman ko rin sa mga susunod na araw,at aalamin ko kung ano ang totoong nangyare kay Ace,at napunta sya sa pangangalaga ng mga Suarez. "Honey,ready na ang breakfast",bungad ng asawa ni Mayor."halina at magsikain na kayo".kanina ngpaalam sya habang nag uusap kmi,na pupunta ng kusina para ipapaayus ang agahan. Wala ako maramdaman na may bahid ng kasamaan ang mag asawang Suarez,at hindi ko pa rin nakakaharap ang anak nilang lalaki. "Susunod na kmi honey",sagot ni Mayor,"may mga ilang detalye lang akong sasabihin kay Daniel at iha mauna ka na sa hapag kainan,susunod na kami",dugtong nya sa huling sinabi na ipinagtaka ko naman. Tumayo na si Ace,napasunod ang aking tingin sa kanya,habang papunta sa dining area,"Iho". Agaw pansing tawag nya sa akin,medyo nahiya ako,dahil alam kong nahuli nya ako nakatingin sa anak nya. "Wala ka magiging problema sa anak ko,mabait naman na bata yan,yun nga lang,minsan kung ano ang gusto gawin ay gagawin nya"lihim ako napangiti sa mga sinabi nya. "Ang paki usap ko lang sana iho,ay wag mo sya pahahawakin ng manibela,hindi namin sya hinahayaan na makapagmaneho uli,kaya kinuhaan namin sya ng Driver",na ipinagtaka ko at tumingin sa kanya. Nakuha siguro nya agad ang katanungan sa isip ko kahit hindi ako magsalita kaya sumagot uli sya. "She got an car accident,kaya kung pwede lang wag mo sya hahayaan,kahit kulitin ka pa nya,maasahan ko ba iho"."Opo Mayor makakaasa po kayo",ang sagot ko dito. Malabo pa sa akin ang mga nangyari ngayong araw,malalaman ko din ang totoong dahilan kung bakit sa tinagal tagal ng paghahanap ko ay hindi ko sya nakita. Sa kabilang banda masaya sya,na malamang buhay ang babaeng napakatagal na nyang hinahanap,ang babaeng espesyal sa kanya,na sa paglipas ng panahon,ay walang kahit na sino ang pumalit,tanging ito lamang ang babae na kanyang gusto. "Ngayong na makakasama kita,hinding hindi na ako papayag na malalayo ka pa sa akin Alex",ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat,para maprotektahan kita,kahit na ikaw pa ngayon si Chloe Suarez". "Halika na iho,sumabay ka na sa amin mag agahan,para maihatid mo na din si Chloe"aya sa akin ni Mayor. Napansin siguro na medyo nag aalangan ako sa kanyang alok,"Wag ka na mahiya,ganito talaga dito sa bahay". "Sa kabilang utak ko may nagsasabi na mabubuting tao ang mga Suarez".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD