~Mayor Suarez~
May hindi ako maipaliwag na nararamdaman,ng bigla tawagin na "Ace" ni Daniel si Chloe,at ang pagkagulat ng aking anak ng marinig ito.
Hindi nakaligtas sa akin ang kanyang mga titig dito,na animo bigla nakakita ng isang kakilala,sa matagal na panahon,"kailangan maipaalam ko kay Zie ang bagay na ito,upang malaman namin kung sino si Daniel Delgado"dikta ng kanyang utak.
~Sebastian~
"Good morning Ma'am Chloe,"bati ko dito na papalapit at agad na ipinagbukas ko sya ng pinto ng sasakyan,may ilang araw na akong Driver nya.
"Good morning"balik bati nito,na maliksing kumilos pasakay ng kotse,napansin ko na,isa sa nabago sa kanya,ei ung palagi sya nakangiti,kapag may nakakaharap sya na mga tao.
Sa ilang araw na kasama ko sya,lagi ko sya pinagmamasdan,kapag may pagkakataon,at minsan kapag nahuhuli nya ako nakatingin sa kanya,ay dagli ako umiiwas.
Tulad na lang ngayon habang naka stop light,malaya ko sya pinagmamasdan sa side mirror,habang may mga binabasa sya na mga papeles.
"Lalo ka gumanda,hindi ako magsasawa na pagmasdan ka kahit panakaw lang",piping bulong ng aking isip.
Hindi ko pa nasasabi kay Boss,na buhay pa si Ace,at nagdadalawang isip ako kung dapat ko pa bang sabihin sa kanya.
Hanggang hindi ako nakakasiguro kung ano ang nangyari sa kanya sa huling misyon nya,wala muna dapat makaalam na nakita ko na sya,pero nakakasiguro ako na sya si Ace,"my one in only Alexandra".
~Chloe~
Ilang araw ko na syang nakakasama,at hindi ko maipaliwanag kung ano itong aking nararamdaman,simula ng una kmi magkita at biglang tinawag nya akong "Ace".
Yung mga tingin nya na akala nya hindi ko napapansin,"bakit may ganito akong pakiramdam,madali ko nalalaman kung may nakatingin sa akin,pati mga kilos ko may liksi,animo tantyado bawat galaw ko",mga ilan lamang na katanungan na gumugulo sa isip ko.
Bakit may pakiramdam ako na parang matagal ko na syang kilala!,hindi sya pala imik na tao,kung may sasabihin ako o ipag uutos,saka lamang sya magsasalita.
Masyado sya maliksi kumilos,bawat galaw may pag iingat,lagi nakamasid sa paligid,at yung napapadalas na pagnakaw-nakaw na tingin sa akin,na kalimitan ko naman nahuhuli,"hmmp,,sige lang tingin lng!,pilyong isip ko.
"Ma'am nandito na po tayo",sabi nya na nagpabalik sa aking malalim na pag iisip.
Ipinagbukas nya ako ng pinto,ni hindi ko na pala namalayan na nandito kami,kinuha nya ung ibang dalahin ko at pinauna nya ako pagpasok sa building,sya ay nasa aking likuran lamang nakasunod.
"Good morning po Ms.Suarez",bati ng guard sa akin,"Good morning din po Mang Nestor",balik bati ko rito,mabait sila sa akin,hindi ko nakitaan ng masamang ugali ang mga nagtatrabaho dito.
At dahil bago pa lang ako dito,ei pag aayus pa lng ng mga files ang ipinapagawa sa akin ni Kuya,nakakapagod pero masaya ako dahil kasama ko na sila,at nakikita araw-araw.
"Salamat sa paghatid sa akin Daniel",pasasalamat ko dito ng pagkalapag ng aking mga gamit."Walang anuman po Ma'am,trabaho ko po yun",sagot nito at tumango ako.
"Spare that( Ma'am)just call me Chloe,hindi naman ako ganon katanda",nakangiti kong sabi sa kanya,na halata ang pagkagulat sa kanyang mukha, "at kung nagugutom ka may canteen sa baba charge mo sa akin".
"Ah sige po Ma'am",na nakatingin sa akin,na tinaasan ko ng kilay,,,"Sige C-Chloe"ang nabubulol nyang sabi,na ikinangiti ko naman,hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagka misteryoso nya ei,parang matagal ko na syang kakilala."ang weird!.
"Infairness ang gwapo nya!,maagang kaharutan ng utak nya!,nakakalokong ngumiti sya pagkaalis ni Daniel,kahit sino sigurong babae ay hahanga dito,may girlfriend na kaya sya?,ang tagal ko nanirahan sa US,madami na rin ang mga nagparamdam sa akin ng kani-kanilang paghanga,ngunit isa man lang sa kanila ei,wala pumukaw ng aking atensyon,ngayon pa lang ata!.
Wala ako maalala sa nakaraan ko,kung may naging crush na ba ako,boyfriend?,ang sabi ni Mama,wala pa daw ako naging boyfriend,paki wari ko naman ay totoo ang kanyang sinasabi.
Pero bakit ng makita ko si Daniel,parang may isang bahagi ng puso at isip ko na nagsasabi na minsan sa nakaraan ko,naranasan ko ng magmahal.
~Zei~
Katatapos lng ng 3:00pm meeting ko sa isang inverstor,na tumagal din ng halos isang oras,ng maka tanggap ako ng tawag galing kay Papa.
"Pa,bakit po kayo napatawag?",hindi ugali ni Papa ang makipag usap sa telepono ng matagal,"May ginagawa ka pa ba iho?"ang tanong kaagad nito."Katatapos lng ng meeting ko sa isang investor,anything happen Pa?".."Sa bahay ka mag dinner,may pag uusapan tayo"may mababang tono ng boses na pagkakasabi."Ok Pa,"tangi ko na lamang naisagot,bago ibaba ang tawag,alam kung busy masyado si Papa,as a Mayor ng bayan namin,pero hindi sya nagkukulang sa amin na pamilya nya.
Napa isip ako,kung para saan ang aming pag uusapan,maayus ang negosyo ng pamilya namin sa pamamalakad ko,kung ang kalusugan naman nila ay maayos naman,hindi kaya tungkol ito ka "Chloe"?.
Masaya ako na kasama na namin si Chloe,nakikita ko kung gaano kasaya din ang mga magulang ko,sana kung sakali man dumating yung panahon na yun,ay matanggap namin lahat.
Ang isipin pa lang yun,ay sumisikip na ang aking dibdib,hindi na sya iba sa akin,itinuring ko na syang totoong kapatid,kapalit ng nawawala kong kapatid.
Kung gaano kaayos ang buhay namin ngayon,ngunit may nakakubli na pangungulila sa aming mga puso,matagumpay na Public Servant si Papa,may iba't ibang Foundation ang naipatayo na ni Mama,pero hindi maitatanggi nun,na may kulang pa din,hindi na namin sya nahanap.
"Kuyaaaaa",tawag ng batang nagmamadali sa pagbaba sa hagdan,"Chloe,dahan-dahan ka nga sa pagbaba,panu kung mahulog ka dyan sa kakamadali mo?"saway nya dito.
"Wag kana magalit kuya,ok naman po ako,oh tingnan mo nakababa ako ng maayos",ang nakangiti nitong sagot.
Ginulo nya ang buhok nito,"sa susunod maghihinay hinay ka ha,alam mo naman na ayaw ko na napapahamak ka"at niyakap ang kapatid na mag lilimang taong gulang na.
"Oo kuya"sagot nito na yumakap din sa kanya,malambing na bata c Chloe,kaya mahal na mahal nya ang kapatid,"asan yung promise mo sa akin,sabi mo bibilan mo ako ng cotton candy"nakangusong tanong nito.
"Oo na po",sabay baba ko ng aking bag,at binuksan ito,para ilabas ang binili kong pasalubong na ipinangako ko sa kanya,hindi sya lagi pinakakain nito ni Mama,kaya pasekreto ko lang sya kung bilhan.
Bigla nagningning ang kanyang mga mata pagkakita sa Cotton candy.
"Yeheyyy,your the best Kuya talaga"ang tuwang tuwa na sabi nito.
Napabalik ako sa kasalukuyan ng biglang may bumusina,sa likuran ng kotse ko,naka green light na pala,masyado ako nalibang na alalahanin yung nakaraan,nakalimutan ko na nasa kalsada pa ako,pauwi sa bahay namin,dahil may importante daw kami pag uusapan ni Papa.
"Zei,anak gusto kong ipa- background check mo si Daniel Delgado"ang panimula ni papa,habang nandito kami ngayon sa library ng bahay namin,matapos mkapag hapunan ay inaya na nya ako dito.
"Bakit Pa,may nangyare ba,may hindi ba sya magandang ginawa kay Chloe"?
"Wala naman iho,gusto ko lang malaman kung sino talaga sya,sabi mo nga,na kaibigan mo ang nagrekomenda sa kanya,wala naman siguro masama kung aalalamin natin ang pagkatao ng lalaking araw-araw nakakasama ng kapatid mo".
"Nakakapagtaka lang din kasi na may itinawag syang ibang pangalan pagkakita nya sa kapatid mo,tinawag nya itong "Ace",at ang reaksyon din ni Chloe,ay tila nagulat din pagkarinig nun,sa mga tingin nya sa kapatid mo,parang kilala nya ito".
Ang paliwanag ni Papa,sa akin,habang ako ay nakaharap sa kanya at nakikinig lamang sa kanyang mga sinasabi.
Huminga ako ng malalim,may punto naman sya,sinang ayunan ko naman ang sinabi nya,"wag po kayo mag alala Pa,ipapa asikaso ko kaagad ang tungkol dyan".