Chapter 6:Ambush

1805 Words
~Third Person~ "Boss,naayos na po namin ang plano,go signal nyo na lang po ang hinihintay namin",kasalukuyang ibinabalita ng aking kausap,na nasa kabilang linya ng telepono. "Good,siguraduhin nyo na nasa maayos ang lahat!,at siguradugin nyo din,na wala makakaalam na ako ang nasa likod nito",mahigpit na bilin ko sa kanya. Alam kong,sa mga oras na maisakatuparan ang aking plano,matutupad ko n ang naipangako ko sa kanya. "Minahal ko sya Kuya,lahat handa ko gawin para sa kanya,bakit hindi nya ako magawang mahalin",umiyak na na sabi ng aking kapatid. "Bakit sa babaeng yun pa,wala naman espesyal sa kanya!,ako ang nararapat sa kanya,hindi ko matatanggap ito,hindi ako uupo lang dito,habang nagpapakasaya sila!!. "Huminahon ka muna Triana,tanggapin mo na lng na hindi sya para sayo,madaming lalaki dyan,na nagkakagusto sayo,bakit sa lalaking yun mo pa inuubos ang panahon mo"?. "Hindi!!,mas maige pa na pare-pareho kaming hindi maging masaya kung hindi rin naman sya sa akin mapupunta",sagot ng kapatid ko na puno ng galit sa kanyang mga mata,kahit hilam sya ng luha. Mahal ko ang kapatid ko,lahat ng gusto nya ibinibigay ng magulang namin,kahit pa sabihin na sobra-sobra na,sanay sya na nakukuha ang gusto nya. But not the guy,that she want,ayun dito ay may ibang mahal. Nasasaktan ako ngayon na nakikita syang nagkakagnyan. At tila may pakiramdam ako na hindi ko,magugustuhan ang mga susunod na mangyayari. Wala ako alam sa ganitong bagay,dahil magkaiba ang paraan ng pagpapalaki sa amin ng aking kapatid,kung sya nakukuha ang gusto,samatalang ako kailangan ko sundin lahat ng pinapagawa ng magulang namin. Tawag sa kanyang cellphone ang pumukaw sa kanyang malalim na pag iisip na nakaraan. "Hello,kumusta ang ipina tatrabaho ko sayo,...ah sige,sige aasahan ko yan",sagot ko sa aking kausap bago ko ini-off agad. Sanay magustuhan mo ang munting regalo ko sayo,(Mayor Suarez)!!,tiim bagang isip ko. ~Chloe~ "Baby Chloeeeee,guest what?,tumitiling tanong sa aking sa akin ng aking kaibigan,walang iba kundi si Misya. "Ano ba naman yan Misya,kulang na lang mabasag yung eardrum ko sa lakas ng tili mo dyan",ang naiiritang sagot ko sa kanya. "Sorry nmn,im so excited lang na ipaalam sayo na nandito ako ngayon sa Pilipinas",hinging paumanhin nito. "Hah!,kelan kapa dumating"?,ang tanong kong,may kasamang pagkagulat. Ang alam ko kasi,nasa Batangas ang mga kamag anak nito,ngunit wala sya nasasabi sa akin n gusto nya magbakasyon sa mga yun. "Kahapon lang ako dumating,and i just want to surprise you",kelan mo ako dadalawin,you know naman na wala ako alam dito",ani nito. Yeah,bata pa lang daw sya ng mag migrate na ang mga magulang nito sa US. "Ok,expect us on Saturday",sagot ko dito. " W-wait us?,nagtatakang tanong nito."Yes Misya with my Driver,alam mo naman na hindi ako pinapayagan nila Papa na magmaneho,kahit pa marunong naman ako". Madami pa kami napag-usapan bago ko ibinaba ang tawag,dahil kumatok ang isa sa aming kasama dito sa bahay,para sa hapunan,at narito daw si Kuya. Sa hapag habang kumakain kami,naka tyempo ako na magpaalam sa kanila para mabisita si Misya sa Batangas. "Ma,Pa,Kuya,nandito po sa Pilipinas si Misya"at plano ko po sana sya puntahan sa sabado". Kilala ni Mama at Papa si Misya,dahil nakakasama namin sya kapag dumadalaw sila sa akin sa US,at alam nila na ito lang ang naging kaibigan ko doon. "Sige iha,walang problema,nandyan naman si Daniel para ipagmaneho ka",isama mo na din sya dito para naman,makapamasyal sya sa lugar natin,ang sabi ni Papa. "Tama ang Papa mo anak,namis na din namin ang kakulitan ng batang yun"segunda ni Mama. Samantalang si Kuya,nakatingin lang sa amin habang nakikinig. "Salamat po Ma,Pa,tamang tama,para makilala na din sya ni Kuya",baling ko dito na may nakakalukong ngiti. "Ayy,gusto ko yan iha,ewan ko ba naman dyan sa Kuya mo,hanggang ngayon,wala pa ipinakikilala sa amin ng Papa mo",ang nanunukso ding sabi ni Mama. Iiling-iling lang ito at bumalik sa pagkain,Basta mag ingat kayo sa byahe nyo bunso,ang sabi nito,na ikinatango ko. Kasalukuyan nasa sasakyan ako,papunta sa opisina. "Daniel may pupuntahan tayo sa Batangas,sa sabado mga umaga tayo aalis,at baka linggo na tayo makabalik,maaari mo ba ako samahan at ipagmaneho?, ang tanong ko dito na, nakatingin sa kanya khit nasa bandang likuran nya ako. "Wala problema dun Chloe",sagot nito,Oo tama kayo ng dinig Chloe na lang ang tawag nya sa akin,dahil yun din ang gusto ko. Sa halos mag iisang buwan ko na syang driver,masasabi ko na maayos ang kanyang trabaho,parang hindi lang driver ang papel nya sa akin,parang bodyguard ko na din sya. At nagkakapagbiro na din ako sa kanya,kahit minsan nahihiwagaan pa din ako,kase ba naman,ang tahimik nya,kung magsasalita naman sya,ei kung tinatanong mo lang or may sasabihin sya,pero madalas ko pa din sya nakikitang nakatingin sa akin,animo may gusto sabihin. "Magpaalam ka sa girlfriend mo ha,baka magalit yun kung hindi ka makakapag day off ng linggo"biro ko sa kanya. Oo,madalas syang umaalis kapag linggo,kaya tingin ko may girlfriend sya,base naman sa kwento nya,taga Cebu sya at ang pamilya nya. Medyo nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib,ng sinabi ko yun. "Wala akong girlfriend,at hindi pa ako nagkaka girlfriend",sagot nito sa akin,habang nagmamaneho. Oh diba?,ganyan lang sya lagi kapag kinakausap mo,nakapa tipid magsalita. "Bakit nga pala,wala ka pang girlfriend at nagkaka girlfriend?,tanong ko dito,medyo na curious din ako,sa hitsura nya,imposible talaga na wala pa. "May espesyal na babae sa buhay ko,at sya lang ang gusto ko maging girlfriend at makasama"...."Ouch,may nagugustuhan na pala sya"sabi ng isip ko sa sinabi nya. Oo aminado ako,may lihim akong pagtingin sa kanya,hindi ko alam kung kelan nagsimula,kahit pa sabihin na bago ko pa lang sya nakasama. "Taga sa inyo ba"?,ang di ko mapigilan na tanong sa kanya. Nakita ko syang huminga ng malalim,sakto naman nag red light,at tumingin sya sa akin. "Matagal na kaming magkasama,simula bata pa lang,hanggang nasa wastong edad,pareho nangarap,hindi lingid sa amin pareho na espesyal ang bawat isa,pero nagkahiwalay kami"kwento nya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Teka,bakit parang bigla kumabog ang dibdib ko sa sinasabi nya at ganon din ako na hindi inaalis ang tingin. "Pero ngayon,nakita ko na sya,at hindi ko hahayaan na magkahiwalay pa uli kaming dalawa."ang sabi uli nito. Lalo lumakas ang kabog ng dibdib ko,hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko,nasasaktan ba ako,dahil nalaman ko na may minamahal na sya. "Mabuti naman at nagkita na pala kayong dalawa,sigurado ako na,this time na masaya kayo pareho". Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya,dahil hindi ko na kaya tagalan yung paninitig nya,na parang sinasabi na,"Oo masaya ako na nakita ko sya". Huminga sya ng malalim,at nag focus na sa pagmamaneho,habang pareho na kami tahimik ng makarating sa opisina. Sabado,maaga kami umalis para hindi kami tanghaliin pagdating Batangas. Tahimik lang kami dalawa sa byahe,simula ng huli naming pag uusap,hindi na ako sumubok na magtanong sa personal nyang buhay. Bago magtanghalian ay nakarating kami sa address na ibinigay ni Misya,at ngayon ay nasa tapat na kami sa maykalakihan bahay ng tita nito. "Baby Chloe",ang tawag nito sa akin,patakbong lumapit sa kinaroroonan namin,pagkababa ko ng sasakyan,ay agad nya akong niyakap ng mahigpit. "Namiss kita"sabi ko dito at niyakap din pabalik,nang medyo napawi na ang pagkamiss namin sa bawat isa ay humiwalay na sya ng yakap at tumingin sa kasama ko at sa akin. "Hindi mo naman sinabi na ang gwapo at ang hot pala ng driver mo",ang may kalakasang na pagkakasabi nito,na alam kong makakaabot din sa pandinig ng kasama ko,"madami ka dapat ikwento sa akin,walang labis,walang kulang",kahit kelan talaga wala preno ang bibig ng babaeng ito. "Dapat nilakasan mo pa Misya,kase hindi nya masyado narinig!,gigil kong bulong dito. Tumikhim muna ako,para mabawasan yung hiya,dahil lang naman sa pagkabulgar nitong kaibigan ko,bago humarap sa kasama ko. "Ah Daniel,,,"Sya nga pala si Misya ang kaibigan ko,Misya si Daniel".ang pagpapakilala sa kanila. Inabot ni Daniel ang kamay ni Misya na may tipid na ngiti,"nice to meet you Daniel,salamat at sinamahan mo ang kaibigan ko dito" ani ni Misya na may nakakalukong ngiti na humarap sa akin,na pinanlakihan ko naman ng mata. "Tamang tama,nakapagpahanda na ako ng pananghalian natin,alam kong gutom na din kayo",aya ng aking kaibigan,at tumingin din sa kasama ko,"sumabay ka na sa amin Daniel,wag ka mahiya",tanging tango lamang ang isinagot nito. Matapos makapananghalian at nagpahinga muna kami,ipinagamit sa amin ang dalawang guess room ng tita ni Misya,isa para sa akin at ang isa naman para kay Daniel. Sa halos dalawang araw namin na magkasama,madami kami napag kwentuhan,kasama na dun ang lihim na pagkakagusto ko kay Daniel,at may mga plano din kami gawin,bago sya bumalik sa US,inimbitahan ko din sya na magbakasyon sa bahay,dahil kako namimiss na din sya nila Papa at Mama. Nasa byahe na kami pabalik,nang mapansin ko na balisa si Daniel,habang may idina-dial sa phone nya. "Sir,pasensya na po kung makakaabala ako,kanina ko pa po kase napapansin na may nakasunod sa amin na dalawang kotse",ang sabi nito sa kausap na kung hindi ako nagkakamali ay si Papa. Pagkarinig ko sa kanyang sinabi,agad ako tumingin sa bandang likuran ng aming sasakyan,at totoo nga ang sinabi nya,may dalawang sasakyan na nakasunod sa amin. Nandito pa naman kami sa lugar kung saan bihira ang kabahayan at medyo liblib na din na lugar. "Opo,gagawin ko po ang lahat para mapigilan sila",at ini-off ang phone nito pagkasabi nun. "Ahhhh!!!sigaw ko,ng bigla magpaputok ng baril ang isa sa mga taong nasa kotse,"yumuko ka,baka matamaan ka"utos nya sa akin,na ginawa ko naman. May kinukuha sya sa compartment ng sasakyan at laking gulat ko na hawak na nya ang isang baril. "Chloe,alam kong nangako ako sa papa mo na hindi kita hahayaan mag drive,pero kailangan,kakayanin mo ba?"tumango ako sa kanya,bagamat may takot pero alam kong kailangan ko sya palitan sa pagmamaneho. Unti-unti sya umalis sa upuan,at agad akong pumalit sa pwesto nya,at ikinasa nya ang baril habang nasa tabi ko sya. "F*ck!,pagsisihan nyo to!,,dinig kong mura nya ng pagbabarilin na naman nila ang aming sinasakyan. Gumanti na din ng putok si Daniel,"One down",ang sabi nito,at narinig ko ang biglang pagsabog ng gulong ng isa sa mga kotse na humahabol sa amin. Habang nakikipagpalitan pa din ng putok si Daniel ng biglang,"Oh sh*t!!!at pagtingin ko dito,ay may tama sya sa braso nya. "Drive!,ok lang ako daplis lng ito",ang sabi nya,ng makita nya ang pag aalala sa akin,at dumungaw uli sa bintana para makipagpalitan ng putok sa humahabol pa sa amin. "Bullseye!"ang animo natamaan ng walang mintis ang target nito,at pagtingin ko nga sa aming likuran,nakita kong bumaba yung mga sakay ng kotse at mababakas mo sa kanila ang pagka dismaya. Nakahinga ako ng maluwag,dahil natakasan namin ang mga humahabol sa amin,hindi ko alam kung ano ang pakay nila. At ang hindi ko napaghandaan ay ng sumigaw si Daniel,at pagbalik tingin ko sa harapan ng kalsada ay may truck na akong makakasalubong. Sa pagkabigla at pagkataranta,nakabig ko bigla ang manibela,bigla kami sumalpok sa puno,at namalayan ko nalang na may umaagos na mainit na likido sa aking mukha. "Alex!,,Alex!,,please,please,not now,hindi ka na pwede mawala sa akin,hold on please",tila nagsusumamong sambit ng taong nakayakap sa akin,mga huling salita na aking narinig bago ako napapikit at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD