Chapter 7:Back Memories

1200 Words
~Mayor Suarez~ Katatapos lang ng aming pagpupulong ng aking mga lokal,ng makatanggap ako ng tawag mula kay Daniel,binundol agad ng kaba ang aking dibdib pagkasagot sa tawag nya. "Sir pasensya na po sa abala,kanina ko pa po kasi napapansin na may nakasunod sa amin na dalawang kotse." "Ano! nasaang lugar na kayo,si Chloe kumusta sya?,paki-usap Daniel gawin mo ang lahat ng magagawa mong paraan upang makalayo kayo sa kanila,itatawag ko sa may malapit na presinto,upang makapagpadala ng reresponde sa inyo". "Opo gagawin ko po ang makakaya ko upang mapigilan sila",ang sagot nito bago ini-off ang tawag. Tinatawagan ko si Zei,pagkatawag sa police station na malapit kung asan sila Chloe at Daniel. "Zei,we need to go Santa Barbara now! hindi ko alam kung ano na ang nagaganap sa ngayon,nag aalala ako para sa kapatid mo",at sinabi ko rin dito ang ibang detalye na itinawag sa akin ni Daniel. "Ok Pa,pupunta kaagad ako,doon na lamang po tayo magkita,mag ingat din kayo,hindi pa natin alam kung ano ang motibo nila para gawin ito". Habang sakay ng aking sasakyan kasama ang aking driver at dalawang PSG,hindi mawala ang kaba na aking nararamdaman,sana nasa maayos lamang sila. Nasa ganon akong pag-iisip ng bigla may tumatawag,si Daniel agad kong sinagot. "Iho,kumusta ang anak ko,nasaan na kayo"? "Sir,sakay po kami ng ambulansya patungo sa ospital ng Santa Barbara kailangan". "Bakit ano ang nangyare kay Chloe! anong lagay nya? "Sir,nandito na po kmi sa ospital,mamaya ko na lang po ipapaliwanag ang nangyari"ang sagot nito sa akin. "Sige papunta na kami dyan",agad kong ipinaalam kay Zei. Nangangamba ako,hindi ko kaagad maipaalam kay Carol ang nangyayari,dahil alam kong sobrang mag-aalala ito at wala ako maisip na maaaring dahilan para gawin ito sa amin,lalong-lalo na kay Chloe. ~Sebastian~ Nang mawalan ng malay si Chloe,puno ako ng pangamba,hindi na sya pwede mawala sa akin,hindi ko na hahayaan na magyari yun uli. Kasalukuyan kami sakay ng ambulansya upang dalhin sya sa ospital ay hindi mawala-wala ang aking takot. Naipaalam ko na rin kay Mayor ang nagaganap,alam kong may kasalanan ako at handa ako na harapin iyon. Pagdating sa ospital ay kaagad inasikaso si Chloe ng mga nurse at doctor,naiwan naman ang mga police na rumesponde doon sa pinangyarihan. Sino ang maaaring gumawa nito kay Chloe,hindi pwede na napagkamalan lang nila na si mayor ang sakay ng kotse,ano ang motibo sa pagtatambang sa amin? Nasa malalim akong pag iisip ng bigla lumabas ang doctor na umasikaso kay Chloe,hindi ko na namalayan kung gaano na ako katagal naghihintay sa labas ng emergency room. "Doc,kumusta na po ang kasama ko?umasam na sana maganda ang ibabalita nito. "Kamag-anak ka ba ng pasyente"? tumango lamang ako. Maayos naman na ang pasyente,nagamot na namin ang kanyang sugat sa ulo,hindi naman ganon kalalà,sa ngayon hintayin na lang natin na magising sya,pwede na rin sya mailipat ng kwarto,ang paliwanag nito. Nakahinga ako ng maluwag at umusal ng pasasalamat sa Taas. Sakto naman dumating sila Mayor kasama nito ang panganay na anak. "Daniel,ano nangyari,kumusta si Chloe,ano ang sabi ng doctor? batid dito ang labis na pag aalala. "Nagamot na po ang sugat nya,at pwede na rin daw ilipat ng kwarto at doon na lamang hintayin magising ito"ang sagot ko dito. "Sir,kasalanan ko po kung bakit kami bumangga,hinayaan ko magmaneho si Chloe,upang ako ang humarap sa mga humahabol sa amin",ang nakayuko kong hinging paumanhin. "Its ok Daniel,alam namin na ginawa mo ang lahat para lamang maprotektahan ang kapatid ko",sagot ng panganay na anak nito. Napansin nya ang sugat ko sa aking braso,ipagamot mo din yang sugat mo,ang pagkasabi nito. "Okey lang po ako Sir,daplis lang naman ito kaya ko na itong gamutin"sagot ko. Nailipat na namin ng kwarto si Chloe,ngunit hindi pa rin ito nagigising. Nang bumukas ang pinto at pumasok si Mrs.Suarez,bakas sa mukha nito ang labis na pag aalala,nag unahan agad sa pagpatak ang mga luha nito pagkakita kay Chloe,kaagad ito lumapit at binigyan ng magaan na halik sa pisngi. Kitang kita ko sa kanila ang labis na pagmamahal kay Chloe. Gustuhin ko man na nasa tabi ni Chloe at hintayin ito magising,ngunit naiilang ako na kasama ko sa silid ang kinikilala nitong pamilya kaya nagpaalam ako na lalabas muna. "Iho,bumili ka na din ng makakain natin at mga prutas para kapag nagising si Chloe ay may makakain sya",ang pakisuyo ni Mrs.Suarez sa akin at may inabot na pera,tumango ako,magalang na nagpaalam at lumabas na ng kwarto. Hindi naman ako natagalan sa pag bili ng mga iniutos sa akin at kasalukuyan na akong pabalik sa kwarto ng mapahinto ako ng marinig ang ilang mga katanungan ng doctor sa mag asawa. "Mr.Mrs.Suarez,ang sabi po nyo ay may amnesia ang anak nyo,malalaman natin kapag nagising na sya,kung naka apekto ba sa kanya ang pangyayaring ito upang mabalik ang kanyang ala-ala". "Ipatawag nyo na lang po ako kung sakaling magising na sya,hindi naman ganon ka grabe ang natamo nyang sugat,maya-maya siguro ay magigising na sya". "Salamat po Doc",sagot ni Zei. Nagkasalubong pa kami ng doctor at pumasok na rin ako upang maibigay ang mga ipinabili nila sa akin. "Daniel,kumain ka na muna,para makapagpahinga ka na rin,alam namin na wala ka pang pahinga",ang sabi ni Mrs.Suarez pagkaabot sa aking pinamili. Sandali ko muna sinulyapan si Chloe,"sana magising ka na",piping dasal ko. Nasa gitna kami ng pagkain ng biglang,,,Seb,mahal kita,babalik ako pangako,,,at bigla nagmulat ang mata nito,tu-tu-big,,gusto ko ng tubig",paos na tinig ni Chloe. Agad lumapit ang mag asawa,at inabutan naman ito ni Zei ng tubig. "Daniel pakitawag naman ang doctor"pasuyong utos nito sa akin,agad akong napatayo at lumabas upang tawagin ang doctor. Habang sinusuri ng doctor si Chloe ay nakamasid lamang ang mag-anak. "Iha,kumusta ang pakiramdam mo,masakit pa ba ang ulo mo,may iba ka pa bang nararamdaman? umiling lamang ito. "Nakikilala mo ba sila? tumango ito. "Natatandaan mo ba ang nangyari sayo kung bakit nandito ka? "Opo bumangga yung minamaneho kong kotse sa puno at.........luminga-linga sya na animo may hinahanap. Mataman nya akong tinitigan,may kakaiba sa tingin nyang yun,habang naghihintay ng sunod nyang sasabihin ay kapwa may pagtataka na sa mag-anak na nakatingin na rin sa akin. "Kasama ko po sya ng mangyari yung aksidente". Lumapit dito ang mag-asawa at yumakap,at hindi na nito napigilan ang umiyak. "Shhhh,shhhh,ok na iha,ligtas ka na",alo ng mag-asawa. May mga ilang bilin ang doctor bago umalis,mamalagi muna ng ilang araw dito sa ospital si Chloe para masiguro nila na ok na nga ito. Nakamasid lang ako sa kanila habang masaya silang nag-uusap,"Mama,wag ka na po umiyak,mababawasan ang ganda mo nyan sige ka"ang lambing nito sa ina. "Bunso pinag alala mo talaga kami,sigurado ka ba na wala ka ng ibang dinaramdam?,"Ok na ako kuya,sorry kung pinag-alala ko kayo nila Papa". At niyakap uli ito ng mag-anak na,ikinaselos ko dahil hindi ko sya mahawakan man lamang. Nang dumako ang tingin nya sa akin at ngumiti,bigla kumabog ang dibdib ko. Hindi ako pwede magkamali,sa paraan ng pagtitig nya sa akin,sa tagal na namin magkakilala at magkasama,ramdam ko,bago sya nagising malinaw sa pandinig ko ang sinabi nya,hindi ko alam kung napansin yun ng mag anak,alam kong bumalik na ang ala-ala nya,ano man ang dahilan nito kung bakit hindi nya sinabi sa mga ito ay malalaman ko rin sa mga susunod na araw. "Nagbalik ka na Alex"sa isip ko at ngumiti rin ako kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD