Chapter 8:Accident

1213 Words
(Alexandra POV) ''Boss ipinatawag niyo daw po ako"bungad ko pagkapasok sa kanyang opisina. Nagulat ako dahil hindi lang naman pala ako ang naririto sa opisina nya,nandito din ang isa sa mga kasamahan ko. "Oo Ace,may ipapatrabaho ako sa inyo,alam kung medyo delikado ito,pero alam kong sa kapasidad mo ay magagawa ng maayos ang trabahong ito",may itiniro sya na folder sa lamesa. Bumaling ako sa kasamahan ko,tahimik na tumango lamang sya sa akin,at bumaling ako muli sa boss namin. Kahit kelan talaga,basta trabaho ang pinag-uusapan wala ka makikita sa mukha nito,kundi kaseryosohan. Sya na halos ang nagpalaki sa amin,wala sya sinayang na panahon para matuto kami sa kung ano man klase ng trabaho meron kmi ngayon. Confidencial lahat ng ipinagagawa sa amin,dahil konting pagkakamali,maari namin ikapahamak at ng grupo. Hindi na ako nag aksaya ng sandali para makita ang nilalaman ng folder. (Mr.Nuri Fujico,drug lord,isa sa mga kasosyo ng ilang mga tiwaling politiko ng bansa,base sa impormasyon darating sa Pilipinas sa susunod na linggo para makipag meeting at transaksyon na magaganap sa Cebu,at may patong sa ulo na 2 milyon).Tssk,,kulang pa ang halagang yan para sa lahat ng buhay na nasisira dahil sa negosyo nyang droga. "Ace,makakasama mo si Diamond,dahil balita ko hindi lumalakad si Mr.Fujico ng sya lang,marami syang mga tauhan,mag iingat kayo,lalo ka na,tumingin sya sa aking mga mata habang sinasabi ang mga iyon,mababakas mo dito na may pag aalala. "Makakaasa po kayo na matatapos namin ang ipinagagawa nyo",hindi na bago sa akin ang ganitong pakiramdam,ang magalit sa mga target namin,alam namin na masama ang pumatay ng tao,pero yung mga masasama lang naman talaga at salot na sa lipunan. Matapos ng ilang paalala at pag aaral sa gagawin naming misyon ay sabay na kami umalis ni Diamond. "Ace,magkita na lang tayo three days from now,mauuna na ako sayo sa Cebu para pag aralan ang mga lugar na pagdarausan ng mga transakyon ng target",ani nito sa akin habang naglalakad patungo sa mga sasakyan namin,hindi kmi close pero kapag trabaho ang pinag uusapan,wala kaming problema dahil nagkakasundo kami,kahit bihira talaga kami lumakad ng may kasama sa isang misyon. "Sige,may ilang araw pa naman tayo para makapagpahinga at makapaghanda",sagot ko dito at tuluyan na kami sumakay at umalis sa lugar na iyon. Pagdating ko sa bahay,wala ako naabutan sa loob,pero alam kong nandito na sya,umikot ako sa likod ng bahay at tama nga ako nandun sya naka upo habang umiinom ng beer in can. "Seb,kanina ka pa ba?lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. "Oo,dumaan din ako sa hide out,at ang sabi sa akin ay ipinatawag ka ni boss",matalino sya,malakas ang pakiramdam,alam kung hindi ko pwedeng hindi sabihin sa kanya,kaya sinabi ko sa kanya ang napag-usapan,at kitang kita ko sa kanya ang labis na pag aalala. Sya lang ang meron ako,mahalaga sya sa buhay ko at sa nakikita ko,alam kong hindi nya gusto na tinanggap ko ang misyon na iyon,pero nangako ako na mag iingat para sa kanya. Nandito na ako sa Cebu kasalukuyan pinag aaralan ang bawat galaw ng target,tama si boss madami ngang kasama na mga tauhan si Mr.Fujico. "Ace,sa may sementeryo at warehouse magaganap ang transaksyon mamayang hating gabi,mag dadalawang grupo sila,yung isa para sa pag-uusap ng mga mgkakasosyo,at ang isa ay para sa transaksyon ng kargamento nila,ito na yung hinihintay nating pagkakataon",imporma sa akin ni Diamond. Habang nandito ako sa inuupahan ko na kwarto para sa pamamalagi ko dito,ay naghahanda na din,nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba,sa ilang misyon ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito,kaya namin ito matatapos namin ng maayos ang misyon at makakabalik ng maayos. Nandito na kami ni Diamond sa warehouse,kapwa naka pwesto na din at sa hindi kalayuan nakikita namin na dumating na ang mga kasosyo ni Mr.Fujico. Hindi umabot ng kalahating oras ang pag uusap ng magkabilang panig,ng isa-isang nag alisan ang mga ito,ay agad kong narinig si Diamond "Its time". At narinig ko na nagkakapalitan ng putok ng baril.tsk,napaka mainipin talaga nya. Wala akong inaksaya na sandali mabilis ako nakalapit kina Mr.Fujico,iilan lang mga kasama nitong tauhan. "Mr.Fujico",tawag pansin ko dito habang itinutok ang baril sa kanya,"Who are you?"."Im the one who send you in hell",sagot ko dito na ikinawa lamang nito. G*go ata ito,pahihirapan pa ako mag english ei mamatay naman na!! "I have a lot of man behind your back lady,no one can take me or kill me right now,at bigla ko narinig na may mga nagdatingan na mga sasakyan. "Ace,madami ng parating tapusin mo na yang sakang na yan!!ang wika ni Diamond,tssk.madali naman ako kausap. Kasabay ng pagkakagulo,hindi na ako nagsayang ng oras at hinarap na ang lintik at salot na sakang na ito!,"Say hello to Lucifer Mr,Fujico!!"at pinagbabaril ito,nakita ko na lang ang wala ng buhay nyang katawan na bumagsak sa semento. "Ace,may tama ako",dinig ko sa kabilang linya,nakikipagpalitan din ako ng putok ng baril sa bawat makakasalubong ko,habang hinahanap ang kasama ko. "Diamond ok ka lang ba?kailangan na natin makaalis dito kaya mo ba?,tumago ito,"daplis lang naman sa may bandang bewang ko,kaya ko pa naman magmaneho",at inalalayan ko ito sa pagtayo. Nang hindi ko mapansin bukod sa may masasalubong kami ay may bigla nagpaputok ng baril sa likuran namin at natamaan ako sa may bandang balikat. F*ck!!at hinarap ito at pinagbabaril,gayon din ang masasalubong namin,sa malas pa tinamaan uli ako sa hita ko. "Kailangan na natin makaalis Ace,hindi natin kakayanin kung haharapin natin sila na pareho tayo may tamà"tama sya,kailangan namin matakasan ang mga tauhan ni Mr.Fujico. Nakahanap kami ng tyempo at nakalabas sa warehouse,nakasakay na sa kotse si Diamond,"sigurado ka bang kaya mo magmaneho,tawagan mo ako kapag nasa inuupahan mo na ikaw,gamutin mo yan".turo ko sa sugat nya,alam namin pareho na kapag mga ganitong pangyayari,kami lang gumagamot ng mga sugat namin lalo na kung hindi naman grabe. Tumawa ito,"kung makapag alala ka,ikaw nga itong napuruhan sa atin dalawa,magkita na lang ta,,,,hindi nya natapos ang sasabihin na may mga nagpaputok ng mga baril. "Go!,magkita na lang tayo,mag ingat ka,tumango ito at nagmamadali din ako sumakay sa sasakyan ko,papalapit na sa amin ang ilan sa mga tauhan ni Mr.Fujico. Pagkaalis nito ay nakipagpalitan pa ako ng putok ng baril sa mga kalaban para hindi nila kaagad mahabol si Diamond at nagmadali na din ako magmaneho para makaalis sa lugar na yun,alam kung may humahabol pa sa akin. Nasa kahabaan kami ng kalsada ay walang tigil padin sila nagpapaputok ng baril,"s**t!!nagpagewang-gewang yung sasakyan ko,kumikirot na ang mga tama ko,inihinto ko ang sasakyan at hinarap sila,tinarget ko ang gulong,upang hindi na nila ako mahabol pa. "Ayus,akala nyo ha,si Ace ata ako!!.ang pagyayabang kong sabi sa mga ito kahit nakakaramdam na ako ng panghihina. Sa aking pagmamaneho,bigla bumuhos ang ulan,kahit nanghihina pinilit ko makapagmaneho,kailangan ko magtungo ng ospital para magamot ang sugat sa balikat ko mabuti at daplis lamang at matanggal ang bala na tumama sa hita ko. Lalong lumakas ang buhos ng ulan,alam kong nakalayo na ako sa warehouse,medyo madalang ang mga kabayahan sa nadaraanan ko,madulas na din ang daanan,nasa pababang bahagi na ako ng kalsada ng biglang nawalan ng preno ang minamaneho ko,"taena!!ngayon pa talaga!!,at dahil sa panghihina dahil sa mga nagyari,hindi ko namalayan na sumalpok ang kotse ko sa isang malaking puno,sa lakas ng impact ng pagkakabangga, alam kong may kalalagyan talaga ako,"Lord ikaw na po ang bahala sa akin...Seb mahal kita,babalik ako pangako"ang piping dasal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD