Chapter 9:Found

1181 Words
~Carol Suarez~ Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ni Chloe sa hospital ay naiuwi na namin sya,nasabi na din ng doctor nito na maaari na nya ituloy dito sa bahay ang kanyang pagpapagaling sa natamong sugat sa ulo sanhi ng pagkakabangga ng sasakyan na minaneho nito. Napagawi ako ng tingin sa kanila,na kasalukuyang nagtatawanan kasama ang kanyang nag iisang kaibigang matalik na si Misya. Nang mabalitaan nito na naaksidente si Chloe ay grabe ang pag aalala nito sa kaibigan,kaya ng pwede na namin mailabas si Chloe ay kaagad ko ito tinawagan at ipinasundo kay Daniel. Kahit ako ay hindi naiwasan ang labis na pag aalala ng itawag sa akin ni Fernand ang nangyari sa anak namin. Mabuti na nga lamang at hindi ganon kalala ang nangyari dito,tulad na lamang ng matagpuan namin sya noon. (Flashback) "Honey,its been a long years,pero hindi pa natin sya natatagpuan,nasaan na kaya sya ngayon,sigurado ako dalaga na sya",puno ng pangungulila na sambit ko habang pumapatak ang aking luha na pinagmamasdan ang lugar kung saan nawala ang bunso naming anak. Kinabig at niyakap ako ng aking asawa,"Alam kong buhay sya,nararamdaman ko at alam kong ibabalik sya sa atin ng Diyos."ang pampalubag loob nito sa akin. Hapon na ng mapagpasyahan namin na bumalik na sa tinutuluyan naming hotel,bukod sa medyo nagdidilim na din ang kalangitan,nagbabadya ng umulan,kailangan na rin makapagpahinga dahil maaga pa ang byahe namin bukas. "Honey taon-taon natin ginagawa ito at taon-taon din ako umaasa na makikita natin sya".bagamat nilisan namin ang lugar na ito ay hindi kami nakalimot na bumalik dito kada may pagkakataon,lalo na sa araw na pinaka-masakit na pangyayari sa pamilya namin."Carol,khit kelan hindi ako mapapagod na bumalik-balik dito,dahil ito na lamang ang nagbibigay sa atin ng pag asa na isang araw makikita natin sya"ang madamdamin na pagkakasabi ng aking asawa at ginagap ang aking kamay. Habang binabagtas namin ang kalsada ay bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan,"maghinay-hinay ka sa pagmamaneho Fernand",ang paalala ko dito. Ginabi na kami sa aming byahe at lalo pa nga bumubuhos ang malakas na ulan,medyo may kalayuan din kasi ang pinuntahan namin sa aming tinutuluyan na hotel. Sa hindi kalayuan bagamat hindi na masyado malinaw na makikita ang kalsada dahil sa malakas na ulan ay may natanaw kami na isang sasakyan na bumangga sa isang puno. "Fernand!,may natatanaw ako na may kotseng naaksidente,halika tingnan natin mukang kailangan ng tulong natin at mukhang malala ang pagkakasalpok ng sasakyan nito sa isang puno"ang may pagka taranta na pagkakasabi ko. Hinay-hinay nito itinabi ang aming sasakyan sa gilid ng kalsada na hindi kalayuan sa bumanggang kotse. Dito ka muna,bababa lamang ako upang tingnan ang loob ng kotseng yun,ang bilin nito sa akin at bago bumaba ng sasakyan ay kinuha ang baril nito sa compartment ng sasakyan namin,"pang protection",at inilagay sa likurang bewang nito. Habang nakatanaw ako sa aking asawa na papalapit sa kotse ay hindi ko maiwasan kabahan,hindi nagtagal ay kumaway ito na animo'y pinalalapit nya ako. Nagmadali ako lumapit dito kahit nababasa na ako ng ulan at ganon na lamang ang pagkakabigla ko ng makita ang isang babae,puro dugo na ang mukha nito at may sugat sa bandang ulo nya. Kinapa ko muna ang pulso nito,upang alamin kung buhay pa ba ito,dahil sa palagay ko,sa klase ng nangyari sa sasakyan nito ay malaking pinsala ang matatamo nito. "Carol,madali ka,kailangan natin sya mailabas ng sasakyan at dalhin sa ospital,para malapatan agad ng lunas,pakiwari ko ay hindi lamang yan ang kanyang sugat",tama ang aking asawa dahil napansin ko rin na dumudugo rin sa may bandang balikat nito. Hindi na kami nag aksaya ng sandali,nailabas namin ito sa sasakyan at dali-daling binuhat upang maisakay sa aming sasakyan at madala sa ospital. (End of Flashback) "Ma,are you ok?wag ka na mag alala ok na si Chloe",ang tanong ni Zei sa akin na hindi ko namalayan na dumating na pala. "Ok lang ako anak,kahit paano ay na nabawasan na ang aking pag aalala sa kapatid mo at naiuwi na natin sya dito sa bhay para makapagpagaling,hindi rin ako mapalagay kung nandun sya sa ospital,lalo na't wala pang malinaw na report kung sino ang may gawa nito sa kanila". "Ma,huwag ka na mag alala,ginagawa na namin ni Papa ang lahat para malaman kung ano ang posibleng dahilan na nangyari yun".sagot nito na umakbay sa akin "Halika lapitan natin si Chloe,para makilala mo rin ang kaibigan ng kapatid mo",ang nakangiti kong aya dito na tumataas taas pa ang kilay ko. Mahina lamang ito natawa na umiiling-iling pa at hinatak ko na palapit sa kapatid nya na nagkakatawanan pa ng kaibigan nito. Hinayaan ko muna ito makalapit sa kapatid nya,at pinagmasdan muna sila habang nakasandal sa hamba ng pintuan ng kwarto ni Chloe. Kilala ko na si Misya,sya lamang ang nag iisang naging kaibigan ni Chloe sa US,mabait ito kahit minsan ay napaka bulgar ng bibig nito masasabi ko naman na mabuting babae ito. "Kuya mabuti at nandito ka na",ngumiti lamang ito at lumapit si Zei sa kapatid para bigyan ng banayad na halik sa ulo si Chloe. "Kumusta na ang pakiramdam mo bunso?,ang tanong nito sa kapatid,"Medyo ok na ako kuya don't worry malakas ata ako"ang nagmamayabang nitong sagot sa kuya nya at ginulo nito ang buhok ng kapatid. Nakamasid lamang si Misya sa mga ito,at ang aking anak naman ay akala mo walang ibang tao na nakikita sa paligid. "Ayy Kuya,sya nga pala si Misya yung bestfriend ko na naikukwento ko sayo",sabay abot ni Chloe sa kamay ni Misya na hindi naman inaalis ang tingin kay Zei. "Misya,sya naman si Kuya Zei,alam kong nakita mo na sya sa mga picture sa gallery ng phone ko di ba?,tumango lamang ito. "Nice to meet you"panabay pa ng dalawa habang inabot ang kamay ng bawat isa. ~Misya~ "Oo may part din ako sa story na ito noh!!wag kayong ano dyan ha,ang lagay ba nun sila lang?"NO WAY"syempre hindi papahuli ang bestfriend ng bida. "Misya,sya naman si Kuya Zei,alam kong nakita mo na sya sa mga picture sa gallery ng phone ko di ba?"ang pakilala ni Chloe sa kuya nya. "OH MY GOSH!!awatin nyo ako please ayaw ko magkasala,ilayo nyo sya sa akin,baka magahasa ko sya!!ang wala na namang prenong takbo ng utak ko. Totoo nga!kung gwapo sya sa mga pictures,mas gwapo sya sa personal,pero mukha syang suplado,na akala mo walang nakikita na ibang tao sa paligid,napa taas ang kilay ko,as in"HELLO"ang ganda ko kaya tapos hindi nya lang ako napansin kanina ng pagkapasok nya ng kwarto ni Chloe hmmp. Tumango lamang ako kay Chloe ng pareho na kami ipinakilala ng kuya nya. "Nice to meet you"magkasabay naming pagkakasabi,sabay abot ng kamay namin sa isa't-isa at bigla ako naramdam ng pinong bultahe ng kuryente sa katawan, nagkatinginan kami,hindi ko na namalayan kung ilang segundo ang lumipas,naramdaman ko na lamang ang paghigpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko. "Eheemmm",agaw atensyon sa amin ni tita Carol at lumapit na ito sa kinaroroonan naming tatlo na may mapanuksong ngiti,dahilan naman ng paghihiway ng mga kamay namin ni Zei. "Shocks!!,,nakakahiya ka Misya!,kalma lang heart hindi ka inaano dyan",ang bulong kong pagpapakalma sa aking puso na wari'y gusto ng tumakas sa ribcage ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD