Chapter 10:Coma & Amnesia

1100 Words
~Alex/Chloe~ Ilang araw na rin ang nakakalipas ng pumayag ang aking doctor na dito na lamang sa bahay ipagpatuloy ang aking pagpapagaling,dahil na din sa pangungulit ni Mama na maiuwi na ako dahil mas nag aalala daw sya kung nasa ospital lamang ako. Ilang araw na din na hindi ko nakikita si Seb,na kilala nila sa katauhan na Daniel,alam kong alam na nya ang tunay kong kalagayan,napangiti ako na isiping hindi pa din sya nagbabago,nandun pa din ung awra nya na kahit hindi magsalita,tingin pa lang nya alam mo na ang ibig nyang ipagkahulugan. Nandito din ang matalik kong kaibigan na si Misya,ang sabi ni Mama ay ipinasundo nya ito kay Daniel ng malaman na pwede na ako makalabas ng ospital. Matapos makapag hapunan ay umuwi muna si kuya sa tinutuluyan nya at ang aking kaibigan naman ay hindi maalis-alis ang tingin dito,kaya pandalas kong sikuhin habang kumakain kami. Pinagpahinga na ako ni Mama,para makabawi man lang daw ako ng lakas,okey naman na ako kaya ko na sarili ko walang wala pa nga ito sa mga pinagdaanan ko. Nang magising ako sa ospital,ay ang mga huling kataga na aking binibigkas bago ako mawalan ng malay noong nangyari ang trahedya,ang siya rin naging dahilan para ako'y magising sa isang mahabang pagkakatulog. Hindi ko pa nakakausap sila Mama tungkol dito,alam kong karapatan nila malaman,napaka laki ng utang na loob ko sa kanila,napaka buti nila sa akin simula pa noong nagkamalay ako sa ospital. Flaskback "Iha!anak,salamat at nagising ka na",ang tarantang pagkakasabi ng isang hindi naman katandaan na babae. "Nasaan po ako,ano nangyari sa akin? ang naitanong ko kaagad. Bumuntong hininga muna ang may edad na lalaki at tumingin sa kasama nitong babae at bumaling sa akin,"Anak nandito ka sa ospital,halos 6 na buwan ka din na comatose,nabangga ang menamaneho mong kotse,nagkaroon ka ng head enjury,may tama ka ng baril sa hita at daplis naman sa balikat mo at ang sabi ng doctor ay pansamantala kang hindi muna makakalakad,huwag kang mag alala,gagawin namin lahat ng mama mo para gumaling ka,kung kinakailangan dalin ka namin sa ibang bansa para makalakad ay gagawin namin." Anak?..tinawag nila akong anak,bakit hindi ko matandaan na magulang ko sila,pero sa puso ko ay may galak kapag tinatawag nila akong anak. Napansin siguro nila na medyo naguguluhan ako sa aking mga nalalaman. "Bakit n'yo po ako tinatawag na anak,mga magulang ko po ba kayo? ,tanong ko sa mga ito. Nagkatinginan muna sila bago humarap sa akin at sumagot ang may edad na babae. "Anak hindi mo ba kami natatandaan,kami ang mga magulang mo at may kuya ka si Zei." "Iha,pauwi ka na galing sa school ng maaksidente ka naipit ka sa isang ambush,kaya natamaan ka ng ligaw na bala. Hawak-hawak ko ang aking ulo,dahil medyo nakakaramdaman ako ng pananakit nito. "Wala po ako matandaan,ultimo pangalan ko hindi ko alam,pasensya na kung pati kayo ay hindi ko maalala! ang nanlulumo kong sambit sa harapan nila. "Sa lakas ng pagkakabagok ng ulo mo ay posibilidad nga na magising ka ng walang maalala iha. "It does'nt matter kung hindi mo kami maalala,ang mahalaga ay nandito lamang kami para sayo hanggang sa magbalik na ang ala-ala mo",ang may ngiting sambit ng ginang,ganon din ang kanyang asawa na nagpakilalang magulang ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napakasaya ko ng marinig sa kanila ang mga katagang yun. Hindi ko talaga sila matandaan,ngunit kailangan ko maniwala sa kanila na sila nga aking mga magulang. Lumipas ang ilang buwan,napagdesisyunan nila papa na dalhin ako sa US upang doon ipagamot ang aking mga paa at tuluyang magpagaling,wala pa rin akong maalala,ngunit ang sabi ng doctor ay kusa naman daw babalik ang aking ala-ala. Hindi sila nagkulang,lahat ng kailangan ko sa pagpapagamot para makalakad muli ay ginawa nila,pinaramdam nila sa akin ang pagmamahal at suporta,bagamat minsan ay napapansin ko na parang may hindi sila sinasabi sa akin ay ipinag walang bahala ko na lamang. Hindi ako iniwan ni mama,sya ang nasa tabi ko ng mga panahong nagpapagamot ako,sya ang naging sandalan ko sa tuwing nahihirapan ako,tulad ng kung paano nila ipinaramdam sa akin na mahal nila ako,ay mas lalo sila napamahal sa akin. "Bunso,kumusta ka na,natutuwa ako at nakakalakad ka na" ang tanong ni kuya ng minsan dumalaw sya sa akin. "Okey na ako kuya,pwede na ako tumakbo,malakas na ako"sabay amba na tatakbo ako. Nagkatawanan si mama at kuya,wala si papa dahil ayun sa kanila may mahalagang inaasikaso kaya hindi nakasama. "Wag mo muna pwersahin ang sarili mo bunso,magpagaling ka ng husto",sabay akbay nito sa akin at ginulo ang buhok ko,na ikina ingos ko. "Kuya naman ei,dalaga na ako,dapat hindi mo na ginugulo ang buhok ko"reklamo ko na lalo naman nya ikinatawa. "Sya tama na muna yan,halina na kayo nakahanda na ang pananghalian",aya ni mama,na sumunod din kami ni kuya. Makalipas ang taon,naging okey na ako ng tuluyan,bagamat walang maalala ay sinikap kong mamuhay ng normal sa US,bilang si Chloe Suarez. "Sigurado ka ba dyan anak? ang tanong sa akin ni papa ng dinalaw nila ako ni mama. "Opo Pa,kaya ko na po dito,saka masaya naman ako sa trabaho ko,nasanay na rin naman ako sa buhay dito,wag n po kayo mag alala ni mama,saka alam ko po na mas kailangan nyo ngayon si mama sa tabi nyo,pwede nyo din naman po ako dalawin dito,hawak ang mga kamay nila na paliwanag ko dito. Pumayag naman sila na mamalagi ako sa US,trabaho at bahay lang naman ang ginagawa ko,hindi ako mahilig gumala,lumalabas lang kami minsan ng nag iisang naging kaibigan ko dito na si Misya. Binibisita rin naman nila ako kapag may pagkakataon,madalas din naman kami nagkakausap sa telepono. Nang tumatakbong Mayor si papa ay ginusto kong umuwi ng Pilipinas upang suportahan ito,ngunit hindi nila ako pinayagan,saka na lamang daw kapag tapos na ang halalan,alam ko naman na hindi ganon kalinis ang politika sa Pilipinas kaya mas minabuti nila na wag muna ako pauwiin. End of Flashback Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari sa akin sa nakalipas na pitong taon na wala akong maalala,namuhay sa piling ng mga taong nagpakilalang mga magulang ko na tinanggap at minahal ako,napaka swerte ko,dahil hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako ng mga panahong yun. Alam kong may dahilan sila kung bakit hindi nila sinabi sa akin ang totoong nangyari simula ng magising ako sa pagkaka comatose hanggang ngayon. Naisip ko ang mga dati kong kasamahan,kumusta na kaya sila?siguro sa nakalipas na pitong taon,inakala na nilang patay na ako.At si Seb?ano ang ginagawa nya dito,bakit sya nag-apply bilang driver ko?kailangan ko sya makausap,upang masagot ang mga katanungan na gumugulo sa aking isipan,bago ko ipaalam kina mama na nagbalik na ang aking ala-ala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD