Chapter 11: A Kiss

1628 Words
Tahimik na ang buong kabahayan,malamang ang sarap na ng tulog ng mga kasama ko,maliban lang sa akin. Kaya naisipan ko na lamang lumabas muna sa aking silid at pumunta sa bandang likuran ng bahay na may mga upuan. Dumaan ako sa kusina para kumuha ng gatas na maiinom. Dalawang linggo na rin ang lumipas ng maka-uwi ako rito sa bahay,upang dito na lamang ipag-patuloy ang aking pagpapagaling,masigla naman na aking katawan at magaling na rin ang sugat na natamo ko sa aking ulo na s'ya rin dahilan ng pagkakabalik ng aking ala-ala. Pagkalapag ng baso ay sumandal ako at bumuntong hininga,nitong mga nakaraang araw ay marami akong iniisip. Tulad na lamang kung paano ko sasabihin sa mga taong kumupkop sa akin,kung sino ba talaga ako,kung anong klaseng tao ako. Masyado na sila napamahal sa akin at ayaw kong masaktan sila ng dahil lamang sa tunay kong pagkatao at hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman nila kapag sinabi ko ang lahat-lahat o hindi ko na dapat pang sabihin sa kanila kung saan ako nagmula. Natatakot akong kasuklaman nila.Oo nga't sa ilang taong nakasama ko sila ay ipinaramdam nila sa akin ang pagmamahal at pagtanggap bilang isang kapamilya. Iniisip ko rin kung dapat pa nga ba ako bumalik sa malupit na mundong kinagisnan ko,sa ngayon ay wala pa akong balita kung hanggang ngayon ba ay buo pa rin ang grupo,isa yan sa mga itatanong ko kay Seb kapag nagka usap kami. Hindi ko rin napagkikita si Seb,simula ng maka-uwi ako dito sa bahay,ang sabi lamang ni Mama ay isinasama daw ni Papa para ipagmaneho ito. Nasa ganong tagpo ako ng biglang may humawak na kamay sa aking balikat. Masyado na ba malayo ang itinakbo ng utak ko upang hindi ko man lang mamalayan na may tao na sa paligid ko. Dala na rin ng pagkabigla ay agad ko nahawakan ang kamay ng kung sino mang herodes ito at pinilipit ng ubod lakas ang kamay nito. "Whoooaa..Teka,teka lang naman,kalma ka lang ako toh",ang natatawang sabi nito habang binabawi ang kamay nya na pinipilipit ko. Nang mapagtanto ko kung sino ay kaagad ko ito binitawan. "Bakit ba bigla ka na lamang nanghahawak sa balikat?singhal ko sa kanya. "Kanina pa ako nandito at kanina pa rin kita pinagmamasdan,masyado yata malalim ang iniisip mo at hindi mo man lamang namalayan ang paglapit ko sayo". "Saka gusto ko lang din makasiguro kung tama ang hinala ko"dugtong nito. "Maka siguro saan?,tanong ko sa kanya na magkasalubong ang kilay. "That you're back Alex"sabay yakap sa akin ng mahigpit. Makalipas ang ilang sandali ay niyakap ko rin ito ng mahigpit,na ikinagaan ng aking kalooban,lagi naman ganon ei,sa tuwina na s'ya ang kasama ko gumagaan lahat ng nararamdaman ko. "Kung alam mo lamang na kulang ang salitang (masaya) para ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon na natagpuan na kita at ito nayayakap ko pa.Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito Alex.Lahat ng hirap na pinagdaanan ng kalooban ko sa nakalipas na mga taon na mawala ka ay parang naglaho lahat",aniya sa tinig na medyo garalgal at lalo pa humigpit ang pagkakayakap nito sa akin na animo ayaw na n'ya ako pakawalan. Lagi ako binibigyan ng trabaho ni Boss para mabaling ang atensyon ko sa ibang bagay,sinasabi nya rin na tanggapin ko na lamang na hindi ka na babalik,na wala ka na.Pero kahit ganon hindi ako sumuko,Oo dumadating ako sa punto na natatakot na ako na baka nga isang araw wala na akong kakayahan para hanapin ka,pero alam mo ba na itong puso ko at ang pangako mo sa akin ang pinanghahawakan ko,na kahit anong mangyari babalik ka sa akin ng ligtas.Kaya doble-doble ang pag-iingat na ginagawa ko sa bawat trabaho na binibigay sa akin",ang madamdamin nyang pagkakasabi. Dahil sa mga narinig ko sa kanya,hindi ko na napigilang tumakas ang aking mga luha at panaka-naka ng humihikbi,hindi ko alam ang tamang salita ang dapat sabihin sa kanya. "S-sorry Seb,kung ngayon lang ako bumalik,s-sorry kung pinag-alala kita,s-sorry kung hindi ako nakinig sayo",ang tangi ko na lamang nasabi sa pagitan ng aking paghikbi. "Sssshhhh,wag ka na umiyak,wala naman may gusto ng mga nangyari,ang mahalaga ngayon magkasama na tayo",ang pampalubag loob nito sa akin habang tinatapik tapik ang aking likod. Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang aking mukha at pinahid ang mga luhang hindi nagpapaawat sa pagpatak. "Hindi ka pa rin nagbabago ang pangit mo pa rin umiyak",pang aasar nito sa akin. Dahil dun pinaghahampas ko ang kanyang dibdib na ikinatawa naman nito,hinawakan ang dalawang kamay ko at iginiya nya ako para maka-upo kami pareho at isinandal ang aking ulo sa balikat nya. "Natatandaan mo pa ba,tuwing pagkatapos mong umiyak,pupunta tayo sa isang lugar at magkatabi natin pagmamasdan ang kalangitan",bumaling sya sa akin pagka sabi nun na ikinatango ko lamang. ("Pheonix,may mga tao pa kaya na nag-aalala sa atin?,hinahanap din kaya nila tayo?,tanong ng batang Ace sa kanya,kasalukuyan sila nasa labas ng quarters nila at magkatabi sa isang espasyo,ganito s'ya kapag katatapos lang nya umiyak dahil napagalitan o nalulungkot. "Hindi ko rin alam kung ano isasagot ko sa mga katanungan mong yan,bata pa lamang ako ang kupkupin ako ni Boss,hindi ko rin alam kung nasaan ang pamilya ko,ng dumating ka dito ay limang taon na ako namamalagi sa lugar na ito,ibig sabihin tatlong taon pa lamang ako ng makuha ni Boss".tanging naisagot nya dito.) Napabuntong hininga muli si Alex ng maalala nya ang mga panahong yun. "Ang lalim naman ata nun"puna nito. "Seb,iniisip ko kasi,ngayong bumalik na ang aking ala-ala,ano mangyayari sa akin? Hinarap sya nito at seryosong tinitigan at alam kong nababasa nya ang iniisip ko. "Hindi ka na babalik sa kung saan ka nagmula,kung kinakailangan itatago kita sa kanila,gagawin ko ang lahat para hindi ka na mapahamak muli,hindi ko na alam ang gagawin ko kapag napahamak ka dahil sa uri ng trabaho natin". "Kahit ngayon lang sana pakinggan mo ako Alex",ang nagsusumamong paki-usap nito sa akin habang panaka-nakang hinahaplos nito ang aking pisngi. Batid kong kapakanan ko lamang ang iniisip n'ya,naisip ko rin ang mga sinabi nya kanina,ayaw ko ng dagdagan pa ang naranasan nyang paghihirap sa paghahanap sa akin. Tumango lamang ako na may kasamang ngiti bilang sagot sa paki-usap nito at ang hindi ko napaghandaan ang sumunod na ginawa nito na ikinalaki ng aking mata at ikinatibok ng malakas ng aking puso. Oo,hinalikan lang naman ako sa labi ng walang paalam,hindi ba nya alam na first kiss ko yun!tapos kinuha nya lang ng ganon!! Saglit lang naman nagkalapat ang mga labi namin at tumingin sya sa akin at ngumiti. "B-bakit mo ako hinalikan?,ang medyo nabubulol kong tanong sa kanya,pakiramdam ko din nag iinit ang aking mukha. "Oh honey,ang cute mo alam mo ba yun hmm?,kahit may kadiliman dito sa pwesto natin alam kong namumula ang pisngi mo"pang aasar pa nito sa akin na akala mo walang ginawa. Dahil dun hinampas ko ang braso nito na lalo pa nya ikinatawa ng mahina. At muntik na nga ako mapasigaw ng bigla nyang hapitin ang aking bewang at ikulong sa mga braso nito. "Pssssh,wag ka masyado maingay baka magising ang mga tao dito" "Eh ikaw kase,kung anu-ano ang ginagawa mo!"singhal ko dito. Kilala ko na s'ya simula pa noon,lumalabas lang ang ganitong side n'ya kapag may ginawa s'yang hindi ko nagustuhan o naglalambing lamang. "Wala pa ako ginagawa sayo,maliban sa pag yakap at pag halik at wala ako nakikitang masama sa ginawa ko,at masaya pa nga ako dahil alam kong ako ang unang lalaki na humalik sa labing ito"na pinasadahan ang labi ko ng hinlalaki nya at kinagat ang ibabang labi nya. Teka,bakit ganon ang pagkakasabi nya,parang nang aakit,ipinilig ko na lamang ang aking ulo. "Nakapa swerte ko na kahit namalagi ka sa ibang bansa ay iningatan mo ang sarili mo". "Hindi naman porke namalagi ako sa isang liberated country ay hindi ko na pahahalagahan ang aking sarili,kahit naman wala akong maalala,alam ko sa sarili ko na wala pa ni isa mang humalik sa akin maliban sayo",nagbaba ako ng tingin pagkasabi nun. Iniingat nya ang aking mukha gamit ang kanyang kamay at tumitig sa aking mga mata. "Hmm..Seb,alam kong marami pa tayo dapat pag usapan,pero lumalalim na ang gabi,kinakailangan na rin natin makapagpahinga. Ang natataranta kong pagkakasabi dito habang nasa ganoon pa rin kaming tagpo. Pumalatak ito ng mahina,pagkarinig sa mga palusot ko,(alam n'yo naman kilala n'ya hilatsa ng hasang ko.) "Tinatanong mo ako kung bakit kita hinalikan?..sa totoo lang kulang ang isang halik sa halos ilang taon kong pangungulila sayo",bulong nya sa may bandang tenga ko na lalo ikina init ng mukha ko. Laglag ang panga ko sa mga narinig ko na sinabi n'ya at napalunok na lamang ako ng laway ng wala sa oras. Hindi pa man nakakabawi ang ibang vitals organ ko ng hapitin akong muli nitong tokwa na ito. Muli na naman naglapat ang aming mga labi at sa pagkakataong ito panaka-naka kong pinag aaralan ang bawat galaw ng kanyang mga labi,hindi nagtagal ay nasasabayan at naibabalik ko na rin sa kanya kung paano nya ipinadarama sa akin ang sarap ng halik na aming pinagsasaluhan. Habang tumatagal ay lumalamim na ang aming halikan,namalayan ko na lamang na napakapit na ako sa kanyang mga batok upang dun kumuha ng lakas para hindi ako tumumba. "Ahhh Seb",ang munting ungol ko ng bahagyang bumaba ang halik nya sa may panga pababa sa may leeg ko,habang ang isang kamay nito ay nasa batok ko at ang isa ay sumasapo sa isang dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang init na aking nararamdaman,pero alam kong nagugustuhan ng aking katawan. Naramdaman ko na lamang na tumigil na ito sa ginagawa nya at niyakap akong muli na may mabigat na paghinga. "I miss you so much honey,I want you,but not now,not here"ang may ngiting sambit nito ng tumingin muli sa akin. "Ngayon,pwede na tayo matulog",ang pilyong pagkakasabi nito na pareho naming ikinatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD