~Sebatian~
Walang paglagyan ang saya na aking nararamdaman sa mga oras na ito.
Para akong teenager na kinikilig na pabaling-baling dito sa akong higaan.
Ganito pala ang pakiramdam na alam mong may katugunan ang iyong nararamdaman para sa taong mahal mo.Hindi pa man derekta na napag-uusapan ang aming mga damdamin para sa bawat isa ay ramdam ko naman na pareho lang kami ng nararamdaman.
Isang patunay lamang ang pagtugon n'ya sa aking paghalik.
Muntik ko ng hindi mapigilan ang aking sarili.Hindi pa sa ngayon,marami pa ako dapat ayusin.
Kailangan ko makipagkita kay Boss sa linggo,dahil tumawag ito para alamin kung ano na ang balita sa ipinapatrabaho nya.
Napabuntong hininga ako,hindi ko gustong makita si Alex na masasaktan kapag may nangyaring masama sa mga taong kumupkop sa kanya.
Kitang-kita ko kung gaano na s'ya napamahal sa mga ito at ganon din ang mag-anak sa kanya.
Nagdadalawang-isip na ako kung itutuloy ko ito,kailangan maka-usap ko si Alex about dito.
Pagka umaga ay ipinatawag ako ni Mayor sa kanyang opisina dito sa bahay n'ya.
"Daniel, hindi muna kita isasama ngayon, gusto kasi ni Chloe na bisitahin ang Kuya n'ya sa opisina nito, dahil ilang araw na hindi umuuwi dito."
"Sige po Mayor," tanging sagot ko.
"Alam kong maaasahan kita iho at may tiwala ako sayo kapag ikaw ang kasama ng anak ko," ang medyo may ibig ipagkahulugan na pagkakasabi nito.
"Makakaasa po kayo Mayor, hindi ko pababayaan ang anak n'yo."
"Salamat, maaari ka ng lumabas at mag-agahan," pagtatapos nito sa aming pag-uusap.
Halos dalawang linggo ko ng nakakasama si Mayor sa mga lakad nito,puspusan din ang mga paghahanap ko ng mga dahilan para ituloy ang plano.Ngunit wala ako makita na kahina-hinala na maaaring magpapatunay sa mga nakalap na impormasyon na ibinigay sa amin.Ano ang totoong dahilan ng nag-utos para ipapatay si Mayor.
Matapos makapag-agahan ay bumalik ako sa aking kwarto para makapag handa sa aming lakad.Malamang sa mga oras na ito ay kakagising lamang ni Alex.
Sumilay na naman ang ngiti sa aking mga labi ng maalala ang dalaga.
Bago pa kung saan na naman makarating ang isip n'ya ay dali-dali na s'ya pumasok sa kwarto n'ya.
"Iha, sigurado ka ba na kaya mo na?Maaari naman natin tawagan na lamang ang Kuya mo at pauwiin dito kung gusto mo lang s'ya na makita."
"Mama, okey na ako kaya ko na po at gusto ko rin naman i-surprise si Kuya," sabay angat nito ng isang maliit na bag."Saka sandali lang naman kami doon may kasama naman ako."
Dinig ko sa pag-uusap ni Mrs.Suarez at Alex.
"S'ya, pagkahatid n'yo nyan umuwi kayo kaagad ha," pahabol nito sa dalaga.
At bumaling ng tingin sa akin ang ginang.
"Daniel, iuwi mo s'ya kaagad," malumanay na pagkakasabi nito.
"Opo Mrs.Suarez," sagot ko.
At ipinagbukas kaagad ng pinto ng sasakyan ang dalaga.
Hindi pa kami nakakalayo sa bahay ng magtanong ito.
"Tinted naman itong sasakyan na gamit natin diba?"
"Oo,maliban sa sasakyan ng Kuya mo.Bakit mo naitanong?
"Gusto ko sana lumipat dyan sa harapan,hindi naman na ako si Chloe sa paningin mo"
Nabigla man ako sa sinabi n'ya ngunit natuwa rin ako sa kabilang banda.
"Walang problema pwede ka ng lumipat dito sa tabi ko."
Pagkasabi ko agad itong lumipat ng walang kahirap-hirap.
Bagamat sa kalsada ako naka focus,napapansin ko naman ang panaka-naka n'yang pagtingin-tingin sa akin.
"Sabihin mo na, alam kong may gusto kang itanong o gustong sabihin."
"Ahm...Diba ang sabi mo sa akin noon, wala ka pa naging girlfriend totoo ba yun?"
"Wala pa nga, bakit mo naitanong?"
"K-kasi bakit ka marunong humalik? Bakit alam mo na first kiss ko yun?"
Medyo natawa ako sa tanong nito sa akin.
"Bakit ka tumatawa dyan! Siguro hindi totoo na hindi ka pa nagkaka girlfriend noh?...ang nakangusong singhal nito sa akin.
Kinabig ko ang manibela ng sasakyan upang ihinto muna sandali sa tabi para makapag-usap kami ng maayos.
Kinuha ko ang isang kamay n'ya at dinala sa aking bibig upang bigyan ng halik.Hindi naman n'ya binawi ang kanyang kamay ngunit nakasimangot pa rin ito.
"Kung ano man yung sinabi ko sayo noon totoo yun.Hindi naman kailangan magka girlfriend ka muna para lamang matuto kang humalik.Minsan utak,puso at mga sarili nating katawan ang kusang magtuturo sa atin ng mga ganong bagay."
Tumingin s'ya sa akin at tumango-tango.
Hinaplos ko ng marahan ang kanyang pisngi patungo sa kanyang labi at binigyan ito ng isang magaan na halik na ikinapikit ng kanyang mga mata.
Ang sarap n'ya pag masdan sa pagkakataong ito,ng hahalikan ko s'yang muli agad itong nagdilat ng mata at napalayo ng bahagya sa akin.
"Diba totoo naman ang sinasabi ko,alam kong nararamdaman mo rin yun"ang tanong ko dito na sinamahan ng ngisi.
"Magdrive ka na uli, baka magtaka pa si Mama kung sakaling matagalan tayo maka uwi," halatang umiiwas na ito.
"Yung ang tapang mong babae, tapos sa ganitong usapin grabe ka maka iwas," ang naka ngisi kong pang-aasar sa kanya habang binubuhay muli ang makina ng sasakyan.
Hanggang makarating kami sa opisina ni Zei ay wala na kaming imikan,pero hindi ko binitawan ang kanyang kamay.
Pagkarating namin sa mismong harapan ng opisina nito ay naiwan na lamang ako sa labas at umupo sa bakanteng bangko na malapit sa table ng secretary nito.
Alam ko naman na hindi ito magtatagal,dahil ayun sa dalaga gusto lamang bisitahin at dalhan ng meryenda ang Kuya nito.Ilang araw na rin kasi itong hindi napapadalaw sa bahay ng mga magulang nito animo may iniiwasan.
Hindi pa man nagtatagal ng makita ko ng buksan nito ang pintuan.
"Kuya, hihintayin ka namin bukas for dinner ha.Konti na lang talaga maniniwala na ako na may tinataguan ka."
Tumawa lamang ito at ginulo ang buhok ng dalaga.
"Sige na umuwi na kayo at baka mag-alala na yun si Mama kung hindi pa kayo uuwi kaagad," at ginawaran ng halik sa pisngi si Alex.
"Bye Kuya, ubusin mo lahat ng dinala ko ha,wag puro trabaho ang unahin mo,kaya hindi ka magka girlfriend ei," pang-aasar nito kay Zei.
"Oo na, para ka rin si Mama kung sino-sino na lang ang pinagdadala dito ng pagkain!
Bakas sa mukha nito ang may pagka-inis ng sinasabi yun.
"Ayaw lang ni Mama na pinababayaan mo ang sarili mo Kuya, s'ya uuwi na rin ako at baka magsungit ka na d'yan," nakangiting sagot nito.
Nang makapag-paalaman sila ng maayos ay tahimik lamang kaming pareho ng lisanin namin ang gusali ng Kuya nito.
Sa sasakyan,tanging s'ya lamang ang salita ng salita,tipid lamang akong sumasagot kapag kinakailangan.
"Seb, kanina ko pa napapansin ang tahimik mo? May problema ka ba? Simula ng umalis tayo sa opisina ni Kuya ganyan ka na."
"Nagseselos ako, alam kong hindi tama pero hindi ko maiwasan!"
"Lalaki ako Alex at siguro naman alam mo kung ano ka sa buhay ko ayaw ko ng may ibang lalaki ang humahalik sayo!"
Marahil nagulat ito sa sinabi ko at hindi siguro n'ya inaasahan na yun ang sasabihin ko.
"Pero kanino ka nagseselos?Wag mong sabihin na si......Kuya ang pinagselosan mo?"
Huminga lang ako ng malalim at nag focus sa pagmamaneho.
"Seb, you don't need to be jealous to Kuya Zei, simula ng dumating ako sa kanila itinuring n'ya akong parang tunay na kapatid at ganon din ako sa kanya."
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang na ginagap nito ang aking isang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela.
"Naiintindihan ko.I'm sorry hindi ko lang talaga maiwasan na makaramdam ng selos."