~Alexandra~
Busy ang lahat ng tao na nasa kusina sa pagluluto para sa gaganaping hapunan.
Napagkasunduan kasi namin na ganapin na lamang ang dinner sa likod bahay.Kinulit ko si Kuya ng pinuntahan ko ito sa opisina n'ya noong isang araw para umuwi upang makasabay din namin s'ya kumain.Malapit na ako magduda sa hindi pag uwi-uwi ni Kuya dito sa bahay.
Nang makalapit ako sa kanila ay agad akong nagtanong kung ano ang aking maaaring maitulong o dapat gawin.
"Naku iha, umupo ka na lamang d'yan at panoorin kami, huwag ka ng tumulong kaya na naman namin ang mga ito.Mas mainam siguro ay doon ka na lamang sa may likod bahay at nandun din ang iyong kaibigan," ang pagtataboy ni Mama sa akin.
"Sige po Ma, tutulungan ko na lang si Misya sa pag-aayus ng mesa," pagsabi ay iniwan ko na sila sa may kusina.
Hindi pa man ako masyadong nakakalapit sa aking kaibigan ay naririnig ko na itong kumakanta.Oo may talento si Misya pagdating sa pagkanta maganda ang boses nito.
"Ehem..Mukhang may pinagdadaanan ata ang kaibigan ko? May pakanta-kanta pa habang busy sa pag-aayos ng lamesa."
"Huh? Sino? Ako?...At bakit?"
Tingnan mo itong babaeng ito,lahat na nilagyan ng tandang pananong.
Natatawa na lamang akong lumapit sa pwesto nito.
"Tulungan na kita d'yan para mapadali ang pag-aayus mo at malapit na sila makatapos sa pagluluto sa kusina pero ikaw baka bukas ka pa matapos d'yan!"
"Ay Gurl, grabe ka sa akin ha!Hindi ba pwedeng inaayos ko lang ng maige? Nakakahiya naman kay tita kung basta-basta lang ang ayos ko sa table," sagot nya sa akin na iwinawasiwas pa ang mga kamay sa ere.
"Oo na.Ikaw pa ba ei magaling ka sa mga ganitong bagay.Kaya sayo na inutos ito ni Mama.Hindi ka naman mabiro d'yan."
"Yeah.I know naman.Nga pala ano meron at may pa dinner at the backyard?"
Misya is still Misya.
"Wala namang dahilan o okasyon gusto lamang ni Mama na magkasama-sama tayo sa dinner."
"Namimis na rin kasi nun si Kuya."
Pagkasabi ko nun tila napansin ko na umiwas ng tingin sa akin ang aking kaibigan.May hindi sinasabi sa akin ang babaeng ito.
"S'ya nga pala.Kumusta naman yung naging lakad n'yo ni Kuya noong nakaraan na sinamahan ka n'ya sa may falls?"
"Okey lng naman.Nakakuha naman ako ng mga ilang pictures doon"tipid na sagot nito.
May nangyayari ba sa mga ito na hindi ko alam? Kilala ko si Misya hindi ito mabubuhay ng hindi dumadaldal ng dumadaldal.
Pagsapit ng ika-pito ng gabi dumating si Kuya.Si Papa naman ay maaga umuwi.
"Bunso, asan sila?"
Kasalukuyan akong naka upo sa sala ng dumating ito at magtanong.Sinabi ko kasi kay Mama na ako na lamang ang maghihintay kay Kuya.
"Nasa likod bahay na silang lahat Kuya, ikaw na lamang ang hinihintay.Mukang pinag-handaan mo pa ata ang dinner na ito huh!"
"Halika na doon at sabi mo nga naghihintay na sila, gutom na rin naman ako" at hinatak na n'ya ako papunta sa likod bahay.
Bale dalawang lamesa ang set-up namin.Para maka upo ang lahat.Dahil kasama namin maghahapunan pati mga kasambahay at iba pang mga kasama namin dito.Isa yan sa hinahangaan ko sa mga taong kumupkop sa akin na kahit ganito ang estado nila sa buhay hindi nila ipinararamdam sa mga tauhan nila ang pagkakaiba nila.
"Oh! Mabuti at nandito ka na iho ng makapag hapunan na tayong lahat," ang bungad ni Mama pagkakita sa amin.
Lumapit agad si Kuya dito para bumeso at tumapik sa balikat ni Papa.
Binati rin nito ang ibang taong naroroon maliban sa kaibigan ko.
"Zei, hindi mo man lang ba babatiin si Misya?"
Puna ni Papa kay Kuya kaya napilitan s'yang batiin ang kaibigan ko.
At ang bruha naman.Kung nakakamatay lang ang mga tingin nito, malamang kanina pa humandusay si Kuya sa bermuda grass.
Habang abala ang iba sa isang masarap na hapunan.May dalawang pares naman ng mga mata na halos kulang na lang magsaksakan ng kutsara at tinidor.
Napagawi naman ang tingin ko kay Seb na nakatingin din pala sa akin.Iba rin ang isang ito ei tingin pa lang makukuha mo na kaagad ang gustong sabihin.Malamang may napapansin din s'ya sa dalawang ito.
Natapos naman ang hapunan ng matiwasay at walang bumulagta.
Kasalukuyang inililigpit na ang aming pinag-kainan tumulong na rin kami upang mapadali ang pagliligpit.
Nang makapagpababa na ng kinain ay ipinakuha ni Papa kay Seb yung alak sa may bar counter.Isang whisky sa boys at isang Light para naman sa mga babae.
Hindi naman namin binago ang lamesa, kami-kami na lamang ang nandun dahil ang ibang kasama namin ay bumalik na sa loob ng bahay maliban kay Seb na hindi pinayagan ni Papa na hindi humarap sa kanila ni Kuya.
Nasa kalagitnaan na kami ng aming iniinom ng marinig kong tinatanong ni Papa si Kuya at Seb.
"Zei, anak hanggang ngayon ba wala ka pa ipapakilala sa amin? Aba'y nasa tamang edad ka na para bumuo ng sariling pamilya.Tumatanda na kami ng Mama mo gusto na namin magka-apo," hindi pa naman lasing si Papa pero alam kong dala na rin siguro sa nainom kaya ganyan na s'ya medyo nagiging makulit na.
Tatawa-tawa lamang si Kuya bago sinagot si Papa.
"Darating din tayo d'yan wag lang kayo mainip ni Mama," sabay baling ng tingin kung nasaan naka-upo ang aking kaibigan at inirapan lamang s'ya nito.
"Anak basta ang gusto ko lamang ay iyong magiging masaya kayo at mahal niyo ang isa't-isa ng taong ipapakilala n'yo sa amin ng Papa n'yo," sabat ni Mama sa usapan nila.
"Tama ka dyan honey," segunda ni Papa sa sinabi ni Mama bago bumaling kay Seb para ito naman ang tanungin.
"Ikaw naman Seb, may girlfriend ka ba? Wag mong sabihin na katulad ka rin nitong si Zei na mahina sa babae," tanong nito kay Seb sabay tapik-tapik sa balikat ni Kuya habang natatawa.
"Wala pa po Mayor, pero may nagugustuhan akong babae at sa tamang panahon ay s'ya lamang ang gusto kong makasama," saglit na tumingin sa akin at ibinalik kay Papa.
"Mabuti naman kung ganon iho.Maswerte sya sayo kung sino man ang babaeng tinutukoy mo," sabay tapik din sa balikat ni Seb.