Chapter 14 Even with You

1101 Words
~Sebastian~ “Sa kauna-kaunahang pagkakataon Phoenix, ngayon ka lamang natagalan sa ipina-trabaho sayo." "May hindi ba ako alam kung ano ang nangyayari?" "Mag-iisang buwan na pero wala ka pang nai-rereport sa akin ng maayos about d’yan sa ipinapagawa sayo!" Ang bungad n’yang sermon sa akin pagkapasok ko sa loob ng opisina nito. Tinawagan n’ya ako upang makipag-kita sa kanya. “Boss, tulad ng mga naunang report na ipinadala ko sa iyo, wala akong makitang dahilan para tanggapin natin ang trabahong ito.Hindi naman tama na basta na lamang natin gawin ang gusto ng kliyente lalo na’t ang patakaran natin dito ay siguraduhin na tama lahat ang nakalagay sa imposmasyong ibinibigay sa atin.” “Ayun nga ang gusto kong malaman sayo, masyado naman ata matagal ang paghahanap mo ng sapat na dahilan para magawa mo na ang plano, tandaan mo Phoenix isang buwan lang ang ibinibigay n’yang palugit sa atin.At kung hindi natin magagawa ay posibleng sa iba nila ipatrabaho.” “Nauunawaan ko po,bigyan n’yo pa ako ng konting panahon.” Tumango lamang ito at hindi na rin ako nagtagal ay nagpaalam na ako, kailangan ko makabalik sa bahay ng mga Suarez at maka usap ng masinsinan si Alex. Linggo ngayon at nandito lahat ang buong mag anak.Papasok na sana ako sa aking tinutuluyan para makapag pahinga ng tawagin ako ni ate Laura. “ Daniel, mabuti at nandito ka maari mo ba kami tulungan na mag paapoy ng uling para gamitin sa pagluluto ng barbecue sa may pool side,” hinging pabor nito sa akin. “Sige Ate Laura,magpapalit lamang ako ng aking damit at pupunta na lamang sa may pool,” sagot ko na lamang sa kanya bago s’ya umalis. Kasalukuyan akong naglalagay ng mga uling sa gril ng may maramdaman ako na taong papalapit sa aking likuran. “Oh! Seb, akala ko ay nag day-off ka ngayon? Ang sabi kasi ng guard ay umalis ka,” ang tanong sa akin ni Mayor ng makalapit na ito sa akin. “May pinutahan lamang po ako sandali hindi naman po importante masyado, kaya umuwi na rin ako kaagad,” magalang na sagot ko dito. Tumango-tango lamang ito, nitong mga nakaraan napapansin ko na kung hindi n’ya ako madalas isama ay madalas naman n’ya ako ipatawag kapag nandito s’ya sa bahay simula ng makapag kwentuhan kami noong nakaraang may dinner para sa lahat.Animo binabantayan din ang mga kilos ko. Kinagabihan ay nagkakasayahan na sila sa may gilid ng pool, nagkakainan at tawanan nangingibabaw ang boses ng kaibigan ni Alex na si Misya na inaasar na naman ang kapatid nito. Katatapos ko lang tumulong sa pag iihaw ng mga karne ay bigla naman ako tinawag ni Mrs.Suarez. “Iho, why you don’t join us? Kumain ka na din at panigurado mamaya kukulitin ka na naman ng mag-ama para sabayan sila uminom,” aya ng ginang sa akin na pina unlakan ko naman. Pagka kuha ko ng pagkain ay babalik sana ako sa upuan kung saan yung barbecue grill ay tinawag ako ni Misya para sa may lamesa nila ako kumain.Kahit nahihiya ay wala ako nagawa, tumingin din ako kay Zei at parang nagulat din sa inasal ng babae. Napansin siguro nito na medyo nag aalangan ako kaya hinatak na n’ya ako at ipinaghila pa ng upuan.”Huwag ka ng mahiya Daniel, tayo-tayo lang naman ang nandito saka isipin mo na lang parang despedida party ko na rin ito,” ang nakangiting wika nito. “ I thought, you have one month left to stay here Misya? Bakas sa mukha ni Alex ang pagtataka habang nagtatanong sa kaibigan. “Yeah! I thought too, but Papa make a phone call yesterday at kailangan ko na daw umuwi soon," sagot nito sa kaibigan na medyo nalungkot din sa nalalapit na pag alis. Biglang tumayo si Zei at umalis, naiwan kami na may kanya-kanyang tanong na nagkatinginan at sabay kibit na lamang ng balikat. Gabi na din ng natapos ang konting kasiyahan sa may pool,nagliligpit na din kami ng mga kalat at pinag gamitan ng mapansin ko na kami lang ang naiwan ni Alex. “ Pwede ba tayo magka-usap mamaya?" Medyo nagulat pa ito sa tanong ko, namumula na din ito dahil sa nainom na alak alam ko naman na hindi pa ito lasing, sadyang namumula lang s’ya kapag nakaka inom. “Sige i-txt mo na lang ako kung anong oras.” Tumango ako at iniwan na muna s’ya doon para maihatid yung ibang gamit sa kusina. Pagsapit ng alas-onse ng gabi ay nag txt uli ako kay Alex para makipag kita sa akin.Sa likod bahay sana kami magkikita ngunit ayaw n’ya dahil baka raw may makakita sa amin lalo na’t nandito si Zei, hindi na ito bumaba simula ng mag walk out kanina sa hindi namin malaman na dahilan. Nakarinig ako ng mahihinang katok at agad itong pinag buksan.Oo dito na lamang sa kwarto na tinutuluyan ko kami nagkasundo na mag usap, hindi man maganda tingnan ngunit wala na akong panahon dahil kailangan ko ng sabihin sa kanya kung bakit ako naririto. "Ano ang dahilan at hindi mo na kaya pang ipag pabukas ang iyong sasabihin, mukhang napaka halaga naman ata n’yan Seb?” Pina-upo ko muna s’ya sa bakanteng upuan dito sa aking kwarto para maging kumportable s’ya habang kami ay mag-uusap. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako naririto at namasukan bilang driver?” Nagulat man ito ngunit nakabawi din naman ng mapagtanto nito na kung bakit nga ba ako nagtatrabaho dito. “Yan din sana ang isa sa mga itatanong ko sayo, humahanap lamang ako ng pagkakataon para makapag usap tayong dalawa ng maayos na hangga’t maaari sana ay hindi dito.Ngunit base sa nakikita ko sayo ngayon ay mahalaga ang pag-uusapan natin at posibleng involve ang pamilyang Suarez.” “Tama ka Alex, at si Mayor ang susunod kong trabaho, nanggaling ako kanina sa opisina ni Boss at minamadali na nila ako.” “P-Pero bakit si Papa?" "Mabuting tao s’ya Seb, sa tagal kong nakasama sila ay wala akong nabalitaan na gumawa sila ng masama sa kapwa nila.Lahat sila ay may mabubuting puso lalong-lalo na si Mama, nakakasiguro ako na kung ano man ang nakalap n’yong imposmayon ay hindi yan totoo!” "Nagkakamali lang kayo! Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanila." "Handa akong protektahan ang pamilyang kumupkop sa akin sa mahabang panahon, sa kahit na kanino, kahit pa sayo Seb, kahit pa sayo!” ang may diin at seryosong pagkakasabi nito. “Please Calm down Alex! Alam mo naman ang patakaran natin hindi ba? Kaya kumakalap ako ng mga impormasyon na magpapatunay na hindi totoo ang nasa files."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD