Chapter 15:Mistake

1052 Words
~Third Person~ "Ano?" Napaka simple lang ng ipina-trabaho ko sa inyo Tasyo hindi n'yo pa nagawa ng maayos!" "Pasens'ya na Boss hindi naman po namin alam na magaling pala humawak ng baril ang driver ni Suarez," sagot ng aking tauhan. "Anong klaseng mga tao ba itong mga kinuha mo at puro palpak ang trabaho n'yo?" Umagang-umaga ito ang bubungad sa akin na balita ng aking tauhan. "Dalawang tao lamang ang tatakutin n'yo hindi n'yo pa nagawa!" "Umalis na kayo bago n'yo pa tuluyan sirain ang araw ko ng dahil sa mga kapalpakan na pinaggagawa n'yo." "Sya nga pala Boss may kailangan kayo malaman," putol nito sa sasabihin ko. "At ano naman iyon? Sabihin mo na lahat ng makalayas na kayo sa harapan ko!" "Nang pinag-planuhan namin ang pang-ambush sa anak ni Mayor ay hindi po ang anak n'yang lalaki ang nasa loob ng sasakyan kundi isang babae at bagong driver." Nabigla ako sa sinabi ng aking tauhan. Hindi maaari na anak na babae ni Mayor ang lulan ng sasakyan. Dahil tanging ang nag-iisang anak na lalaki na lamang nito ang meron sila. "Namukhaan n'yo ba yung babaeng nasa loob ng kotse?" "Hindi po Boss tanging yung driver lamang ang nakita namin." Hindi maaari ito.Imposible. Hanggang sa maka-alis ang tauhan ko, palaisipan pa rin sa akin ang sinabi nila. Bumuntong hininga ako. Kailangan ko s'yang bisitahin sa mga susunod na araw. Hindi pwede na maging tama ang hinala ko. "Kuya, alam kong hindi tama pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang makita sila na masaya habang ako ay naging miserable ang buhay!" Ang paliwanag ng aking kapatid sa aking mga narinig sa pakikipag-usap nito sa kanyang kaibigan. "Pero walang kinalaman yun, maawa kayo sa kanya wala s'yang kinalaman sa mga nangyari sa inyo." "Pero Kuya, alam kong kapag nailayo ko s'ya sa kanila ay makakabawi na ako sa sakit na nararamdaman ko na idinulot nila," bakas sa mukha n'ya ang determinasyon na gawin ang isang bagay na posibleng habang buhay n'yang pag bayaran. Ultimo ako ay nahihirapan na rin na paki-usapan s'ya na tigilan na ang kabaliwan n'ya. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay hindi na maganda ang nagiging takbo ng kanyang pag-iisip. "Pag-bigyan mo na ako, huli na ito," ang paki-usap n'ya. Wala akong magawa, mahal ko s'ya at kung ito lamang ang makakapag-pagaan ng kanyang kalooban ay pansamantala ko muna s'yang hahayaan. Tawag sa aking telepono ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. "Hello! Anong balita sa taong ipinapahanap ko sayo?" Pinakinggan ko lamang ang mga sinasabi nya sa kabilang linya habang ako ay tumatango-tango lamang. "Mabuti kung ganon. Sa mga susunod na araw ay ihanda mo ang pakikipag-kita ko sa isang dating matalik na kaibigan." Tinapos ko ang aking pakikipag-usap na may ngiti sa aking labi. ~Alexandra~ Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking mga nalaman. Ni sa hinagap ko ay hindi ko naisip na ganon ang mga taong tumulong sa akin sa mahabang panahon. Ilang araw ko na rin hindi pinag-kakausap si Seb dahil naiinis ako sa kanya. Alam ko naman na ginagawa n'ya ang lahat para mapabilis ang kanyang paghahanap ng mga ebidensya kung dapat nga ba tuluyan na tanggapin yung trabaho na ibinigay sa kanya. Alam kong mababait sila at walang naagrabyado na mga tao, nasa politika si Papa at alam kong posible na isa ito sa mga dahilan kaya may pagbabanta sa buhay nito. Tulad ng sinabi ko kay Seb, hindi ako makakapayag na may masaktan sa kanila.Kung kinakailangan kong tumulong para mapatunayan na wala silang ginagawang masama ay tutulong ako. Katok sa pintuan ang nakaagaw ng pansin ko. Hinintay ko kung sino ang kumatok at hindi nga ako nagkamali. "Anak, hindi ka bumaba para maka-pag meryenda. Ilang araw ka ng ganyan may dinaramdam ka ba? May masakit pa ba sayo? Gusto mo ba dalhin ka namin sa ospital?" Ang sunod-sunod na tanong ng ginang. "Ok lang po ako Mama, wala naman masakit sa akin gusto ko lamang makapag-pahinga ng maayos." "Sya nga pala tumawag ang Papa mo, uuwi daw s'ya ng maaga." Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. "Si Misya nga pala hindi pa ba umuwi Ma?" "Ang sabi ng Kuya mo ay isasabay na lamang n'ya ang kaibigan mo dahil pinadadaan ata ito sa kanyang opisina." "Sa tingin ko may namamagitan na sa dalawang iyo kahit parang aso't pusa," ang medyo kinikilig pa na turan ni Mama. Masaya naman ako para sa kanila kung sakali man na meron nga. Pero nalulungkot din ako dahil alam kong malapit na bumalik sa US si Misya. Matapos makapag hapunan ay nagpa-iwan muna ako sa may sala upang makapag-pababa ng kinain. Ilang gabi na din ako palihim na nagmamatyag at nagbabantay sa buong kabahayan kahit pa sabihin na may guard sa gate ayaw kong makampante. Dahil hindi ako nakakasigurado na isang tao lamang ang pwede mag-utos na gawan ng masama sila Papa. Nang medyo tahimik na ang kabahayan ay nag desisyon na akong pumunta sa silid ko ng biglang may humatak sa braso ko at hinatak sa likod bahay kung saan nakatira ang mga nagtatrabaho dito. "Ano ba naman yan Seb..Pwede ba mag dahan-dahan ka naman!" Winaksi ko ang kamay n'ya na nakahawak sa braso ko. "Shhhh..Pasensya na kung kailangan pa kita kaladkarin patungo dito.Hindi kita mapadalan ng mensahe dahil kailangan natin mag-ingat." "Tama ang sinabi mo, walang masamang record ang pamilyang Suarez. Kung sino man ang nag-utos na ipapatay s'ya ay kailangan natin malaman dahil ang sabi sa akin ni Boss ay posibleng ipa- trabaho ito sa iba." "Ayun din sa nakalap ko na impormasyon, yung tungkol sa pagkaka ambush sa atin ay isang pananakot lamang sa anak ni Mayor.... "Kung hindi para sa akin kanino?" Ang tanong ko kaagad dahil hindi na ako mapakali. "Kung hindi ako nagkakamali ay para sa kuya mo... kay Zei ang pananakot na yun." Hindi ako makapag-react sa aking mga nalaman. "Kung si Kuya ang target nila ay posible kayang alam na nila Papa at Kuya?" "Posibleng may alam na sila, ayun sa nalaman ko iilan lamang ang may alam na naririto ka sa Pilipinas at ang alam ng mga taong pinag-tanungan ko ay si Zei lamang ang alam nilang anak ni Mayor na nabubuhay." Mas lalo pa ako naguluhan sa aking mga nalaman tungkol sa mga taong kumupkop sa akin. Hindi ko alam na may anak sila na namatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD