~Alexandra~ Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Seb na binili n'ya ang lugar na ito. Kulang ang salitang maganda kung ilalarawan mo, sobrang ganda kasi. Kagaya ng sinabi n'ya, isa ito sa mga pinapangarap ko noon. Ang mas nakakagulat ay ng sinabi n'ya na sa aming dalawa ang lugar na ito. Hindi nga s'ya nagbibiro ng ipinakita n'ya sa akin ang papel nito, na nakapangalan sa aming dalawa. Sobrang saya ko talaga. Ang sarap tumira dito kahit malayo s'ya sa kabayanan. Sariwang hangin, mapayapang paligid, alam mo yung pakiramdam na kapag nandito ka ang tahimik ng buhay mo. Siguro kaya binili ito ni Seb dahil alam n'yang kahit gaano kahirap at delikado ang trabaho namin, ay may mauuwian kaming isang lugar na pwede namin kalimutan ang lahat. Mga bandang hapon ay nagpaala

