Chapter 20:For Us

1060 Words
~Sebastian~ Maaga pa lang inihahanda ko na mga dapat dalhin sa aming byahe. Ipinagamit sa akin ni Mayor ang isa n'yang sasakyan. Nasabi ko kasi na motor na lamang sana ang gagamitin namin, ngunit hindi ito pumayag dahil medyo mahaba-haba ang byahe. Kagagaling lamang daw ni Alex sa pagkaka ospital kaya dapat daw kumportable ang pagbyahe nito. Hindi ako nagkamali na ipaubaya si Alex sa kanila. Nakikita ko rin na masaya s'ya na kasama ang mga taong ito. "Hindi na ako magbibilin ng kung anu-ano, dahil alam ko naman na kaya n'yo protektahan ang mga sarili n'yo. Basta ipinagkakatiwala ko sayo ang anak namin." Masaya ako at nakatagpo si Alex ng isang pamilya na handa s'yang mahalin at ituring na anak ng mga ito. "Iho, isa akong public servant at ama ng bayang ito.Obligasyon kong ipatupad ang kapayapaan sa aking nasasakupan.Tulad ng sinabi ni Carol, hindi namin alam ang tunay na dahilan bakit kayo nalagay sa ganyang sitwasyon, para kayo ay aming husgahan.Wag kang mag aatubili na magsabi sa akin kung kailangan mo ng tulong." Alam kong may hindi pa nalalaman si Mayor sa tunay na dahilan kung bakit ako napunta sa kanila, pero sa tamang panahon ay handa ako humarap sa kanya at sabihin ang totoo. "Sebastian, kumpleto na ba lahat ng dadalhin n'yo? Kung may mga kailangan ka pa ay magsabi ka lamang." "Okey na po Tita, maraming salamat sa pagpayag n'yo at para na rin sa ibang pagkain at gamit na ipinadala n'yo." Ano ka ba Iho. Okey lang yan, mag enjoy kayo doon ha, mag relax at mag-iingat, Hmm." at tipid na ngumiti pagkasabi nun. "Oh, nandyan na pala si Chloe." "Ma, hindi na ako dumaan sa kwarto n'yo dahil alam kong tulog pa si Papa, pakisabi na lang na umalis na kami." "Its okey Iha, alam naman ng papa mo na maaga kayong aalis. Sige na umalis na kayo habang maaga pa at hindi kayo maipit sa traffic." Okey Ma, alis na po kami." Humalik ito sa pisngi ng ginang tanda ng pagpaalam. "Tuloy na po kami Tita, salamat po uli." "No problem Iho, mag ingat sa pagmamaneho ha. Tumawag kayo kapag nandoon na kayo or kung ano man ha?" Tumango ako at yumuko tanda ng paggalang bago pumasok sa sasakyan. Habang nasa sasakyan kami hindi ako tinitigilan ni Alex sa pangungulit kung saan nga ba daw kami pupunta. "Hindi mo talaga sabihin sa akin kung saan mo ako dadalhin? Hmmp!" ang naka ingos nyang maktol. Natawa na lamang ako sa kanyang inasta, ganyan talaga s'ya simula pa lang noong mga bata pa kami kapag hindi nakukuha ang gusto n'ya. Inabot ko ang isa n'yang kamay, habang ang isang kamay ko ay nasa manibela naman. Hindi naman s'ya umangal ng hinalikan ko ang likod ng kanyang kamay at dinala sa aking pisngi. "Matulog ka muna kung inaantok ka, medyo malayo pa ang byahe bago tayo makarating doon. Huwag ka ng mainis dyan hmm..." sabay pisil sa ilong n'ya. "Alam kong magugustuhan mo kapag nandoon na tayo." Hindi nga nagtagal ay nakatulog ito. Panaka-naka ko s'yang sinusulyapan. Ang payapa ng kanyang mukha habang natutulog. Ngumiti ako ng mapagtanto kung gaano kaganda ng babaeng minamahal ko. Hindi pa man namin napag uusapan ang estado ng tunay naming nararamdaman, pero sisiguraduhin ko na itong bakasyon namin ay maging special and syempre, to ask her as may official girlfriend. Masaya ako na natagpuan ko na s'ya at kasama ngayon papunta sa lugar kung saan isa sa mga pangarap n'ya noong mga bata pa kami. Bumaling ako sa kanya na ngayon ay masarap pa rin ang tulog. "Gagawin ko ang lahat kahit buhay ko pa ang maging kapalit, tuluyan ka lang maging malaya sa mundong kinalakihan natin." Masaya ako na malungkot. Masaya dahil natagpuan ko na s'ya at nakakasama. Malungkot dahil kailangan ko s'yang iwan muna. "Kababakasyon mo lang humihingi ka na naman ng bakasyon? Phoenix, alam kong hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap na wala na si Ace.Pero matagal na s'yang wala, hindi ka pa ba napapagod na umasa na buhay pa s'ya? Tanggapin na natin na wala na s'ya, wala na!" Pumunta ako sa hideout namin para kausapin si Boss na kung pwede ay tapusin ko ang naudlot kong bakasyon at ganyan ang isinagot sa akin. "Siguro nga kailangan mo ng mahaba-habang bakasyon.Ngayon ka lamang nag back out sa ipinagawa sayo although may valid reason ka naman." Bihira lang ang kaso na nahahawakan ng grupo namin na may nagbaback out. Yes, we kill people. Pero yung mga taong kailangan ng mawala sa mundo. Matapos ang ilang bagay na dapat pag usapan ay nagpaalam na ako sa kanya ng magsalita itong muli. "Phoenix,alam ko kung ano s'ya sa buhay mo. Let her go." Tumango lang ako, ngumiti ng tipid at tuluyan ng umalis. Hindi ko pa maaaring sabihin sa kanya na buhay si Alex. Kung pwede lang sana na hindi na n'ya malaman pa. "Seb, malayo pa ba tayo?" Hindi ko namalayan na gising na pala s'ya dahil sa malalim na pag-iisip ko sa mga bagay-bagay. "Maybe an hour makakarating na tayo. Nagugutom ka ba? May food na pinabaon si Tita sa atin nasa backseat kunin mo na lang." Inabot nga nito ang pagkain na baon namin at nagsimula na itong kumain, napalingon ako ng iumang n'ya sa akin ang isang sandwich na hawak n'ya. "Alam kong gutom ka na rin at hindi ka naman makakakain dahil sa nagmamaneho ka kaya susubuan na lang kita, wag ka ng mahiya." Dahil sa medyo nagugutom na rin ako ay kinain ko na din ang bawat iumang n'ya sa akin na pagkain. Pagkalipas ng ilang oras na byahe ay nakarating din kami at hindi na maipaliwanag yung mukha ng aking kasama sa kagalakan. "Seb, super ganda naman dito..." manghang-mangha s'ya habang sinasabi iyon. "Kanino itong bahay? Ang swerte naman ng may ari nito! Bukod sa tahimik dahil medyo malayo sa kabayanan ay maaliwas pa at napaka ganda!" Hindi talaga s'ya matapos-tapos sa pagbibigay ng papuri kung gaano kaganda ang lugar na kinaroroonan namin ngayon. "Masaya ako, tila nagustuhan mo ang lugar na ito." "Not just i like it Seb. I love it!" "Let's get inside. Ilang araw pa tayo mamamalagi dito, you can enjoy 'our' place." Napahinto s'ya bigla na animo may narinig na nakakagulat. "What? Wait. Our place!" "I bought this place and build a Vacation House for us ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD