Chapter 19:Vacation

1001 Words
~Alexandra~ Medyo gumaan ang aking pakiramdam ng masabi ko na sa mag-asawa ang tungkol sa gumugulo sa aking isipan ng nakaraang linggo. Sila na lamang daw ang magpapaliwanag kay Kuya. Napakasarap isipin na sa kabila ng mga ipinagtapat namin ay handa pa rin nila akong tanggapin at tulungan na tuluyang magbagong buhay. Sadyang napakabuti ng kanilang kalooban. Kaya hindi ko maiwasan na asamin na sana sila na lamang ang aking magulang. Kasalukuyan akong nag iimpake ng damit dahil may pupuntahan daw kami ni Seb. Kung saan, ay hindi ko rin alam. Napagkasunduan na rin namin na hahayaan n'ya ako na palihim na tumulong sa mga dapat n'yang gawin kahit nandito ako sa pangangalaga ng mga Suarez. "Kailangan ka ba talagang umalis dito?" "Alam mong ito ang makakabuti Alex, hindi maaari na magkasama tayo sa iisang lugar . Mas makakakilos ako ng maayos kung wala ka sa tabi ko. Huwag ka ng mag-alala lagi naman kita pupuntahan dito kung may oras ako." "Pero hindi mo maiaalis sa akin ang mag alala para sa kaligtasan mo Seb, hindi natin alam kung sino ang nag utos sayo para sa trabaho na inayawan mo." "Kaya nga kailangan ko bumalik doon, para makakuha ng kahit anong impormasyon kung sino ang may pakana ng nangyayari sa mga Suarez. Ayaw ko rin maghinala si Boss kung bakit nanatili pa ako dito kung hindi ko naman tinapos ang trabaho." "Isa pang ikinababahala ko, paano kung totoo ang sinabi ni Boss na maaaring ipatrabaho sa iba ang hindi mo natapos. Bilang pasasalamat sa kanila, kailangang bantayan ko sila sa mga posibleng mangyari." "Alam kong hindi naman kita mapipigilan sa gusto mong gawin para sa kanila. Basta mag ingat ka." Tumingin ako sa kalangitan at sandaling tumahimik. "Seb, sa tingin mo maaari nga kaya mangyari ang sinabi ni Mama?" "Ang alin sa sinabi n'ya?" "Na magiging okey din ang lahat, na posibleng mamuhay tayo ng normal katulad ng ibang tao, yung malaya kumilos at gawin ang tama." Tahimik lamang s'yang nakikinig sa akin habang nakatingin din sa kalangitan. "Simula pa ng bata tayo at magka isip hindi ako nakaramdam ng takot sa kung anong pwede mangyari sa akin. Sa bawat trabaho na ginagawa ko dala-dala ko ang isang Sebastian na walang awa na pumapatay ng mga taong dapat ng paglamayan dahil sobra na ang kanilang kasamaan. Pero..." humarap s'ya sa akin. "Kabaliktaran iyon kapag ikaw ang nasa trabaho, hindi ako mapakali hanggang hindi ka pa umuuwi sa bahay na tinutuluyan natin..." kinuha nito ang aking dalawang kamay at hinawakan ng mahigpit."At nangyari nga ang kinatatakutan ko, hindi ko alam kung saan kita hahanapin, ang sakit-sakit dito..." sabay turo n'ya sa kanyang dibdib na katapat ng puso at nagpatuloy magsalita. "Binalikan ko ang lahat ng lugar na pinangyarihan sa huli n'yong misyon, nagbabaka sakali ako na may nakakuha sayo na ibang tao, dahil sa huling tawag ni Diamond nasabi n'yang pareho kayong may tama ng bala ng baril. Sa ilang araw kung paghahanap umuwi ako ng bigo. Lumipas ang taon, ipinagpalagay na lamang nila na baka nga nakuha ka ng mga tauhan ni Mr.Fujico at tinuluyan na." Halos hindi ako makahinga sa bigat ng aking nararamdaman sa mga naikwento n'ya nararamdaman ko kung gaano s'ya nahirapan sa pagkawala ko. "Again. Im sorry Seb," idinampi ko ang aking palad sa kanyang mukha at hinaplos ito. Ngumiti lamang ito ng tipid at kinuha ang aking kamay sa kanyang pisngi at pinisil ito ng marahan. "Tungkol sa tanong mo? Alam kong darating ang araw na iyon at ipangako mo sa akin na kahit wala ako sa tabi mo, piliin mong tuparin ang pinangarap nating dalawa." "Seb, bakit ganyan ang sinasabi mo! Hindi mo naman siguro ako tuluyan iiwan dito noh?" Tumawa lamang ito ng pagak at ginulo ang buhok ko. "Tandaan mo, gagawin ko ang lahat ng makakabuti para sayo at protektahan ka. Lagi ka mag-iingat dahil ikaw lamang ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng takot." Pagkasabi ng mga katagang yun at bigla n'ya akong niyakap ng mahigpit. "Sa tamang panahon, haharap tayo sa kalangitan na puro magagandang pangyayari na lamang ang ating pag uusapan." Sinuklian ko din s'ya ng isang mahigpit na yakap. "Sa ngayon mag impake ka ng ilang piraso ng mga gamit mo may pupuntahan tayo," maaliwalas na ang mukha ng sinasabi ito. "Saan tayo pupunta?" ang nakakunot noo ko pang tanong. "Malalaman mo na lang..." ngumiti ito ng ubod tamis. "Kapag nandun na tayo." "Hoy Sebastian! Huwag mo ako mangiti-ngitian ng ganyan ha, nakakakilabot ka!" asar talo kong sagot. Tumawa lamang ito ng malakas. Bihira mo s'ya makikita na ganito kaya nahawa na rin ako sa kanyang pagtawa. ~Sebastian~ Kasalukuyan ako nasa opisina ni Mayor. Nang mamataan ko s'ya kanina na dumating na ay nakiusap ako kay Mrs.Suarez na kung pwede ko makausap ang kanyang asawa. Kasalukuyan ito nagdidilig ng halaman sa likod bahay. "Mrs.Suarez, maaari ko po bang makausap si Mayor?" "Ano ka ba naman Iho, sinabi ko naman sayo na tita Carol na lang." "Pasensya na po medyo naiilang pa ako na tawagin kayong tita." "Bueno, tungkol sa sinabi mo, pagkahapunan nasa opisina lang naman si Fernand, babanggitin ko na rin sa kanya ang sinabi mo." Nagpasalamat ako at iniwan na muna s'ya sa likod bahay. Kinagabihan ay ipinatawag ako sa isa nilang kasama sa bahay. Nang nasa tapat na ako ng opisina ni Mayor ay kumatok muna ako para ipagbigay alam na narito na ako, pinihit ang pinto at pumasok at nagbigay galang. "Maganda Gabi po Mayor--" "Tito Fernand na lang Sebastian wala naman tayo sa labas ng bahay, maupo ka muna," tinuro ang upuan na nakaharap sa mesa n'ya. "Ang sabi ni Carol ay gusto mo daw ako makausap?" "Opo, ipagpapaalam ko sana si Alex sa inyo, na kung pwede ko s'yang isama sa aking bahay bakasyunan sa may Quezon. Bago sana ako umalis, ay gusto ko s'yang makasama kahit ilang araw lamang." Tumango ito habang magkasalikop ang dalawang kamay na nakapatong sa lamesa at seryoso akong tiningnan. "Okey, I think Chloe need a vacation too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD