~Mayor Suarez~
Marami akong nakatambak na trabaho dito sa opisina ko sa Munisipyo pero kahit isa ay wala akong maintindihan sa mga binabasa ko.
Isang taon na lamang ang natitira sa aking termino. Napagkasunduan na rin namin ni Carol na ito na ang huling pagtakbo ko. Matanda na rin ako at madami ng dinaramdam ngunit hindi naman matatapos ang pagsisilbi ko sa mga tao khit wala na ako sa posisyon bilang alkalde ng bayan ng San Catalina.
Nitong mga nakaraang araw ay madaming problema ang aking kinahaharap, lalo na ang mga nangyayari sa aking pamilya. Nagkakaproblema sa isang branch ng Contraction Supply namin sa kabilang bayan. Ang hindi malinaw na nangyari kina Chloe. Ang posibilidad na may kinahaharap na panganib ang panganay ko. At dumagdag pa ang naganap na pag-uusap sa aking opisina noong nakaraang gabi.
"Pa, alam kong nagulat kayo sa mga nalaman n'yo at posibleng pagdudahan n'yo kami. But, its been seven years. They thought that im already dead. Maybe, God gave me a second chance to live my life and change for the better..." tiningnan ako ng may pagsusumamo at bumaling sa aking asawa na inabot ang kamay nito.
Ma, alam kong hindi ganon kadali ang magtiwala sa katulad kong may madilim na nakaraan. Believe me, just because the love that you give it to me, hiniling ko na sana kapag dumating yung araw na masabi ko na kung ano ako talaga ay matanggap n'yo pa rin ako ni Papa. Sobra akong thankful sa pagmamahal n'yo sa akin. Naiintindihan ko kung naguguluhan kayo sa ngayon dahil alam ko naman po na hindi madali tanggapin ang lahat..." hilam ng luha ang mata nito na humarap sa aming mag-asawa.
Hindi rin makapag salita ang aking asawa dahil tulad ni Chloe ay hilam na din ng luha ang mga mata nito.
Alam namin na hindi ganon kadali na matanggap ang lahat ngunit matagal n naming inihanda ang aming mga sarili na isang araw ay darating ang pangyayaring ito. At nangako kami na kung ano't-anuman ay buong puso namin tatanggpin ang lahat.
"Seb, decided to leaving as a driver. He need to come back where we come from. Don't worry, when we leave this house--"
"What! We? What are you trying to say Iha? Are you leaving also? No! Im not let you to do that..." -Carol.
"Tama ang Mama mo anak. Hindi mo kailangan umalis dito. Kung ano man ang nakaraan mo ay matatanggap namin, kasama mo kami sa pagbabagong buhay mo," ang sansala kong sagot sa kagustuhan n'ya.
Alam kong iyon din ang gusto ng aking asawa at ng aking panganay. Nakita ko kung gaano nila minahal si Alex noong s'ya pa ay si Chloe, im sure na hindi mababago yun khit na ang totoo ay s'ya na si Alex. S'ya pa rin ang Chloe na tinuring namin na anak sa nakalipas na mga taon.
"Mayor, Mrs.Suarez, kukunin ko na rin po ang pagkakataong ito para ipakiusap din si Alex sa inyo..." ang putol ni Seb sa panandaliang katahimikan namin at muling nagpatuloy magsalita. "Alam ko po na magiging ligtas at maayos ang buhay n'ya na kasama kayo na kumupkop sa kanya. Tulad ng sinabi ko sa kanya..." sabay baling kay Chloe. "Hindi ko na s'ya hahayaan na bumalik pa sa kung saan kaming dalawa nanggaling."
Mataman lang namin s'ya pinakikinggan ng aking asawa.
"Paano ka Seb? Kung aalis ka dito at babalik sa buhay na meron kayo, ano ang mangyayari sayo. Wala ka bang plano magbagong buhay? Hindi ko alam ang totoong nangyari bakit kayo napunta sa ganong uri ng trabaho, pero alam kong may kabutihan pa rin sa inyong mga puso. Hindi mo naman kailangan umalis sa pagiging driver ni Chloe," ang sabat ng aking asawa.
"May mga dapat po akong ayusin, mga dapat tapusin, hindi madali ang sinasabi n'yo. Hindi namin ginusto na mapunta kami sa ganitong sitwasyon. Maniwala po kayo pinangarap namin na takasan na lamang ang lahat ng kung ano ang meron kami. Sa ngayon ang kapakanan at kaligtasan po muna ni Alex ang mahalaga sa akin Mrs.Suarez," seryoso at ramdam mo yung sakit dahil wala silang magawa sa sitwasyon nila sa sagot nito.
Kung titingnan mo si Seb ay isang lalaki na matatag at alam mo na kaya n'ya gawin ang lahat para lamang protektahan ang taong mahalaga sa kanya lalo na ka Chloe. Ngunit si Chloe rin ang nagiging dahilan ng kahinaan nito.
Makakaasa ka na magiging maayos si Chloe sa amin. Iho, alam kong mahalaga ka sa anak namin, gusto ko rin na maging maayos ang buhay mo. Hiling ko na dumating yung araw na pareho kayo na matagpuan ang tahimik at maayos na pamumuhay..." ang malumanay na pagkakasabi nito kay Seb. "Bukas ang bahay namin para sayo. Wag ka magdadalawang isip na magsabi sa amin kung ano man ang kailangan mo."
Humakbang ito palapit sa kinaroroonan ni Seb at tinapik-tapik ito sa balikat.
"At pwede ba, tita Carol na lamang ang itawag mo sa akin at tito Fernand sa aking asawa."
"Right honey? Total hindi naman s'ya iba sa ating anak," sabay baling nito sa akin.
"Tama ang tita Carol mo Iho," sagot ko at tumingin sa binata.
"Salamat po sa pang unawa at kabutihan n'yo hindi lamang para sa akin, ganon din para kay Alex," ang pasasalamat nito na may sinseridad.
"Late na honey, pwede naman natin ipagpatuloy ang pag uusap na ito bukas ng umaga. Marami-rami rin tayo dapat ipaliwanag kay Zei. Kailangan na rin natin magpahinga. Lalo ka na Fernand may pasok ka pa bukas."
Tumayo ang akin asawa at lumapit kay Chloe.
Don't worry Iha, everthing will be fine. Your Papa and i always be here, also your Kuya, im sure he will understand and accept about you, he really love you like his little sister," sabay yakap dito ng mahigpit na ginantihan naman ng dalaga.
"Salamat Ma. Salamat Pa..." tumingin ito sa akin. "Napakabait n'yo sa akin. Sana kayo na lang ang aking naging mga magulang."
Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya.
"Bakit Iha, nasaan ba ang mga totoo mong magulang? Why they let you, like an 'Orphan'."