Chapter 17: Job

1150 Words
~Sebastian~ Kasalukuyan kami narito ngayon sa opisina ni Mayor ng dis-oras na ng gabi sa kadahilang nahuli n'ya kmi na magkausap ni Alex. Tiningnan ko ang aking katabi na tila balisa, malamang nag-iisip din s'ya sa kung ano ang dapat na ipaliwanag sa ama tungkol sa nakita nito kani-kanina lang. Nalipat sa nakaupong Ginoo ang aming atensyon ng inilapag ang kamay nito sa lamesa at tumingin sa aming direksyon. "Ngayon n'yo ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga narinig at nakita ko kanina, pawang katotohanan ang gusto marinig mula sa inyong dalawa", malumanay ngunit may diin na pagkakasabi nito. "May mga ilang bagay lamang po kaming pinag uusapan-" "Sabihin n'yo nga sa akin, matagal na ba kayo magkakilala ng anak ko na si Chloe ha Daniel or would i say Seb? Hmmm?" putol na tanong nito sa dapat kung sasabihin. Nagkatinginan muna kmi ni Alex at ito ang sumagot. "Im sorry Pa, if sa ganitong paraan ko masasabi ito. Remember the day ng maaksidente kami? That day din na bumalik ang ala-ala ko, i want to talk all of you, one of this day sana about that. But you caught us now," "Hold on! Gusto kong nandito din ang Mama at Kuya mo" tumayo ito dali-daling lumabas ng opisina para gisingin ang asawa at anak nito. "Seb, what we will do? Kailangan na ba natin sabihin sa kanila ang totoo?" "Alex, hayaan muna natin na malaman nila na magkakilala tayo. Ngunit hindi nila dapat muna malaman ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito." Tumango lamang ito sa sinabi ko habang magka hawak ang dalawang kamay n'ya. Kinuha ko ang isang kamay nito at tiningnan s'ya at nginitian. "Magiging okey din ang lahat. Sa ngayon hindi pa natin pwede sabihin sa kanila ang lahat-lahat." "Ayaw kong magalit sila sa akin, napakabuti nila para itago ang tungkol sa tunay kong pagkatao." "They won't, ikaw na din ang may sabi na mabuti silang mga tao hindi ba?" Tumango ito, ilang sandali ay bumukas na ang pintuan at iniluwa nito si Mayor at Mrs.Suarez. "What happen here? Honey, para saan ito? Bakit nandito sa opisina mo sila Chloe at Daniel?." Sunod-sunod na tanong nito na bakas ang pagkagulat at pagtataka. "At sa ganitong dis-oras na ng gabi!" "Honey, you may sitdown first," sabay giya nito sa asawa paupo sa kalapit upuan nito na katapat ng inuupuan din namin. "Kinatok ko si Zei sa kwarto n'ya ngunit hindi ito sumasagot, malamang naparami ng nainom kanina. Ako na lamang ang magsasabi sa kanya kung ano man ang mapag uusapan natin ngayon," ani ni Mayor bago ito naupo. "Chloe, say it again from the start." Tumingin si Alex sa mag-asawa na may pag-aalala. "Ma, Pa, Im sorry kung ngayon ko lang sa inyo nasabi na nakakaalala na ako, gusto ko sana kayo kausapin about dito, kumukuha lamang ako ng tyempo. Ma," sabay abot sa kamay ng Ginang, "remember nung maaksidende ako? Nang magising ako sa ospital bumalik na ang ala-ala ko nun, hindi ko kaagad nasabi sa inyo dahil naguguluhan pa ako." Ginagap din ng Ginang ang kamay ng dalaga. At mangiyak-ngiyak na ang hitsura nito. "Natatakot ako na kung malaman n'yo kung sino talaga ako ay hindi n'yo na ako matanggap bilang anak n'yo. Pero maniwala kayo hindi ko gusto itago ang totoo," patuloy nito. Maluha-luha na din sa pagpaliwag nito sa mag-asawa. "Anak, naalala mo ba ang lagi naming sinasabi sayo noon ng Papa at Kuya mo? Na kahit bumalik pa ang ala-ala mo ikaw pa rin ang anak namin," ang naluluha na din na sagot ng Ginang dito. Habang si Mayor ay nakamasid lamang sa kanila, habang ako naman ay hinahanda din ang sarili sa mga katanungan nila. "At ano naman ang kinalaman ni Daniel dito?" Ang tanong nito na bumaling sa gawi ko at naghihintay ng isasagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago sumulyap kay Alex at humarap sa mag-asawa. "Mayor, Mrs.Suarez, una po sa lahat humihinge ako ng paumanhin kung sa ganitong pagkakataon pa po kami haharap sa inyo, at sa tanong n'yo kanina kung magkakilala kami ng anak n'yo at nagtataka kayo kung bakit narito ako? Opo, magkakilala kami ni Chloe." "Matagal ko na s'yang hinahanap dito ko lamang pala s'ya matatagpuan," bumaling ako kay Alex at tumingin uli sa kanila. "Ano ang kaugnayan mo sa kanya Daniel?" tanong ni Mayor sa akin. "Magkababata po kami ni Alex- Alex! You mean si Chloe ang tinutukoy mo na Alex?, tiningnan ng Ginang si Alex upang kumpermahin. At tumango ito bago sumagot. "Ma, Pa, ang totoo kong pangalan ay Alexandra Reynoso, tama ang sinabi ni Seb or Daniel sa pagpapakilala n'ya sa inyo na magkababata kami." Tila lalong naguluhan ang mag-asawa sa mga nalalaman nila.Tumango-tango si Mayor at nagsalita. "Tama nga ang hinala ko sayo noong unang makita mo si Chloe, may pakiramdam ako na may something sa bawat tingin mo sa kanya." sabat ni Mayor na tumingin sa akin. "Patawad po Mayor kung hindi ko sinabi ang totoo kong pangalan. Ako po Sebastian Delgado. Sa katunayan matagal ko na po s'ya hinahanap, kinailangan kong baguhin ang pangalan ko para na din sa pansarili kong dahilan." "Kung magkababata kayo, alam mo ang totoong nangyari sa kanya ng makita namin s'ya?" tanong ng Ginang. Umiling ako at sumagot ng may lungkot. "Wala po ako sa tabi n'ya ng mangyari ang aksidenteng yun." "Nang matagpuan namin s'ya ay may tama ng baril, hindi namin nalaman kung ano ang totoong nangyari sa kanya dahil nga pagkagising n'ya ay wala na s'yang maalala kung sino s'ya." "Maari ba na malaman namin ngayon kung ano ba talaga ang dahilan ng pagkaka-aksidente mo Iha?" Nagulat man kami sa tanong ni Mayor ay kailangan namin sabihin sa kanila ang totoo. Kahit walang kasiguraduhan na mauunawaan nila at matatanggap pa din nila si Alex. "Mayor, Mrs.Suarez, alam ko po na wala ako sa lugar para humiling sa inyo ng kahit na ano. Sana lamang po kung malalaman n'yo kung ano man ang trabaho namin ay hindi magbago ang pakikitungo n'yo kay Alex. Nakiki-usap po ako matagal na s'yang patay para sa mga nakakakilala sa amin. Ako na lamang ang umaasa na maaaring buhay pa s'ya at hindi nga ako nagkamali." ang mapagkumbaba kong paki-usap sa kanila. "Kung ano man yan Iho, handa kaming unawain at tanggapin kung ano man ang nakaraan ni Chloe." Ang pagbibigay katiyakan ng Ginang sa aking kahilingan na sinang-ayunan ni Mayor. Tumingin ako kay Alex para hingin ang kanyang pahintulot na sabihin ang totoo sa mga taong nag alaga sa kanya. Tumango ito at tumingin sa mag-asawa na may pag-aalala. Bumaling din ako sa mag-asawa na naghihintay sa aking sasabihin. "We Hired to Kill. At ang nangyari sa kanya is part of our job." -PASENSYA NA PO SA MGA NAGBABASA NITO KUNG MERON MAN, NGAYON LAMANG ULI AKO NAKAPAG UPDATE DAHIL AKO AY NAGKA COVID, SISIKAPIN KO PO NA MAKAPAG UPDATE NA ARAW-ARAW...HAVANAYS DAY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD