CHIARA
NANG mabasa ko yung letter na iniwan ni Bailela sa kwarto ko, hindi na ako mapakali baka kasi maligaw ito.
Kahit ang picture ni Bailey wala, sa edad na lima ay alam na ni Bailela ang mga nangyayari sa paligid niya. Matalino ito at tuso minsan kagaya ng ama niya.
Halo ang ugali na namana ng anak ko, I mean halos kay Bailey lahat nakuha.
Kinakabahan ako habang nakatanaw sa bahay na nasa harapan ko. Ang tagal ko ng hindi nakapunta dito.
Huminga muna ako ng malalim bago nagdoorbell. Ilan sandali lang ay may lumabas.
"Kamusta po, Manang?"
Niyakap ako bigla nito. "Namiss kita, namiss ka ng bahay na ito, Chiara. Mabuti naman ako."
Napangiti na lang ako. "Nandito po ba si Bailela Chi?"
"Oo, mukhang nasa itaas siya. Doon sa kwarto niyo ni Bailey."
"Puwede po ba akong pumasok? Sisilipin ko lang po sila, Manang."
Ngumiti ito. "Oo naman, matagal ka ng hinihintay dito, Chiara."
Bago ako makaakyat narinig ko itong nagsalita. "Namimiss ka na niya, Hija."
Umakyat ako papuntang kwarto namin ni Bailey. Ang sarap pakingan.
Binuksan ko yung pintuan at nadatnan ko yung mag-ama ko na natutulog.
Tahimik na lumapit ako sa kinaroonan nila. Umupo ako sa gilid ni Bailey.
Hinaplos ko ang buhok nito kasunod ng buhok ni Bailela. "You will stay here, Baby. I know you're happy now." Saad ko.
Hinalikan ko muna siya sa noo, humarap naman ako kay Bailey. Hindi pa ito nakakapagbihis.
Tumayo muna ako at pumunta sa closet, natigilan ako ng mapansin ko yung mga damit, nandito pa yung mga damit ko. Napangiti na lang ako habang namimili ng damit.
Nang makapili ako ay pumunta kaagad ako sa kinaroonan ni Bailey at tahimik na binihisan, para hindi ito magising. Kahit ang pants na suot nito ay tinanggal ko.
"Ikaw na bahala sa anak natin, I miss you." Hinalikan ko siya sa labi bago kinuha yung mga madumi niyang damit at nilagay sa sofa, bago napagdesisyonan na umuwi.
BAILEY
NAGISING ang ng maramdaman ko na may humahalik sa pisngi ko, napamulat ako ng makita ko ang anak ko na humahalik sa akin.
Napangiti ako. "How's your sleep baby?"
Tumigil ito at yumakap sa akin. "It's fine now, Dada."
Yumakap din ako pabalik, ganon ang akto naming mag-ama ng may kumatok. "Pasok."
Bumukas ang pintuan at sumilip doon si Manang. "Kain na kayo."
"Susunod na kami, Manang."
Tumango ito. "Nga pala pumunta kanina dito si Chiara."
"Si Mommy ko." Singit ni Bailel.
"Nasaan siya?" Tanong ko.
"Umalis na, kanina pang 5 am niya pumunta dito."
Napansin ko na lang na iba ang suot ko. Hindi naman ako nagpalit, hanggang sumagi sa isip ko na pumunta dito si Chiara. Napangiti ako bigla, siya panigurado ang nagbihis sa akin.
"Why are you smiling, Dada?"
"Nothing, Baby." Nakangiting saad ko. Mukhang pati ang anak ko naweweirdohan na sa akin .