PROLOGUE
Nanghihina ako dahil sa uri ng pagtingin niya, parang unti-unti akong hinihipnotismo ng kulay violet na mata na yon.
"P–pakawalan mo na ako please." Pagmamakaawa ko.
Ngumisi ito. "Sa tingin mo papakawalan kita ng ganon lang? Alam kong may nakita at narinig ka." Makahulugan na sabi nito.
Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang yung mga kamay ko nakatali sa likuran. "H–hindi ko naman sinasadya yung nakita ko, kahit yung narinig ko hindi ko sinasadya." Mahinang sabi ko sakanya.
Nabigla na lang ako ng bigla niya akong hilahin dahilan maupo ako sa hita niya. "S–sir." Nauutal na tawag ko.
Naramdaman ko na lang yung hininga niya sa leeg ko. "Hindi ganon kadali yon." Bulong nito at napapikit na lang ako dahil sa ginawa niyang paghalik sa leeg ko.