CHIARA
Isang taon na lang graduating na ako bilang stewardess, konting tiis na lang.
"Ara, binibigay na yung topic para sa written report mo." Bulong ni Kisseanna.
Tumingin ako kay Mr. Reyes na ngayon ay nakatingin sakin. "Sorry sir." Paumanhin ko.
"It's okay. You have a written report, you have to passed it next monday or better it will be on friday. This week." Sabi nito.
Tuesday na ngayon, ilan araw na lang ang meron ako para maumpisahan yung written report ko.
"Anong topic sir?"
"Research about Mr. Bailey Grey."
Tumango ako. "Okay sir. Thank you."
Tumingin ako kay Kisseanna matapos magdismiss ni Mr. Reyes.
"Di ba pinsan mo si Mr. Bailey Grey?" Tanong ko.
Tumango siya. "Patulong naman sa written report ko."
"Okay sige. Sobrang basic ng sayo." Natatawang sabi nito.
Napairap tuloy ako. "Malamang pinsan mo e." Sabi ko sakanya.
"Hindi kaya, paano ba yan aalis na muna ako pupunta pa ako sa susunod na subject ko. Puntahan mo na lang ako mamaya sa parking lot." Pagpapaalam nito.
Tumango ako. "See you."
***
7 pm na nang matapos ang klasse ko, nang makarating ako sa parking lot nilapitan ko kaagad si kisseanna.
"Tara na." Anyaya ko bago pumasok sa passenger seat habang siya yung nagmamaneho.
Tahimik lang ako at nakinig ng songs sa phone ko hanggang makarating kami sa bahay ng pinsan ni kissean.
Napahanga ako dahil sa sobrang ganda ng nasa harapan ko. "Ang ganda." Paghanga na sabi kox
Dinaig pa yung bahay namin sa New Zealand kahit yung bahay namin dito sa manila hindi ganito. Ang nasa harapan ko ay isang modern mansyon.
"Ganyan talaga ang mga grey. Makapangyarihan." Sabi ni kissean.
Nang makapasok kami, tumingin ako sa kabuuan. Sobrang ganda talaga, kahit na nakapunta na ako kina kisseanna pero hindi ganito kaganda.
Pumasok kami sa living area, may pitong kalalakihan na nakaupo at bigla silang napatingin samin.
Lumapit si kisseanna doon sa lalake at hinalikan ito sa pisngi.
"Ako wala?" Tanong nung nakablue na longsleeve.
"Shut up!"
Tumingin sila sakin. "Sino siya? Napakaganda naman niya."
Ngiti lang ang iginanti ko doon sa sobrang singkit ang mata. Hinila ako ni kisseanna at pinakilala.
"This is chiara my best friend. This is my cousin bailey." Tumingin ako sa lalakeng nakablack longsleeve. Matiim ito na nakatingin sakin bigla tuloy akong nailang.
"Don't look like that kuya." Babala na sabi ni kisseanna sa pinsan niya.
"N-nice to meet you." Nautal na pagpapakilala ko at inilahad ko pa yung kamay ko.
"Nice to meet you too." Sabi nito at tinanggap ang pakikipaglamay.
Aalisin ko na sana yung kamay ko pero ayaw niya bitawan. "Ahmm. Yung kamay ko." Naiilang na sabi ko.
Nakita ko kung paano siya ngumisi. "Oh. I'm sorry chiara."
Pinakilala din ako ni anna sa iba pang kasama ni Mr. Bailey.
"Kain na kayo. Mamaya na ang usapan niyo tungkol sa business." Tumingin ako sa nagsalita at napatingin ito sakin.
Ngumiti ako. "Hello po." Bati ko.
Lumapit ito sakin. "Hello hija. What's your name?"
"Chiara Dela Vega po." Pagpapakilala ko.
"You can call me Tita Elizabeth."
"Sige po tita." Natatawang sabi ko nagulat pa ako dahil hinila niya kami ni anna papuntang dinning area.
Inasikaso niya ako kami ni anna. Naalala ko tuloy si mama sakanya, inaasikaso niya ako tuwing umuuwi ako ng new zealand.
"Any problem hija?"
Umiling ako saka ngumiti. "Namimiss ko lang po yung mama ko." Nakangiting dahilan ko.
"Nasaan ba siya?"
"Nasa new zealand po sila tita." Sagot ko.
"Sinong kasama mo dito?"
"Ako lang po ang mag-isa." Sabi ko.
"Di ba uuwi ka naman bago sembreak?" Singit na tanong ni Kisseanna.
Tumango ako. "Oo. Ilan linggo na lang din naman sembreak na, uuwi ako."
"Boys. Umayos nga kayo, ganyan kayo kung kumain mahiya naman kayo." Suway ni tita.
Napatingin tuloy ako sakanila, napaawang yung labi ko kung paano sila kumain. Ganito pala sila kumain, natawa tuloy ako.
"Mukha kayong bata kung kumain, lalo na yung isa dyan." Patama ni anna kay charles.
Tumingin ng masama si charles kay kisseanna. "Nagpapatama ka ba?"
Natawa na may halong pang-aasar si kisseanna. "Bakit natamaan ka ba?" Pataray na sabi ni kisseanna.
Hindi sumagot si charles pero masama pa din yung tingin niya. Napatingin ako kay bailey na bigla tuloy nagtama yung paningin namin kaagad akong nag-iwas at itinuloy yung kinakain ko.