Napailing na lang ako dahil sa asaran nila, buti na lang nagbabago ng paunti-unti si kisseanna.
Hindi na siya nasasangkot sa gulo, minsan na lang.
Matapos ng dinner nagsipunta sila sa sala. Naiwan ako sa dinning kasama si tita.
Tinulungan ko siyang magligpit. "Tita wala po ba kayong katulong?"
"Meron naman, kaso day off nila ngayon. Bukas pa yung balik nila." Sagot nito.
Dinala namin doon may lababo yung mga plato at baso.
"Ako na po yung maghuhugas ng plato tita."
"Ako na hija."
Umiling ako. "Ako na po tita, iwan niyo na po ako dito." Sabi ko
Wala naman nagawa si tita kundi ang iwanan ako. Habang naghuhugas ako ng plato may naririnig ako.
Out of curiosity sumilip lang ako sa pintuan dito sa kusina at nakita ko si Mr. Bailey na may kausap sa phone.
"Patayin mo kung kinakailangan, para mawala yan sa landas ko." Seryoso at may halong diin na sabi nito.
A-ano? Sino yung kausap niya?
Dahan-dahan itong tumingin sa gawi ko pero kaagad akong umalis sa may pintuan at pinagpatuloy yung paghuhugas ko ng plato.
Halos nanginginig yung mga kamay ko habang naghuhugas. Hinawakan ko yung isang kamay ko na nanginginig pa din.
Huminga ako ng malalim bago tinapos yung mga hinuhugasan ko.
"I didn't know marunong ka palang maghugas ng plato." Sabi nito.
Tumingin ako sakanya na seryosong nakatingin sakin. "S-sir Bailey ikaw pala." Nautal na sabi ko.
"Buti marunong kang maghugas ng plato."
"Ah. Oo, since ako lang yung mag-isa sa bahay at nasa ibang bansa yung magulang ko. Nagpractice ako, kaya natutunan ko." Paliwanag ko, buti na lang hindi ako nabulol at nautal.
Pakiramdam ko natatakot ako ngayon na makipagclose sakanya. Pakiramdam ko kasi napakamesteryoso niyang tao.
Someone's POV
Nakatingin lang si bailey sa papalayong bulto ng dalaga, alam ni bailey na may nakatingin sa kanya kanina.
Lumapit si bailey sa intercom na nakaconnect sa CCTV Room at ipinindot ito. "Grego, check the CCTV Potage here in the kitchen a while ago." Utos nito.
Kailangan niyang makasigurado sa kutob niya. Pumunta siya sa 3rd floor sa pinakadulo at pumasok roon.
Dumungaw ito at nakita ni bailey si chiara na nakasilip sa pintuan at mukhang nakita at nakinig ito sa kanya bahang may kausap siya sa phone.
He smirk like there's no tomorrow. "So, she's listening." Kausap nito sa sarili niya.
May tinawag ito sa cellphone niya habang nakatingin pa din sa screen. "Hello sir?" Sagot nito sa kabilang linya.
"Bantayan niyo si Chiara dela Vega, huwag niyong hahayaan na mawala siya sa paningin niyo habang wala pa akong sinasabi."
"Yes sir." Sagot hito bago ibinaba yung linya.
'May narinig ka pala, wrong move woman'