BAILEY
I still wait for 4 hours to my flight. Habang naghihintay ako tumunog ang phone ko.
"Why manang?" Bungad ko kaagad ng maisagot ko yung tawag.
"S–si Chiara, nawawala." Nag-aalala na sagot nito.
Napatayo ako bigla. "What?!"
"Nagpaalam lang kasi na pupunta ito ng garden, naghintay ako ng 30 minutes akala ko babalik siya kaya pumunta ako ng garden pero wala siya at nakita ko na lang na nakabukas ang gate." Paliwanag nito.
"f**k!" Iyon na lang ang nasabi ko bago ibinaba ang linya.
May bigla na lang nagpop-up sa utak ko, dahilan para mandilim ang paningin ko. "She just wait me to leave, so she can plan to leave me."
"She still going to new zealand?"
Humarap ako sa mga tauhan ko. "I know that Chiara is here in the airport. Puntahan niyo ang mga airline na papuntang New Zealand. Find her and bring her to me, now!"
"Yes sir!" Tumalina na ang mga ito.
"f**k!" Sa sobrang galit ko naisuntok ko yung pader na nasa gilid ko.
Hindi ko pinansin ang pagdurugo ng kamay ko, naglakad ako papuntang parking lot.
CHIARA
NAKATINGIN lang ako sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan ko pauwi ng New Zealand, ngayon lang talaga kasi ako nakahanap ng tyempo dahil umalis si Bailey papuntang Palawan.
Buti na lang at nakatakas ako kay manang at sa mga bantay ng buong bahay.
Sa loob ng ilan araw na nasa bahay ako ni Bailey, wala gabi na hindi ako ginagalaw ni Bailey. Kung maglalaban naman ako, tiyak na masasaktan lang din ako sa bandang huli.
Narinig ko na lang na may nag-iingay kaya napatingin ako sa hallway, bigla akong nakaramdam ng kaba ng makilala ko kung sino ang mga nandito. Kahit nakashade na ako tiyak na makikita nila ako.
Paalis na sana ako at pasimple na tatayo ng tumigil sila sa harapan ko. "Ma'am sumama po kayo samin." Sabi ni Mitsuki.
Umiling ako at paatras na naglakad pero nabundol na lang ako sa matigas na bagay at napatingin ako doon, nasa likuran ko din ang ibang tauhan ni Bailey.
"Ma'am pag hindi po kayo sumama, mapipilitan po kami na saktan kayo at pwersahan na ibababa dito sa eroplanong ito." Paliwanag ni Mitsuki.
Nakakarinig naman ako ng bulungan dahil sa nangyayari. Napatingin ako sa kabilang gawi. Pasimple akong tumingin sakanila at mabilis na tumakbo, pero hindi pa ako nakakalayo ng may humablot sakin.
"Ma'am wala na po kayong kawala ngayon. Tara na po." Sabi nito at hinila ako pababa ng eroplano.
Kahit anong pagpupumiglas ko hindi ako makawala, sobrang lakas niya.
"No! What about my things? Let me go!" Pagpupumiglas ko.
Ayoko na maging ganito na naman ang kahihinatnan ng buhay ko.
"Ang ibang kasamahan ko na lang po yung bahala, Ma'am. Ang mahalaga nandito po kayo, kasi sa ngayon po galit na galit si Sir." Paliwanag pa din nito dahilan para kabahan ako. No! Hindi pwede to!
Nang makarating kami sa itim na sasakyan, binuksan niya iyon. Napatingin ako sa taong nasa loob ng sasakyan. Madilim ang expression nito habang nakatingin sakin.
"Get in." Madiin na sabi nito. Umiling ako at umatras, napatingin ako sa likod ko na ngayon ay nakapalibot na ang mga tauhan ni Bailey.
Nagulat na lang ng may humila sa kamay ko dahilan para maumpog ako sa harapan ng pintuan ng sasakyan.
Napadaing ako dahil sa sakit na naramdaman ko, para ako nahihilo dahil sa lakas ng impak ng pagkakaumpog ko.
"Get in! I said!" Galit nito at pwersahan nitong hinila ang kamay ko kahit hindi pa ako nakakarecover sa pagkakaumpog ko.
Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan, isa sa mga tauhan nito ang nagsarado ng pintuan.
"Ahhhh!" Sigaw na gulat ko ng hilahin niya ako papalapit sakanya.
Naiiyak na napatingin ako sakanya pero madilim pa din ang mukha niya.
"T–tama na." Nagmamakaawa na sabi ko sakanya.
Naramdaman ko na lang na may likido na tumulo sa noo ko. Napahawak ako doon at napaawang na lang ang labi ko ng makita ko kung ano ito. D–dugo!
Tumingin ako sakanya. "B–bailey. Please t–tanggalin mo yung dugo sa noo ko." Natatakot na sabi ko.
May dumampi na malambot na tela sa noo ko. Tahimik lang ako na pumikit habang nakasandal sa upuan.
"Hindi ibig sabihin na may sugat ka sa noo, makakaligtas ka na. You will still face your punishment for what you did." Sabi nito.
Kinuha ko sakanya yung panyo ay itinakip iyon sa noo ko, may takot kasi ako sa dugo. Lumayo ako sakanya, pero mabilis niya akong hinila sa bewang upang sobrang mapalapit ako sakanya.
"A–ano ba." Pagpupumiglas ko pero parang wala siyang narinig.
Tumingin ito kay Manong Lodae. "Let's go, Manong." Utos nito.
Tumango lang si Manong Lodae at pinaandar ang sasakyan. Sinusubukan ko pa din na umusog pero hinahapit niya pa din ako papalapit sakanya. Napabugtong hininga na lang ako dahil kahit anong pilit ko, hinihila niya pa din ako papalapit sakanya.