VINCE
Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago `ko pinindot ang doorbell na nasa harap ko. Agad namang lumabas si sir at niyaya akong pumasok. Hindi ko maiwasang mamangha sa karangyaang nakikita ko. Bawat sulok ng bahay nina sir Marjon ay nagpapahiwatig ng karangyaan. Kumpleto sa kagamitan ang sala at tila nag-aanyaya ang mga iyon na haplusin ko. Bibihira ang pagkakataong makapasok ako sa ganoon kagandang tahanan. Pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang palasyo o `di kaya ay hotel na pawang mga artista at mayayamang tao lang ang may kakayahang magpunta.
Bago pa man tuluyang maglimayon ang mga mata ko sa kagandahang nasa harap ko ay naramdaman kong hinila na ko ni sir Marjon paakyat ng hagdan. Humantong kami sa isang pinto na hinuha ko ay siyang silid ni sir.
Kung maganda ang sala ng bahay nina sir, maganda rin siyempre ang silid niya. Tila nag-aanyaya ang malambot na kama na higaan ko. Sigurado akong kumportable ang pakiramdam ng matulog sa ganoong uri ng higaan. Bagay na hindi ko pa nararanasan.
Napapitlag ako nang isara ni sir Marjon ang pinto at humarap sa kanya. “Hubad ka na,” anito na malagkit ang pagkakatitig sa akin. Sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin, para na rin niya akong hinuhubaran.
“Pahiram ng tuwalya at maliligo muna ako, sir.” Sa wakas ay nahanap ko rin ang boses ko na akala ko ay tinakasan na `ko.
Mabilis namang nagtungo si sir sa lagayan niya ng mga damit at saka inabot sa `kin ang tuwalyang hindi pa nagagamit. Mabango iyon at halatang pang mayaman. Tahimik na pumasok ako sa banyong itinuro ni sir na nasa loob lang din mismo ng silid niya.
Hindi ko maiwasang isipin na ang unfair talaga ng mundo. Bakit hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng access sa maayos at malinis na palikuran tulad na lang ni sir? Malaki ang banyo niya at sa tingin ko ay pwede na ring gawing kwarto dahil sa sobrang laki. Samantalang ang palikuran sa bahay namin ay masikip at gawa lang sa tagpi-tagping kahoy.
Naghubad ako ng mga damit at saka tumapat sa ilalim ng dutsa. Nakapikit ang mga mata ko habang hinahayaan kong umagos ang malamig na tubig sa katawan ko. Bagama’t labag sa loob ko ang gagawin ay pinili kong itimo sa isip ko na ito lang ang mabilis na paraan para magkaroon ako ng pera.
Matapos maligo ay lumabas na `ko na nakatapi lang ng tuwalya. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni sir pagkakita sa `kin. Bagama’t labing-walong taong gulang pa lang ako ay malaki na ang katawan ko dahil batak iyon sa pagta-trabaho kapag wala ako sa loob ng paaralan.
Tahimik na umupo ako sa gilid ng malambot na kama at hinintay na lumapit si sir sa akin. Hindi rin naman nagtagal at kusa na siyang naglakad palapit sa `kin at saka lumuhod sa harap ko.
Itinukod ko ang magkabilang kamay ko sa malambot na kama at marahang pumikit nang maramdaman ko ang mga kamay ni sir na unti-unting tinatanggal ang pagkakabuhol ng tuwalya sa bewang ko.
May panggigigil ang ginawang pagdakma ni sir sa p*********i ko. Noong una’y nagtaas-baba lang muna ang kamay niya sa kahabaan ng p*********i ko at nang tumigas ay dahan-dahan niyang isinubo ang ulo niyon at saka pinaglaruan gamit ang dila niya.
Napapasinghap ako sa tuwing tatamaan ng labi o dila ni sir ang maliit na hiwa sa pinakaulo ng p*********i ko. Aminin ko man o hindi, nasasarapan ang katawan ko sa ginagawa ni sir.
Patuloy ang ginawang pagtaas baba ng ulo ni sir sa harapan ko habang napapahigpit naman ang hawak ko sa mattress ng kamang kinauupuan ko. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pamumuo ng kung anong bagay sa puson ko hanggang sa unti-unti ay nanigas ang mga paa ko kasabay ng pagbulwak ng masaganang katas ko sa loob mismo ng bibig ni sir.
Tila tuwang-tuwa naman ang baklang teacher dahil sinimot pa niya ang kahuli-hulihang katas ng p*********i niya. Matapos iyon ay hinawi ko si sir at muling pumasok ng banyo para linisin ang katawan. Paglabas ko ng banyo ay nakabihis na `ko at nag-aabang naman si sir sa `kin.
“Kapag kailangan mo ulit ng pera, sabihan mo lang ako,” anito bago inabot sa akin ang isang libong piso na mabilis ko namang ipinasok sa loob ng shorts na suot ko.
Nagpaalam na ako at tahimik na lumabas sa marangyang bahay na `yon. Habang nasa daan ay pinilit kong iwaksi ang nangyari kani-kanina lang. Walang puwang para sa `kin ang pagsisisi. Ginawa ko iyon dahil wala naman akong ibang pagpipilian.
Mabibilis ang mga hakbang ko dahil tuluyan nang kumagat ang dilim. Kailangan ko nang makauwi. Pero bago ako tuluyang umuwi ay dumaan muna ako sa isang kilalang kainan sa lugar namin. Bumili ako ng mga paboritong pagkain ni lola—spaghetti at siopao.
Nang hawak ko na ang mga order ko ay masayang naglakad na `ko pauwi.
“Hello lola!” masayang bati ko sa kanya pag-akyat ko sa jeep na siyang naging tahanan na namin sa nakalipas na dalawang taon.
“Oh, apo dumating ka na pala,” nakangiti ring bati ni lola na saglit na itinigil ang paghihiwa ng mangga. Iyon na naman marahil ang uulamin niya. Kinuha ko ang platong nasa kandungan niya at ipinalit ang plastic na hawak ko.
“Avance happy birthday, `la,” aniya bago naupo sa tapat nito. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni lola nang makita ang laman ng supot. Pero mayamaya lang ay nagsimula ring mag-ulap ang mga mata nito dala marahil ng pinaghalong saya at lungkot. Matagal na panahon na rin kasi mula nang huli niya itong mabilhan ng masarap na pagkain.
“Maraming salamat dito, apo. Halika’t saluhan mo ako,” anitong inabot pa sa kanya ang styro.
Agad namang tumanggi ako at nagdahilang kumain na bago pa man umuwi. “Para po talaga sa inyo `yan, `la. Tapos bukas, bibili ako ng ice cream! `Di ba paborito mo ang ice cream?” nakangiting tanong ko sa kanya.
Agad namang tumango siya.
“Sige na `la, kumain ka na at ako naman ay pupunta muna sa likod bahay.” Magpapakain pa kasi ako ng mga baboy at manok na alaga ng ama-amahan ko pero ako naman ang laging nag-aasikaso.
Bukod sa pagpapakain ng mga alagang hayop ay kasama rin sa trabaho ko ang paghuhugas ng mga plato, paglilinis, pag-iigib ng tubig at pati na paglalaba. Kung tutuusi’y may anak na babae ang bagong kinakasama ng nanay ko na hindi naman nalalayo ang edad sa ko pero ayaw utusan ni nanay at ng kinakasama niya.
Minsan ay gusto kong magreklamo pero pinipili ko na lang manahimik dahil nang huling magreklamo ako’y ilang sapak ang tinamo ko sa ama-amahan ko. Kung ako rin lang, kaya kong tanggapin ang lahat ng suntok at tadyak na dadapo sa katawan ko. Pero hindi ko kayang tiisin ang lungkot at lihim na pagtangis ng lola ko sa tuwing binubugbog ako ng walangyang kinakasama ng nanay ko.
Kaya sa halip na magreklamo, natuto na lang akong manahimik. Alang-alang sa lola ko. Iniisip ko na lang na makakaalis rin kami sa lugar na `to. At kapag dumating ang araw na `yon ay magpapakalayo-layo kami ni lola at hindi na muling babalik.
Pero sa ngayon, kailangan ko na munang gawin ang mga dapat kong gawin bago pa man makauwi si Lucio na tiyak na galing na naman ng inuman. Pero bago ako tuluyang pumunta sa likod bahay ay maingat na itinago ko ang natirang pera na binigay ni sir Marjon sa `kin kanina. Isinilid ko iyon sa malinis na lata ng sardinas at saka inilibing sa lupa malapit sa isang likurang gulong ng jeep.
Kapag may pera ako ay hindi ko na iyon tinatago sa loob ng jeep dahil may pagkakataong bigla na lang pumapasok doon ang ama-amahan ko at naghahalungkat sa mga gamit ko.
Mayamaya ay narinig ko na ang pagsigaw ng tila lasing na si Lucio. Tinatawag nito ang nanay ko. Tumakbo na ko papunta sa likod bahay at saka hinanda ang pagkain ng mga alagang baboy at manok.
Saktong naghuhugas na ko ng kamay nang maramdaman kong may kamay na bumatok sa `kin. “Ikaw, kung saan-saan ka na naman nagpupunta! Bakit ngayon mo lang pinakain `yang mga alaga ko, ha?! Naglakwatsa ka na naman, noh?!” malakas na bulyaw ni Lucio sa `kin.
Hindi ako umimik dahil siguradong hahaba lang ang dayalogo kaya ipinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas ng kamay.
“Aba’t hindi ka man lang sumasagot na tarantado ka!”
Akmang pagbubuhatan niya ako ng kamay pero mabilis na nakailag ako. Ayokong magkaroon ng black eye sa mismong araw ng birthday ni lola. “Hindi ako naglakwatsa. At saka ginagawa ko naman ang mga inuutos mo,” mariing sagot ko.
Namula ang mukha ni Sergio at akmang susugurin ulit ako pero mabilis rin uli ako nakalayo sa kanya. “Aba’t tarantadong `to! Sinasagot-sagot mo na ako ngayon, ha?”
Eh, sira pala ang tuktok ng isang `to, eh. Kapag nananahimik ang tao, magagalit. Kapag naman sinagot, nanggagalaiti rin sa galit.
Sa halip na patulan ang kalasingan nito ay naglakad na `ko papasok ng bahay para harapin ang mga hugasing plato. Patuloy pa rin ang pagbubusa ni Lucio pero sa pagkakataong iyon ay ang nanay naman niya ang pinagdidiskitahan nito. Nagbubulyawan ang mga ito sa kwarto na mayamaya lang ay dagli rin namang natahimik. Alam ko na kung saan nauwi ang pagbabangayan ng mga ito.
Sanay na `ko na konting lambing lang ni Lucio ay bumibigay na ang nanay ko. Hindi ko lubos na maunawaan kung ano ang nakita ni nanay sa lalaking `yon. Ibang-iba si Lucio sa namayapa kong ama na mabait, mapag-aruga at masikap sa buhay.
Madalas naiisip ko, kung hindi marahil maagang namatay ang tatay, hindi siguro ako makakaranas ng pagmamalupit ng ibang tao. Hindi sana kami natutulog ni lola sa lumang jeep na `yon. At hindi ko rin sana ginawa ang ginawa ko kanina para lang magkapera.
Pero wala, eh. Ito na ang buhay ko ngayon. At wala na akong magagawa kundi yakapin ang kung ano mang mayroon ako sa ngayon. Pero isinusumpa ko, balang-araw, magiging maayos rin ang buhay ko. Mabibigyan ko rin ng magandang buhay si lola. Balang-araw.