Mabilis ang mga kilos ni Belle. Sunod-sunod niyang ikinakarga ang mga personal na gamit niya sa overnight bag niya. Sinisiguro niya na ni isa, wala siyang maiiwan sa mga gamit niya sa impiyernong bahay na iyon. She was done being the good and understanding wife. If Zyrone didn’t want her anymore, then she’ll just leave and move on with her life. Sa totoo lang dapat matagal na niya iyong ginawa. Kaso nga lang, bulag siya. Tanga. Naniwala siya na sa pamamagitan ng pagtitiis niya sa piling ng asawa sa kabila ng magaspang na turing nito sa kanya, magagawa niyang ayusin ang gusot sa pagitan nila. She thought that throwing herself away completely would’ve done the job. But she was so wrong. Stupidly wrong! Zyrone has moved on… with Grace. She sobbed as another batch of tears fell from her

