Tulala si Belle habang tinatanaw niya ang kadiliman ng gabi sa may bintana. Nasa ospital pa rin siya at naka-confine. She had been there for more than a day now. But the doctors said she needed to stay there for a few more days for observation. Isa pa, kailangan daw niyang magpalakas. Malakas sa pandinig niya ang mabibilis na yabag sa labas ng kuwarto niya, ang mahihinang pag-uusap ng mga kung sino, pati ang pagtiktak ng orasan sa dingding, naririnig din niya. Maingay ang paligid subalit tila wala siyang naririnig. Nalulunod kasi siya. Nalulunod siya sa mga kaganapan ng nakaraang araw na paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Ang nasaksihan niyang paglabas ni Grace sa kuwarto ni Zyrone na halos hubo’t-hubad. Ang mabilis niyang pag-eempake ng mga gamit niya. Ang pagpirma niya sa disc

