"Wow! Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko!" sabi ni Katarina habang pinagmamasdan niya ang tanawin mula sa kinaroroonan nilang restaurant. Overlooking kasi ito sa dagat. Saka nakikita rin niya ang mga luxury yacht na dumadaong doon. At hindi lang yan, nakikita rin niya ang mga seagull at seal sa dalampasigan na tila naghahanap ang mga ito ng makakain. "Ang linis ng Bay nila dito." magiliw niyang saad kay Zech. Tinutukoy niya ang Monterey Bay kung saan sila naroroon. Napangiti naman sa kanya ang lalaki saka tinanggal nito ang suot na sunglasses. Whoah! Ang gwapo talaga ng mokong! "You're the only woman I've ever met who'd prefer to eat in a flophouse than a five-star restaurant." he said, picking her hand up. "I didn't say I'd prefer it. Eh baka ako pa ang sisihin mo pag sumam

