"I should have a word with your boss, young lady. Bourdeux works you too damn hard." Napatakip kamay si Katarina sa bibig niya habang napapahikab siya sa harapan ni Mr. Winchester. Siguro napansin din kasi ng matanda na halos wala na siyang pahinga sa pagtatrabaho. "Really, I'm fine." sabi niya at napapahikab ulit siya sa harapan nito. "You two working late again last night?" tanong ng matandang hotelier. Bigla namang namula si Kat sa tanong nito. Agad niya kasing naisip ang ginawa nilang strip poker kagabi ng kanyang boss na humantong sa pagniniig. At dahil napuyat siya ng todo sa ginawa nila na umabot hanggang sa madaling araw kaya hanggang ngayon ay inaantok pa siya. "We weren't up all that late." sabi nalang niya. Namilog ang mga mata ng matanda, mukhang hindi yata naniniwala

