Chapter 11

2118 Words
Xenon's POV It's been a week at isang linggo rin akong absent sa school. Ngayong araw lang ako pumasok at Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko sa bag ko dahil kakatapos lang ng dalawang klase namin kaya 30 minutes break na. "Anong bibilhin mo?" Tanong ni Alex na nakatayo sa harap ko at inaantay akong matapos. "Wala pa tayo sa canteen nagtatanong ka na." Halata talagang patay gutom. Malay ko ba kung anong available sa canteen. They often change menus. "Mukha ka kasing walang kabuhay-buhay, chinecheck ko lang kung may kaluluwa ka pa ba." Pang-aasar niya pa. "Tigilan mo ako, alam nating lahat na takot ka sa kaluluwa." Multo kumbaga. "Edi wow." Kinuha ko ang wallet at cellphone ko sa bag ko nang at tumayo. "Tara na." Inakbayan ko si Alex at naglakad na kami palabas ng classroom. "Sasabay daw sa atin si Naomi pati Mitch. Nag-aalala 'yong dalawa eh." Alam na rin ni Mitch ang about kay Momo. Chismoso kasi 'tong si Alex eh. "Ah, okay." Pagkarating namin sa canteen ay nandoon na sila Naomi and Mitch. Nag-reserve na rin sila kaagad ng upuan para sa amin. "Hi, babe." Alex said to Mitch and kissed her on her cheek. Umupo siya sa tabi ni Mitch at ako naman ay umupo sa tabi ni Naomi. "Nag-order na kami for you guys. Baka kasi mahaba na 'yong pila mamaya." Mitch said. "Aw, thanks babe." Pagpapabebe ni Alex kay Mitch and she just smiled at him. "Maya-maya dadating na 'yon." Naomi said and I just nod. "May plano ka na?" Tanong ni Alex sa akin. "Huh?" I asked. "Kay Momo." Sagot naman ni Naomi. "Wala, ano namang magagawa ko doon." "Anong wala? Hindi pwedeng wala." Alex said. "May boyfriend na si Momo." "HUH?!" Malakas na sigaw nilang tatlo dahilan para pagtinginan kami ng mga tao sa paligid. "Umayos nga kayo." Pagsaway ko sa kanila. "Totoo ba?" Mitch asked and I just nod. They all look devastated for me. "Anong number tayo?" Tanong ko kay Naomi bilang pag-iiba ng usapan. "27 kuya." May number kasi na lumalabas sa TV screen dito sa canteen para alam ng students kung ready na ang order nila o hindi pa. Speaking of TV, naalala ko nanaman si Momo. I miss her so much. "Sabi ni mommy, mukhang fully recovered na raw si Momo. Parang miracle nga raw eh." Naomi said. It is really a miracle. Even her coming into my life was like a miracle. Sino ba naman ang mag-aakalang magkakagusto ako sa isang multo. "So, kailan siya makakalabas?" Tanong ni Mitch. I'm glad she asked kasi yun din ang gusto kong malaman. "Bukas daw papasok na eh." "Bukas? Eh kaklase namin yun eh." Oo, kaklase namin siya ni Alex. "Kunin ko lang foods natin." Sabi ni Alex nang lumabas na ang number namin sa TV screen. "Sino raw ba ang boyfriend?" Tanong ni Mitch. "Someone named Steven Fuentez." Sagot ko. "Si Steven Fuentez? Yung gwapong si Steven?!" Naomi and Mitch said in chorus. "Grabe, naka-big time naman pala si Momo mo kuya." "Big time rin naman siya sa akin ah." Sabi ko sabay hawi pa ng buhok ko at nagpapogi. "Sa ngayon hindi. Bago ka pa lang dito sa school." "Wala akong pake, mas matangkad naman ako doon." Hindi gaano pero mas matangkad ako doon sa Steven. "Hindi ka naman naalala ni ate Clara." Naomi joked at agad ding nagpeace sign sa akin. I'm not mad or offended kasi totoo naman. Hindi niya naman talaga ako naaalala. "I think you should know first if she really loves Steven." Mitch said. "Oh, pagkain niyo." Isa-isang iniabot ni Alex yung mga pagkain sa amin. He gave me a burger and a small coke. "Malamang mahal niya yun kaya niya nga naging boyfriend." Naomi answered Mitch. "Hindi lahat ganoon." I hope. "Ganoon ka naman sa akin 'di ba babe?" Pagpapapbebe nanaman ni Alex kay Mitch. "Oo naman ano. Mahal kita." Mitch answered at parang bigla namang naghugis puso yung mga mata ni Alex. "Baka fake hope lang 'yan." I said. "Kapag hope, hope yun. Walang fake hope." "Oo nga kuya, malay mo lang naman." Sana nga. Hindi ko naman kasi itatangging umaasa pa rin akong maalala ako ni Momo kahit na parang medyo imposible. Mahal ko siya at hindi mawawala yun. "Eat up or we will all be late for our next subjects." I said. Pagkatapos naming kumain ay nagsibalikan na kami sa kanya-kanya naming mga classroom. Malapit na kami ni Alex sa classroom namin at papasok na sana nang biglang lumabas si Steven mula sa loob. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman namin siya kaklase. "Si Steven yun hindi ba?" Alex asked and I nod. I wonder what he is doing inside our classroom. Pumasok na kami sa loob at agad na umupo sa mga upuan namin dahil nandoon na yung teacher pagkarating namin. "Okay, everyone. Listen!" Mr. Llanera said. "As you all know, may hindi magandang nangyari kay Clara kaya hindi siya nakakapasok, but now I am very glad to say that she is okay and fully recovered. According to Mr. Fuentez, papasok na ulit siya sa school starting tomorrow." I already know that. "So I am asking you guys to be gentle to her. Don't ask too many questions dahil yun ang request ng family niya para sa kaniya. Naiintindihan niyo ba ako?" "Yes, sir." We all said in chorus. I wonder what will be our first conversation be like. Maybe it will be me asking her about what time it is. I'm worried and anxious. She doesn't remember me at all, so I don't know what will happen. That's my goal, for now, to talk to her. "Good, now let's proceed to topic number two." Naomi's POV Kakatapos lang ng klase namin at nandito ako ngayon sa bahay nila Kenjay. May project kami na by pair at napagkasunduan naming simulang gawin yun today. Remember Kenjay? Siya yung manliligaw ko. One week pa lang siyang nanliligaw sa akin. Gusto ko na rin naman talaga siya bago niya pa ako ligawan, but I want to get to know him more para malaman ko kung talagang compatible ba kami. Ayaw ko kasi na subok lang, gusto ko seryosohan. "So, paano ba natin 'to sisimulan?" Tanong ko. "First, komportable ka ba?" He asked. "Um, oo, komportable naman." Medyo nakakailang lang yung awra ng paligid. Eh kasi naman kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng kwarto niya. Hindi kasi pwede doon sa baba ng bahay nila dahil medyo maingay at may mga bisita sila sa bahay. "Wait, lang ah." May nag-chat kasi sa akin. "Sure, prepare ko lang mga gagamitin natin." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa carpet at umupo sa sofa para lumayo ng kaunti. Binasa ko yung chat at si Alex lang pala. Nag-send siya ng nakakatawang video sa group chat namin nila kuya at Mitch kaya napabungisngis ako. Iyon ang role niya sa group chat namin eh. Taga-send ng memes at kalokohan. "Who's that? If it's okay to ask." Kenjay asked. "Ah, si Alex." "Alex?" "Yeah, bestfriend ng kuya ko." "Lalake?" Tanong niya at tumango naman ako habang nag-rereply pa rin dahil nakikipagbardagulan na sila sa group chat namin. "Ah." Tiningnan ko si Kenjay at mukhang nagseselos ata. Nakasimangot kasi eh. "Selos ka?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. "Syempre." I didn't know honesty can look cute. "Gusto kita eh." He added. "May girlfriend na 'to, si ate Mitch atsaka matagal na sila. Hindi ko rin 'to type, kadiri." Sabi ko at parang bigla namang lumiwanag ang mukha niya. "Okay po." Nakangiti niyang sagot. "Ang cute mo." "Naomi naman." Pabirong nahihiya niyang sabi. "Sana pala matagal na akong bumalik dito sa Pilipinas para nakilala kita kaagad." Ako nga ata yung unang nagkagusto sa aming dalawa eh. Napakakaakit-akit naman kasi ni Kenjay. Kumbaga kapag maraming tao, siya agad ang una mong makikita o mapapansin. Matangkad, moreno, medyo singkit, straight at bagsak ang buhok tapos tahimik kaya mukhang masungit noong una. "It's fine, I think this is the perfect time for us" He answered. "I agree. Start na tayo." Lumapit at umupo ulit ako sa carpet sa tabi niya. Kinuha ko ang isang gunting then I started cutting some flowers. Yung gagawin kasi namin ni Kenjay ay final project namin for oral communication. Binigay agad sa amin ang project kasi scrapbook ang pinapagawa at dapat mapuno iyon ng memorable pictures namin with our partner hanggang sa matapos ang buong semester. Cute right? "Do you want to go to the farm on Saturday?" Kenjay asked. "Farm?" "Yeah, we have a farm. Para may malagay tayong picture dito sa scrapbook. Do you want to go there with me?" "Yeah, sure. I'd love to." I answered and he smiled. "Let's make our first scrapbook memory." Na-excite naman ako bigla. "I'll introduce you to Poppy." "Poppy?" Tanong ko dahil first time kong marinig ang pangalan na yun. Is that his dog or his cat? "My little brother." He answered. "How old is he?" "He just turned five." "Aw, I bet he is so cute." "He is." "You're cute." Pagbanat ko then he giggled. "Stop, I should be the one na nagpapakilig sa'yo. Ako ang nangliligaw eh" He said. "Kinikilig naman ako ah." Totoo naman eh, magkadikit nga lang ang mga balat namin ay kinikilig na ako. Nagpatuloy na ako sa paggugupit ko habang siya naman ay nagdidikit ng kung ano-ano sa scrapbook. Hindi ko na binabantayan kung ano ang ginagawa niya sa scrapbook dahil may tiwala naman ako sa creativity skills niya. Mukhang mas magaling pa nga siya sa akin. Xenon's POV "Pakibilhan din ako ng face wash ko, naubos na eh hehe" Message ni Naomi sa akin. Inutusan kasi ako ni mommy at may mga pinapabili siya sa akin sa mall kaya nandito ako ngayon pagkatapos ng klase namin. Wala rin naman akong magawa sa bahay kaya sumunod na rin ako kaagad. I also need a distraction, but then I remembered that thisis the mall where I first met Momo. Pagkatapos kong bilhin ang pinapabili ni Mommy at Naomi ay naglakad-lakad pa ako sa mall dahil ayoko pang umuwi hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa isang shop sa mall na puro mga cute na bagay ang mga tinitinda sa loob. Tumingin-tingin ako sa mga gamit at halos lahat ay pangbabae. Ang daming pwedeng bilhin pero may isang nangibabaw sa paningin ko. Yung kumikinang na hair clip na hugis buwan. Napangiti ako nang ma-imagine kong suot yun ni Momo. "Miss, magkano 'to?" Tanong ko sa babaeng nagbabantay. "100 pesos po sir." "May maliit ba kayo na box na pwedeng paglagyan niyan?" Tanong ko. "Meron po sir. Blue, red and black lang po ang available." The girl said. "The red one please." It's Momo's favorite color. Nag-abot ako ng bayad sa babae at kinuha na yung binili ko. "Thank you po." "Thank you, have a nice day." I smiled, then left. I just bought a hair clip for her, but I don't know how can I give it to her. Palabas na ako ng mall nang may mapansin akong pamilyar na lalaki. Nilingon ko kung sino pero nawala naman bigla. He looks like Momo's boyfriend, but she's with a girl that I don't know kaya baka hindi siya yun, baka kamukha niya lang. Hindi ko na pinansin pa iyon at tuluyan nang lumabas at sumakay sa kotse ko at nagbyahe pauwi. May pasok pa ako bukas at bukas ko na rin ulit makikita ulit si Momo kaya medyo kinakabahan ako. I just hope that she is completely okay. Yun lang siguro at okay na ako. I miss her. Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Naomi. "Iyong pinapabili ko?" Tanong niya. "Hi, kuya." Sarcastic kong sagot sa kaniya. Hindi man lang ako binati at yung pinapabili niya kaagad at tinanong niya. "Sorry na, nasaan na yung face wash ko?" "Here." Iniabot ko ang pinabili niya sa akin at kinuha niya iyon agad at tumakbo na paalis.Hindi man lang nagpagsalamat. Napailing na lang ako at umakyat ng kwarto ko. Itinabi ko rin kaagad sa bed side table ko ang naka box na binili kong hair clip para kanina para kay Momo. Humiga ako sa kama at tiningnan ulit yung f*******: and i********: account niya. sa puntong 'to ay naging stalker na ako. I just want to check on her at wala pa ring nagbabago mula noong huling check ko. "She's so beautiful." Lalo na kapag nakangiti. I screenshot every picture of her on her i********: without even realizing it. I can't help it, I'm in love with her. Wala rin kasi akong nakuhang picture nung kasama ko siya kahit solo shot niya man lang dahil hindi naman siya nakikita sa camera. I'll finally see her again tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD