Xenon's POV
Kararating lang namin ni Momo sa bahay at ihahatid ko na sana siya sa taas nang tawagin naman ako ni Naomi.
"Kuya!"
Naomi shouted.
"Oh bakit?"
"Aalis ka ulit? "
Tanong niya at tumango lang ako bilang sagot.
"Eh bakit hindi ka na lang dumiretso?"
"Ah naiwan ko kasi yung wallet ko sa kwarto."
Sagot ko at tumango-tango lang siya.
"Why?"
"Wala lang natanong ko lang.. pero pwede mo na rin ba akong bilhan ng pagkain?"
Aba kaya naman pala.
"Sige."
"Ingat paalis."
Nakangiti niyang sabi at lumayo na sa akin. Ang bait ata ng kapatid ko ngayon. Mukhang nasapian.
Umakyat na kami ng kwarto ni Momo at pagkapasok ko ay agad niyang binuksan ang TV.
"Momo you can't watch TV when I'm not here. Baka marinig nila mommy."
I said to her.
"Oo nga pala, pero anong pwede kong gawin dito?"
Tanong niya kaya naman kinuha ko yung luma kong coloring book at nilapag yun sa harap niya.
"Coloring book?"
She asked and I nod.
"Ano ako bata?"
Reklamo niya at napatawa naman ako.
"Maybe you are today."
Nakangiting sagot ko sa kaniya at naglakad palabas. Baka kasi umangal pa kaya hindi ko na binigyan ng chance. Madaldal pa naman yun.
Pumasok na ako ng kotse at nag-drive pabalik sa lugar na yun.
Napansin ko kaagad yung mga taong nakatumpok sa isang gilid ng kalsada.
May event ba? Wala namang yata? Baka gusto nila tingnan yung lights o ewan. Mas maganda na rin siguro 'to. Mas maraming tao, mas marami akong mapagtatanungan.
Bumaba na ako sa kotse dala ang cellphone ko at nagsimulang magtanong-tanong.
"Excuse me, um, nakita niyo na po ba siya?"
Tanong ko sabay pakita ko ng picture ni Momo sa cellphone ko sa isang lalake. Sobra nga makatingin sa picture ni Momo eh.
"Her name is Ara, baka kilala niyo po?"
Tanong ko ulit habang pinagmamasdan niya ang picture ni Momo.
"Ah minsan lang din kasi akong mapunta dito eh magtanong ka na lang sa iba"
Sagot niya.
Hindi naman pala kilala pero kung makatitig malagkit.
"Sige po salamat."
Lumapit ulit ako sa isa pang tao, babae naman this time.
"Excuse me, nakita niyo po ba siya?"
Sabay pakita ko ulit ng picture ni Momo sa kanya.
"Hindi eh."
Another one...
"Ma'am nakita niyo na po ba siya?"
"Sorry, hindi eh."
And another one...
"Excuse me nakita mo na po ba siya before?"
"No."
Hanggang sa matanong ko na lahat ng tao ay wala akong ibang natanggap na sagot mula sa kanila kundi hindi. Wala kahit isa sa kanila ang nakakakilala o nakakita na kay Momo.
Finding Momo is honestly harder than I expected but I will not give up.
Momo's POV
Na-excite ako nang bumukas na yung pinto ng kwarto. Akala ko kasi si Xenon na ang dumating yun pala si Naomi, yung kapatid niya.
"Omg, this is so weird na talaga. The TV is on again? Hindi naman kuta ginagawa 'to eh."
Oo, hindi nanaman ako sumunod kay Xenon dahil mas gusto kong manood ng TV kaysa sa magkulay-kulay atsaka mas creepy for Naomi kapag naabutan niyang lumulutang yung crayons 'no. Okay na yung TV lang ang nakabukas.
Lumapit si Naomi sa harap ko at kinuha ang remote na hawak ko pagkatapos ay pinatay ang TV.
"Save electricity."
Sabi niya pa.
Nanonood pa kaya ako! Tsk.
Naglakad siya papunta doon sa mga gamit ni Xenon at nadaanan niya yung paper bag ng damit na bigay sa akin ni Xenon.
Kinuha niya yun at tiningnan yung loob.
"Walang laman."
Komento niya.
Walang laman kasi suot ko na.
Binalik niya na ulit yung paper bag sa dating ayos nito pagkatapos ay lumabas na rin siya sa loob ng kwarto.
Sa paglabas niyang yun ay saktong pumasok naman si Xenon kaya medyo nagkagulatan silang pareho.
"Little f**k!"
Sigaw ni Xenon sa gulat at napahawak pa sa dibdib niya.
"What are you doing inside my room?"
Xenon asked to Naomi.
"Um... ano? May tiningnan lang"
"Ano naman?"
Nakapamewang na tanong ni Xenon at medyo matagal bago nakasagot si Naomi.
"Akala ko kasi dito ko naiwan yung notebook ko eh."
"Paano mo naman maiiwan kung hindi ka naman pumapasok dito dati?"
"Pumasok kasi ako dito nakaraan."
Halatang nagpapalusot siya.
"Why?"
Tanong ni Xenon.
"Ah basta!"
Sagot ni Naomi sabay takbo palabas ng kwarto.
Napailing-iling nalang si Xenon at sinara yung pinto.
"Bakit ang tagal mo?"
Tanong ko sa kaniya.
"Ah traffic kasi, inaantay mo ako?"
"Hindi 'no. Bakit naman kita aantayin?"
Sagot ko sabay irap ko kanya.
"Hey I'm just asking. Bakit nagtataray ka nanaman d'yan?"
"Wala."
Kinuha ni Xenon yung remote ng TV at binuksan ulit.
"Sorry kung natagalan."
Sabi niya bago pumasok sa loob ng bathroom kaya napangiti naman ako.
He can really be sweet sometimes.
Sweet nga ba talaga? O sadyang kinikilig lang talaga ako sa sinabi niyang yun?
Lumalakas yata ang tama ko kay Xenon habang tumatagal. Ang babaw na ng kaligayahan ko kapag tungkol sa kaniya eh.
Makalipas ang sampung minuto ay naramdaman kong palabas na siya sa loob ng bathroom kaya naisipan kong gulatin siya.
Pumwesto ako sa gilid habang nagpipigil ng tawa at nang buksan niya ang pinto ay bigla akong sumulpot sa harap niya.
"Booo!"
I shouted with a big smile on my face.
"Mommy!"
He shouted.
He literally jumped and ran back inside the bathroom. He even locked it. Nasobrahan ata sa takot.
Ako naman ay malakas na tumatawa habang nakahawak pa sa tiyan ko.
Ginulo ko kasi yung maikli kong buhok para mas nakakatakot at mukhang effective naman.
Kanina pa ako tumatawa pero hindi pa rin siya lumalabas kaya medyo nag-alala ako so I knocked on the door.
"Hoy kalma, ako lang 'to."
Pareho lang pala sila ni Alex na matatakutin eh.
"Hoy, it's me, Momo."
Pagkatok ko ulit at unti-unti namang bumukas ang pinto.
"Nasaan na?"
Tanong niya.
"Ang alin?"
"'Yung multo."
He whispered.
"Sira! Ako lang yung multo este spirit dito sa bahay niyo 'no."
Wala naman akong nakikitang iba.
His face looks so scared. Medyo nakonsensya tuloy ako but at the same time ay natatawa pa rin ako.
"So, ikaw yung kanina?"
Biglang pagsusungit niya.
"Ops sorry."
I chuckled.
Masamang nakatingin lang siya sa akin nang bigla niyang hawakan ang ilong ko at pinisil yun.
"Aray!"
Masakit ha.
Kahit spirit ako nararamdaman ko pa rin yun basta nakikita ako nung humawak sa akin.
"Ikaw na ata ang pinakamakulit na multo. Mas makulit pa sa mga batang multo."
He said and finally let go of my nose.
He smiled at me kaya napangiti na rin ako. Napakaganda naman kasi ng mga ngiti ni Xenon at talagang nakakahawa.
Xenon's POV
Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko bago bumangon mula sa masarap na pagkakahiga sa kama.
Nakapikit akong tumayo sa at naglakad papunta sa table kung saan may bottled water.
Pilit kong iminulat ang mga mata ko mula sa antok at uminom ng tubig pero agad ko rin yung naibuga nang mapalingon ako sa direksyon ni Momo.
Kung maputla siya dati ay mas maputla pa siya ngayon.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at medyo nanginginig pang tinapik-tapik yung braso niya at pilit siyang ginigising.
"Momo? Momo wake up. Momo!"
Sunod-sunod kong sabi pero hindi pa rin siya nagigising kaya naman mas lalo akong nag-alala.
Nagmamadaling binuhat ko siya palabas ng kwarto at sinakay sa loob ng sasakyan. Naisip ko kaagad yung shop na pinuntahan ko noon kung saan ko nakuha ang bracelet na binigay ko kay Momo.
That shop called Middle as it is for those spirits stuck in the middle of life and death just like Momo.
Pagpasok namin doon ay agad ding nataranta yung babaeng nakausap ko doon dati na may-ari ng shop.
"Naku anong nangyari sa kaniya?"
Nag-aalalang tanong niya.
Hindi na ako nagulat na nakikita niya rin si Momo.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya kasi hindi ko rin naman talaga alam kung anong nangyayari.
"Ihiga mo siya dito."
She said na mabilis ko namang sinunod.
Pumwesto siya sa harap ni Momo at huminga nang malamim at hinawakan ang mga kamay nito.
I don't know what she's doing but I hope it will help Momo.
Mga ilang minuto rin yung nagtagal at para akong ewan na nakatayo lang at nanonood sa ginagawa niya habang hindi pa rin mapakaling nag-aalala kay Momo.
Maya-maya pa ay lumapit na siya sa akin.
"Okay na po ba siya?"
Tanong ko.
"Hindi ko masasabing okay na siya iho. Lumalala na ang lagay niya, kailangan niyo nang mahanap ang katawan niya iho."
She answered.
"Po? What do you mean lumalala na siya?"
"Ikinalulungkot kong sabihin ngunit sa tingin ko ay tatlong araw na lamang ang itatagal niya."
Nanlaki ang mga mata ko at halos manghina.
Katulad ng panghihinang naramdaman ko noong sinabi ng mga doktor na hindi na rin magtatagal si Samantha.
Hindi ko na kakayanin pa kapag may nawala nanaman sa akin.
"Bakit ang bilis naman po yata?"
"Dahil malala na ang sitwasyon ng katawan niya."
Sagot niya.
"Pasensya na pero yun lang ang maitutulong ko sa inyo. Bantayan mo na lang muna siya dito at antayin mo siyang magising."
She said and tap my back then left.
Lumapit ako sa tabi ni Momo at hinawakan ang malamig niyang mga kamay para makaramdam siya ng kaunting init.
Nakatitig lang ako sa kaniya nang tumunog bigla ang cellphone ko.
From Alex:
Bakit hindi ka pumasok?
Alex messagd pero hinayaan ko lang muna at pinatay ko muna ang cellphone ko.
Ibinalik ko ang atensyon ko kay Momo at hinaplos ang maikli niyang buhok.
"Don't be scared, I'm here for you."
I whispered.
"Please wake up soon."
Dalawang oras akong naghintay bago siya magkaroon muli ng malay at medyo gabi na rin. Sa paggising niya ay kaagad siyang ngumiti nang makita niya ako at para bang walang nangyari kanina.
She told me that she wants to take a walk kaya nandito kami ngayon sa isang hagdan paakyat sa park.
"Okay ka na ba talaga?"
Nag-aalala pa rin ako.
"Oo nga tingnan mo oh."
Sagot niya at umikot-ikot sa harap ko na parang sumasayaw.
"Anong nararamdaman mo ngayon?"
Tanong ko.
"Um, malamig."
She answered and I sighed.
Namomroblema ako dahil sa tatlong araw na sinabi ng babae kanina at hindi ko pa rin nasasabi kay Momo ang tungkol doon.
"Do you want to do anything?"
I asked.
"Bato-bato pick."
"Bato-bato what?"
Tanong ko at nakapamewang naman siyang lumapit sa akin.
"Hindi mo alam yun?"
Tanong niya at tumango naman ako.
"You are impossible."
Komento niya.
"Ganito kasi yun. Ang bato talo ng papel pero panalo sa gunting."
Pagpapaliwanag niya and even from her hand like a paper, scissor, and stone.
"Ang papel talo ng gunting pero panalo sa bato"
Dagdag niya pa.
Ipinakita niya pa yung kamay niya na parang kamao at kinain naman ng isa niyang kamay na ang ibig sabihin ay papel.
"Gets?"
Tanong niya at tumango naman ako kahit medyo naguguluhan pa rin.
"Kung sino mananalo aakyat sa hagdan tapos paunahan dun sa taas, okay?"
Pagpapaliwanag niya ulit at tumango lang ulit ako sa kanya.
"Bato-bato pick."
She said.
Sa akin gunting at sa kanya naman ay bato.
Nakatingin lang ako sa mga kamay namin dahil medyo naguguluhan pa ako.
"Yehey!"
Sigaw niya sabay hakbang niya sa hagdan paakyat. Siya pala yung nanalo, medyo naiintindihan ko na rin ngayon.
"Bato-bato pick."
She's paper and I'm stone.
Umakyat ulit siya. Parang maiiwan na ata ako dito sa baba.
"Bato-bato pick!"
Sabi niya ulit.
She's stone and I'm paper so I step up because I won.
Paulit-ulit namin yung ginawa at ang ending ay nasa kalagitnaan na siya at ako naman ay nasa baba niya pa rin.
Nang matapos ang paglalaro namin ay siya ang nasa itaas habang ako naman ang nasa ibaba. In short, talo ako at hindi man lang nakabawi.
"Yehey! Panalo ako panalo ako!"
Malakas na sabi niya habang sumasayaw-sayaw pa. Nakatingin lang ako sa kanya with a smile on my face. Para siyang anghel na sumasayaw sa harap ko.
She looks more like an angel rather than a ghost or a spirit.
Maya-maya pa ay bigla akong nataranta nang muli nanaman siyang humawak sa dibdib niya.
My eyes widened at halos malaglag ang puso ko nang makita kong unti-unti siyang naglalaho.
"Xenon!"
She shouted when she saw herself slowly vanishing.
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya, wala akong pake kung madulas o malaglag ako sa hagdan.
I run as fast as I can.
"Momo!"
I shouted.
Malapit na ako sa kanya.
Sobrang lapit.
Mahahawakan ko na yung kamay niya pero hindi ko nagawa nang tuluyan na siyang maglaho.
"Momo!"
Hindi na ako umabot.
Inikot-ikot ko yung paningin ko para hanapin siya pero hindi ko siya makita.
"Momo!"
Muli kong sigaw kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Biglang nanginig ang mga kamay ko at bumilis din ang t***k ng puso ko sa takot.
"Where are you? Momo!"
I shouted again but there's no sign of her.
Fuck, where is she?
Please don't tell me that she's gone forever.
Hindi ko kakayanin.