Xenon's POV
As expected, Momo didn't go to school today. Mabuti na din yun dahil nababalot pa ng mga chismis yung school tungkol sa nangyare. Hindi na nakakapagtaka dahil pareho silang sikat ni Steven.
Walang ibang masyadong nangyare kanina sa klase nung umaga at nandito kami ngayon sa usual kainan namin every lunch. Wala si Mitch ngayon kasi masama daw yung pakiramdam, mahihirapan nanaman ako kay Alex mag hapon.
"Kuya wala kang news kay Clara?"
Naomi asked.
"Wala, ayoko ding kulitin sya baka mainis pa sakin"
Medyo nakakahiya din kasing tadtarin sya ng calls and messages.
"Baka hindi ulit pumasok yun"
Alex said.
"Yeah, I think so"
Sagot ko at nangalumbaba.
"Kawawa nga din baby ko eh, hindi din pumasok"
"Pupuntahan mo mamaya?"
Tanong ko kay Alex.
"Maybe I'll sleep at her place tonight, I'm not sure"
"Sleep lang ah"
Naomi joked.
"Oo naman. May sakit na nga yung tao eh"
Ayos ah, mabait na nilalang.
"Gano na kayo katagal ni Mitch?"
Kenjay asked to Alex.
"5 years"
"Iba talaga si Mitch, tinitiis ka hanggang ngayon"
Pang aasar ko kay Alex.
"Anong tiis? Swerte nga nya sakin. Dami kayang chicks na gusto maging girlfriend ko"
"Bulag lahat"
Pang aasar din ni Naomi sa kanya kaya naman mabilis na kinuha ni Alex yung fries ni Naomi at kinain yun.
"Okay lang. Hati nalang kami ni Kenjay bleh!"
Pareho kasi ng inorder si Naomi and Kenjay kaya pareho din silang may fries.
"Ediwow"
Pagsuko ni Alex.
Kinakapos ng energy kasi wala si Mitch.
"Sinabi pala sakin ni Naomi na pumunta daw kayo sa farm nyo?"
Pag kausap ko kay Kenjay.
I should care a little bit, he likes my sister so I should act like a good brother kahit unti lang just by being involve.
"Um yes. I also introduced her to my grandparents, tito and tita and to Poppy"
Nakangiti nyang sagot sakin.
Muka talagang okay sya, wala akong maireklamo.
"That's nice. Naomi, ipakilala mo na din sya ng maayos kila mom and dad"
"Ang hirap naman kasi ng schedule nila kuya"
Sabagay, lalo na si daddy.
"Set an appointment"
"Okay, I'll tell his secretary nalang"
Ganun ka busy si dad. Minsan nag papa appointment pa kami para lang makasingit sa time nya.
He's a busy man but still a great father and a husband to mommy.
"Is that okay Kenjay?"
Naomi asked.
"Everything is okay with me. Don't worry, I'm not rushing you"
"Aww"
Naomi said.
"Aww"
Pang asar na pag gaya naman ni Alex sa kanya at sinamaan nya lang ito ng tingin. Kelan kaya mag aayos yang dalawa? Baka hindi na.
Pagkatapos naming kumain at mag pahinga ay bumalik na kami sa school. Sa pag balik namin ay nakasalubong namin si Ella. I was about to approach her pero kaagad syang nag iba ng daan nang makita nya ako.
Obviously, ayaw nyang magpaka usap sakin.
"Mukang mahihirapan ka ah"
Komento ni Alex.
"I know"
Maya-maya pa ay humiwalay na kami kila Naomi at nakarating na sa classroom.
Kagaya kaninang umaga ay puro klase lang ang naganap. Bago mag uwian ay may binigay lang na si Sir Suarez na certificate galing dun sa play na ginawa namin. I need that certificate para madagdag sa grade ko yung extra points at the end of the semester.
Pagkatapos ng mahabang klase ay umuwi na kaagad ako. Hindi ko na sinabay si Naomi dahil si Kenjay na daw ang mag hahatid sa kanya.
Maganda din pala na may manliligaw si Naomi, just kidding.
Nang makarating na ako sa bahay, hindi pa ako nakakapark ng kotse ko ay napahinto na kaagad ako nang makita ko si Momo na nasa tapat ng bahay namin.
She's just standing there habang nakatingin sa bahay namin.
Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba ng kotse. Naglakad ako palapit sa kanya at halatang nagulat din dya nang makita nya ako.
"What are you doing here?"
Sabay naming tanong sa isat- isa.
"You go first"
She said.
"That is our house"
Sabi ko sabay turo sa bahay namin na nasa tapat ko lang.
"Oh sorry, I didn't know, promise"
"Then, why are you here?"
Tanong ko sa kanya.
"I don't know. I was just walking hangggang sa dalhin ako ng mga paa ko dito"
Is that another sign? Oh please.
"Do you remember anything when you look at our house?"
Tanong ko sa kanya. Nag babakasali na ang isagot nya ay ang salitang "meron"
"Why do you always ask me that"
"What?"
"If I remember anything"
Oh sht napapadalas na ba? Hindi ko napapansin.
"Do I know you before and I just don't remember?"
Tanong nya sakin.
"I don't know. Do you?"
Pag balik ko ng tanong sa kanya dahil hindi ko nanaman alam kung anong isasagot ko. Ayokong sabihing oo dahil baka mabigla sya at hindi sya maniwala. Kahapon lang din nangyare yung sa kanila ni Steven kaya ayokong mas guluhin yung isip nya.
"Ang gulo mo no?"
Nakangiti habang umiiling nyang sabi.
I missed that smile. Kahit isang araw ko lang hindi nakita.
"Yeah"
I laughed.
"Kamusta ka?"
Tanong ko sa kanya.
"Ewan, hindi ko sigurado"
"I understand"
Wala namang kahit sino ang magiging okay pagkatapos ng nangyare. Hindi ko lang talaga inaasahang makita sya dito.
"Do you want to come in?"
"Um....."
"Meryenda?"
Tanong ko dahil mukang nag aalangan pa sya. I want her to come in and see familiar things to her. Baka makatulong na maalala nya ako.
"Sige"
"Wait here, I'll just park my car"
I said and she just nod.
Bumalik na ako sa loob ng kotse ko at nag park. Ginalingan kong mag park kasi nanunuod sya sakin. Dagdag pogi points pa yun kay Momo.
Pagkatapos kong mag park ay bumalik na ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.
Pinaupo ko muna sya sa sala at dumiretso sa kwarto at nagpalit ng pang itaas pagkatapos ay bumaba ulit papunta sa kusina para gumawa ng meryenda.
Sandwich and iced tea lang ang nagawa ko dahil yun ang pinaka mabilis at pinaka madali. Ayoko namang pag antayin sya ng matagal, baka mainip sya eh. Wala kasi yung maid namin ngayon kasi namalengke. Okay din para solo namin yung bahay.
"Here's the meryenda"
Sabi ko sabay lapag ng tray na may lamang meryenda namin sa mesa.
"Your house is so big"
Komento nya.
"Sa inyo din naman eh"
"Not this big"
She said and I just smiled.
Kumuha sya ng isang sandwich at tinikman yun. Nag aantay lang ako ng reaksyon nya kung masarap ba o hindi yung gawa ko.
"What?"
Tanong nya habang ngumuguya pa nang mapansin nyang nakatitig ako sa kanya.
"How is it?"
Tanong ko habang nakaturo sa sandwich na hawa nya.
"Ahhhh akala ko kung ano lang. Masarap promise"
Buti naman.
"Papasok ka na ba bukas?"
Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko pa alam eh, malaman nalang yan mamaya"
"Kamusta yung school?"
Tanong nya.
"Ganun pa din"
Pinag uusapan ka.
"Ahhh"
Bigla akong nawalan ng masasabi. Mag isip ka Xenon, kahit ano.
"Um kamusta yung paa mo?"
"Okay na. Thanks to you"
Sagot nya sabay subo ulit nung sandwich.
"To me?"
"Oo, ikaw kaya yung personal trainor ko"
She answered and I laughed.
"It is an honor to be your trainor Ms. Flomentera"
Pormal na pabiro kong sabi.
"Baliw"
Baliw na nga adik pa sayo.
"Eh ikaw? Kamusta puso mo?"
She asked and I stopped for a moment.
"What do you mean?"
"Kung okay lang, in general"
Okay nga lang ba? Hindi ko din alam. Masyadong magulo lahat para malaman ko kung okay ba yung puso ko o hindi.
"Right now, it's okay"
Malapit at nakikita kitang nakangiti eh.
"That's good"
"Next time message me if you want to come here"
"Oo na, malay ko bang inyo pala to"
I know deep inside, somewhere in her memory, she remember something kaya sya napadpad sa harap ng bahay namin.
"Sige na alis na ako. Baka dumilim na mamaya"
"Hatid na kita"
Tumayo na ako at kinuha yung susi ng kotse ko.
"Hindi na, mas gusto kong maglakad pauwi. Medyo malapit lang naman"
"Maglalakad ka ng mag isa lang? Baka may mangyare pa sayo"
Syempre hindi ako papayag.
"It's fine. Nakarating nga ako dito ng buo eh, masyado na kitang naabala"
She said and I just nod. Mukang ayaw nang mag papilit eh.
"Sige, mag ingat ka ah"
Sabi ko at tumango lang sya.
Hinatid ko na sya sa labas ng gate at kumaway sa kanya paalis. Inantay ko lang talaga na makalayo sya ng kaunti at sumunod sa kanya.
Hindi ako mapakaling maglalakad sya mag isa eh. Mamaya may biglang lumapit sa kanya sa daan.
Medyo malayo ako sa kanya at paminsan minsan ay humihinto at tumatago ako kapag nararamdaman kong lilingon sya sa sa direksyon ko.
Bago sya tuluyang makauwi ay huminto pa sya sa isang convenience store at bumili ng napakaraming pagkain.
Medyo nag tagal sya dun kaya medyo nainip din ako.
Nang makarating na sya sa bahay nila ay huminto na din ako sa paglalakad at inantay na pumasok sya sa loob.
Aalis na din sana ako nang bigla syang huminto sa pag pasok at humarap malapit sa direksyon ko na para bang may hinahanap.
"Sht did she saw me?"
Bulong ko sa sarili ko.
"Thank you Xenon"
Momo said at pumasok na sa loob.
"f**k she did"
Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi nya. Tumatago tago pa ako eh alam nya na din palang nakasunod ako.
"That's embarrassing"
Sabi ko sa sarili ko.
Para akong baliw na pumapadyak padyak sa kahihiyan sa gilid ng daan. Muka siguro akong ewan kanina. Todo tago pa ako tapos wala palang kwenta.
Momo's POV
Pag kapasok ko sa bahay ay mabilis na tumakbo ako paakyat ng kwarto at sinilip si Xenon mula sa bintana.
Napangiti ako nang makita ko syang parang bata na pumapadyak padyak sa labas na para bang hindi sya pinag bigyan ng parents nya sa laruang gusto nya.
"Ang cute nya"
Ang gwapo pa.
Maya-maya pa ay umalis na sya kaya sinara ko na din yung bintana ko. Nalaman kong sya yung sumusunod sakin nung pumasok ako sa convenience store. Kinakabahan kasi ako nang maramdaman kong may sumusunod sakin kaya pumasok muna ako dun para bumili ng pagkain.
Napangiti ako nang makita kong sya pala.
Muntik na ngang may lumapit saking grupo ng mga lalake kanina pero mukang nakita sya kaagad kaya hindi na ako nilapitan.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko to message Xenon.
"Thank you ulit, ang cute mo"
Kahit habang tinatype ko yung message ko sa kanya ay napapangiti ako pero agad ding nabawi yung ngiti kong yun nang biglang mag message si Steven sakin.
Kahapon nya pa ako tinatadtad ng calls and messages pero hindi ko sya pinapansin.
"Please Clara, let's talk. I'm begging you"
Napabuntong hininga nalang ako at ibinaba ang cellphone ko sa kama.
"Should I go to school tomorrow?"
Tanong ko sa sarili ko.
Medyo natatakot at kinakabahan kasi ako. Alam ko namang madami nanamang uusap about sakin dun at hindi lang talaga sinabi ni Xenon kanina.
Nandun pa si Steven at Ella. Ayoko pa sana silang makita pero ayoko namang maka miss ng madaming subjects dahil mahirap mahuli at mag habol.
Bahala na.