bc

50 SHADES OF SIN ( ISIDRO "SID" VERDANT)

book_age18+
1.8K
FOLLOW
43.4K
READ
dark
HE
opposites attract
badboy
confident
heir/heiress
bxg
city
musclebear
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

ISIDRO "SID" VERDANT a 35 years old Millionaire. Walang bagay na hindi sya nakukuha. Wala syang Matinong Relasyon Dahil sa Past nya na ang Habol lamang ng mga ito sa kanya ay ang Yaman nya. Kaya nya namang Bumayad ng Babae kapag may gusto syang paglabasan ng init ng katawan pero wala syang Balak magkaroon mg Relasyon sa kahit kanino man. Hinahanapan na rin sya ng Apo ngunit katulad ng Thinking nya sa Pag aasawa kaya nya ring Bumayad ng Sinapupunan na Magdadala ng Anak nya. Paano kapag Dumating sa Buhay nya si Dorothea Rae Almazan 20 years old. Isang Simpleng dalaga ngunit dala ng kahirapan ay Masasadlak sa Trabahong kahit sa hinagap nya ay di nya papatulan ngunit dala ng matinding pangangailangan ay iyon lamang ang mabilis na kanyang makakapitan upang madugtungan ang buhay ng isang importanteng tao sa kanya na sobrang mahal nya.Labag man sa Loob nya ngunit Kaya nyang Sikmurain maligtas lamang ang kanyang pinakamamahal na Lolo.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 "MABUTING APO"
DOROTHEA RAE Maaga akong Gumising para mag saing, Gusto ko na pag gising ni Lolo at Lola ay handa na ang almusal. Paghawak ko sa Bigasan ay halos kumalampag na ang takalan nito sa loob, nakaramdam ako ng lungkot, isa lamang ang ibig sabihin, Paubos na ang bigas namin. At Hindi nga ako nagkamali huling 2 gatang na ito ng bigas. Isinaing ko na ito lahat. Sunod kong nilapitan ang Lalagyanan namim ng Kape para makapag kape sana ngunit tila pati ito ay nanganganib na rin pala. Hayy, Napatingin ako Kay Lolo At Lola na mahimbing pa ang tulog, Sa pagod rin siguro sa Bukid, Dapat sa edad nila ay di na sila nag tra trabaho ngunit pinipilit parin nila. Malapit na naman akong maka graduate, Sa susunod na buwan na, 2 taong Kurso lamang kasi ang kinuha ko para makapag trabaho din agad. Hindi naman sana kami hahantong sa ganito, Kaso napinsala ang sinasaka nila lolo at May iba na ring namahala rito kaya tinangal na rin sila, dahil hindi na raw sila worth it bayaran dahil nga wala na daw silang kakayanan na magtrabaho ng husto dahil matatanda na. Kaya ang nangyari ay nakiki trabaho lamang sila Kina Aling Marsing para may pantawid kami sa Araw araw na pamumuhay. Ako naman ay Suma sideline bilang Tagaligpit sa Karinderya ni Ate Susan. Maliit lamang ang sahod ngumit napakalaking tulong nito sa akin. 80 pesos ang inaabot nya sa akin libre naman ang pagkain kaya pinatos ko na. Ilang oras lang din naman. Kaya kahit papano ay may napag kukunan ako ng pangbaon ko, pati na rin ng mga dapat kong ipa xerox kapag may activity kami. Minsam ay doon ko na rin kinukuha ang pambili ng Kalahating Kilong Bigas, at Kape para lamang makaraos kami. Sa ulam naman at Agwanta kami sa Talbos ng Kangkong o Kamote. Simple lamang ang buhay namin, literal na Isang kahig, isang Tuka, Ang importante lamang sa akin ay malakas at walang sakit sila lolo at lola, pasasaan bat pag naka graduate na ako ay masusuklian ko na ang pagsisikap nila para sa akin. Mabibilhan ko na sila ng bagay na wala sila, Makakain na nila yung mga Pagkain na di namin afford, Hindi na magtatanong si Lola kung Anong lasa ng pagkain na kino commercial sa TV kasi kapag nagkaron ako ng Trabaho, unti unti ko iyong ipatitikim sa kanila. Bahagya akong napangiti sa Isiping iyon. Bumalik lamg ako sa realidad ng Tumikhim si Lola. "Oh Dorothea, Apo...Ang aga mo naman gumising, Ala singko pa lamang ah, Wala kang pasok dapat magpahinga ka muna." "Okay lamang po Lola, isinaing ko na po yung bigas natin." "Ah, Ganon ba? Huling bigas na natin yan apo, Hihiram na lang ako kay Natty mamaya ng pangsaing natin sa hapunan." "La, may Tira pa naman po akong Baon dyan, iyon na muna po ang ibibili ko." "Naku apo, Wag na, itabi mo na, kailangan mo iyon dahil sa eskwela." Saway ni lola sa akin. "Ok lang po Lola, May sideline naman po ako sa Karinderya ni Ate Susan kaya may aasahan pa naman po ako." sagot ko naman rito. "Oh sya, ikaw ang bahala, basta apo unahin mo ang eskwela,lalo nabatvgraduating kana, yan lamang ang maipapamana namin sa iyo ng Lolo mo na di namin naibigay sa iyong ama noon., Sigurado ako na kung Buhay pa sila ay tiyak na Proud sila sa iyo." Anya ni Lola. Bigla ko tuloy naalala si Nanay At Tatay, Sabay kasi silang kinuha sa amin. Isa sila sa mga nasawi sa Aksidente noong pitong taong gulang lamang ako, Maghahatid lamang dapat sila ng kalakal sa kabilang bayan ngunit di na sila nakabalik dahil kabilang sila sa mga nasawi. Yumakap naman ako kay Lola dahil na miss ko na naman ang aking mga magulang. Sila na lamang ni Lolo ang merong Ako. "Lola, Hindi ako mag sasawang magpasalamat sa inyo ni Lolo, Kayo na lamang po amg merong ako, Mahal na Mahal ko po kayo." "Mahal ka rin namin apo, Kaya mag aral kang mabuti, kapag nakatapos ka, kami ang pinakamasayang tao ng Lolo mo." "Opo Lola, Makakatapos po ako, para sa tin." Nakangiting wika ko. Bandang ala sais ay nag almusal na rin kami ng sabay sabay. Niluglugan ko na lamang ang Garapon ng kape saka namin pinaghati sa aming tatlo. Masaya parin kami kahit minsan ay gantong kinakapos. Basta Sama sama kami at Malakas ang katawan. Matapos iyon ay pinag baon ko na rin sila lolo at lola dahil may gawa sila sa bukid. Samantalang ako naman ay Pupunta sa Ka eskwela kong si Patring Para makigamit ng Computer para sa project namin. Habang naglalakad ako patungo kina Patring ay Nakita ko si Ate Sherly. Ang ganda nya na ngayon, parang mayaman na sya. Dati rati nag bubukod lamang din ang inay at Itay nya, pero ngayon ay Big time na sila. Kasalukuyang ibinababa mula sa truck ang Napakalaking tv na siguro ay pasalubong nya sa mga ito. Napangiti naman ako, Balang araw mabibilhan ko rin nyan sila Lola. Habang nakatingin ako sa pagbaba ay napansin nya naman ako. "Hoyyy, Dorothea, Ikaw na ba yan? Aba ay dalagang dalaga ka na, Kumusta? "Ok lang naman po ate Sheryl, Ang ganda mo na lalo ngayon ate, at Mukangayan kana, hehe akala ko di mo na ako makikilala." "Haha, ay naku, pwede ba naman yon? Gumanda lang ako pero ako parin ito, Hahaha..Alam mo na medyo Sinuwerte lang Nakabingwit ng AFAM. "Ah, Afam pala napang asawa mo teh" "Oo beh, Haha, Buti nalang at Mabait si Afam ko, Habibi haha." "Ah, ganon po, Opo nga mabuti nga po." "Ikaw, may nobyo ka naba?" "Ay..hehe wala po ate, saka uunahin ko po muna maka graduate at makakuha ng maayos na trabaho, huli na po siguro ang jowa hehe." "Hehe, Sa bagay, Oo nga..tama yan, Hwag ka gumaya sa akin, di ako nakatapos eh, Alam mo na umarangkada agad ako, buti na lamang din at natagpuan ko si Habibi kaya eto kahit papano naka ahon ahon sa kahirapan, hehe, pero tulong naman kami sa Business nya." "Ah, Happy for you Ate, Sige ate, ina na muna ako, kailangan ko kasi maki computer kina Patring." "Oh sya sige, dumaan ka dito mamaya, padadalhan kita ng ilang pasalubong from Dubai hehe." "Sige po ate, Salamat po." Nakangiting wika ko rito. Pagdating kina patring ay nakahanda na amg computer kaya agad kong tinrabaho ang dapat kong gawin. Habang hinagawa ko iyon ay nag chat naman ang ka klase namim na napakatamad gumawa. Nakiusap ito na igawa ko at babayaran nya daw ako. Isa nga pala ito sa sideline ko, ang igawa sila saka nila ako babayaran. 50 pesos ang singil ko, Ok na iyon, Lakas nga nila nakakagastos nga sila ng malaki sa Yosi eh, kaya ok na singilin ko sila ng 50 pesos. Sinend naman nila agad sa Gcash ni Patring ang bayad kaya tiwang tuwa ako na kumita pa ako ng 100 pesos ngayong araw. Matapos iyon ay nagpasalamat ako kay Patring, binibigyan ko sya ng 20 pesos ngunit ayaw nya tanggapin, Ok na daw iyon at tinulungan ko din naman daw sya. Bago umuwi ay dumaan ako kina ate Sheryl. Nakalagay na sa supot ang pasalubong na sinasabi nya saka nya din inabot sa akin ng pasimple ang pera. Nagpasalamat naman ako sa kanya saka umuwi na rin dahil kailangan ko pa rin mag asikaso ng hapunan. Bago umuwi ay dumaan muna ako sa Tindahan tiningnan ko ang perang inabot ni Ate Sheryl 500 piso ito, napakalaking bagay nito sa amin, bumili muna ako ng 3 Kilong Bigas, Itlog, biscuit ,Kape, at Asukal at maliit na gatas. Ayos na may pangtawid na naman kami. Pagdating sa Bahay ay tiningnan ko naman ang bigay ni ate Sheryl, May isang sabon, isang shampoo, may isang lipstick, pabango at ilang chocolate. Nakakatuwa naman, sana yung iba tulad ni ate Sheryl, kahit umangat angat na sa buhay ay di parin nakakalimot. Pagdating nila Lolo at Lola ay Masaya ko silang sinalubong, kita ko ang pagod sa kanilang Mukha, kaya ipinagtimpla ko sila ng tig isang baso ng Gatas at Biscuit "Oh apo? Saan galing ito, Bat nakabGatas pa kami ng Lola mo?" Tanong ni Lolo. "Kasi lo, Nagpagawa yung classmate ko mg project, binayaran ako, tapos si ate Sheryl, umuwi po pala dyan kina aling Rosing inabutan nya po ako nitong pasalubong saka ng pera." Pagkasabi ko noon ay tila nag iba ang aura ni Lolo at Lola. "Apo, Pasensya ka na. Pero sa susunod hwag ka Basta basta tatangap ng pera,a Mahirap na, Baka dumating ang oanahon ay may maisumbat sa atin ang ibang tao, ayoko lang mangyari yon." Bilin ni Lolo. "Sorry po Lolo, Hwag po kayo mag alala di namam po ako Humingi, Bigay naman po, pero sige po next time po, tatanggi po ako. "Salamat apo, Tama ang lolo mo, di natin alam ang Pag iisip ng tao, Mahirap masabihan ng walang utang na loob nalang araw." Dagdag naman ni Lola.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

Daddy Granpa

read
280.4K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
42.4K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.6K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook