Kabanata 32 Ipinarada ni Travis ang kaniyang kotse sa harap ng bahay ni Daryl. Pagkatapos namin mag-usap sa park ay nanatili muna kami doon ng kalahating oras bago namin mapagpasyahan umuwi. Bahagya pang napakunot ang aking noo nang makitang nandoon na ang kotse ni Daryl pero hindi maayos ang pagkaparada, parang iniwan lang sa gitna. "Nice parking," panunuyang ani Travis. Sinamaan ko siya ng tingin bago dumeretsyo. Bakit kaya hindi naiparada ni Daryl ng maayos ang kotse niya? Tahimik ang buong bahay pagbukas ko, wala ang kasambahay siguro ay pinasama sa mga bata. Kaagad nilibot ni Travis ang tingin sa bahay ni Daryl. Hindi 'to kasing laki ng bahay namin noon at wala pang masyadong gamit dahil kakabili lang ni Daryl dito. "Where's the kids?" tanong ni Travis. Gulat akong napatingin

