Kabanata 29 Nanlaki ang aking mata na sinalubong ng yakap si Lisa at Kevin. Nangilid ang luha ko habang tumatawa ng makitang umiiyak na si Lisa na mahigpit akong niyakap. Tumuon ang mata ko kay Nade na nakatayo lang doon at nakatitig kay Daryl. Bahagya pa siyang kumurap-kurap. Nang maghiwalay kaming tatlo ay si Nade naman ang nilapitan ko't mahigpit na niyakap na ginantihan naman niya. "Buti nakapunta kayo, paano niyo nalaman nakauwi na kami?" nakangiting wika ko. Hindi ako makapaniwalang pagkatapos ng anim na taon ay muli ko silang makikita. Hindi ko mapigilan mapaluha dahil matagal ko na silang gustong makita sa personal pero ngayon lang kami nakabalik. Wala na akong f*******: o kaya ano pang social media kaya hindi ko naman sila nakakausap. Ang huli kong balita ay nagsent si Lisa

