Kabanata 28 Huminga ako ng malalim nang makita ko ang High school na papasukan ko. Marami na rin istudyante ang nagsisipasukan ang iba ay napapalingon pa sa akin, siguro ay dahil ngayon lang nila ako nakita. Dumeretsyo ako sa principal office. Pagkapasok ko ay kaagad tumambad sa akin ang may katandaan ng babae. "Good morning po, Ma'am." Ngumiti ako, iminuwestra naman niya na pumasok ako sa loob ng opisina. "Good morning, are you the new English Teacher?" aniya sa masuyong boses. Bahagya pang tumaas ang kaniyang kilay dahil sa sariling tanong. Tumango ako. "Yes Ma'am. Dito po ako dumeretsyo dahil sabi sa nakausap ko sa skype pumunta muna raw ho ako rito bago ibigay sa akin ang sched ko." Tumayo na siya. "Ah, ganon ba? Isa ka sa mga nag-apply online?" "Yes Ma'am." "Bakit?" Lumabas n

