Chapter 5

1478 Words
CHAPTER 5 ALEXA POV “Didn’t you like the foods?” Napa-angat ako ng mukha kay sir dahil sa kanyang tanong. Tsk hindi ba halata? Sa isip ko pa. “Hindi po kasi ako mahilig sa gulay sir.” napansin ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. “When have you not been interested on it?” ito na naman siya nag-umpisa na naman. “Noon pa po.” sambit ko sa kanya. “Tsk! Ang dami mo namang pinagbago.” “E, kasi nga hi-.” hindi ko nalang itinuloy pa ang sasabihin ko at bigla kong tinakpan ang labi ko dahil baka halikan niya na naman ako kapag sinabi ko sa kanya na hindi ako si Alexis. Napakunot ako sa aking noo ng marinig na tinawanan niya ako. “Are you afraid that I kiss you again?” Napayuko ako dahil sa kanyang tanong nakakahiya kasi. At bakit niya pa tinatanong? “Look namumula ka. Siguro naa-.” bigla akong tumayo kaya napahinto siya. “Tapos na po akong kumain sir, lalabas lang po ak-.” “No! hindi ka pwedeng lumabas.” “Ano?! At bakit po sir?” hindi ko naman mapigilang mapalakas ang aking boses dahil sa kanyang sinabi. Bakit niya ba ako pinipigilan lumabas. “What are you going to do outside?” “May bibilhin lang po ako sir. Bakit gusto mo bang sumama?” asar kong tanong sa kanya. Dahil wala pa namang one pm. Pero nagtaka ako ng bigla siyang tumayo. “Let’s go,” Napanganga ako sa kanyang sinabi. Nagbibiro ba siya. “Sir hindi po kayo nakakatawa kaya pwede po ba kumain nalang po kayo.” sabi ko sa kanya habang tinititigan niya ako. “Okay if you don’t want me to go outside just stay,” “Po?” “Are you deaf?” “Pero sir may-.” “Sinabi ko na sayo sasama ako sayo sa labas.” wala akong nagawa kung hindi ang umupo nalang ulit sa tapat niya. Hindi talaga ako mananalo sa kanya. Bakit niya ba ginagawa ito? Gusto ko sana siyang tanungin kung anong relasyon nila ng kakambal ko. pero hindi ko magawa dahil hindi naman siya naniniwala sa akin na hindi ako si Alexis. Nang sumapit ang alas singko ay natutuwa ako ng sabihin ni sir Calvin na pwede na akong umuwi. Napansin ko rin na sumunod siya sa akin. Siguro pagod rin siya at gusto niya ring magpahinga. “Hoy Alexa!” Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin at nakita ko rin ang reaction sa mukha ni sir Calvin dahil naka-kunot noo itong tumingin kay Jela. Si Jela ay isa rin sa mga nagtatrabaho dito sa hotel. “Uuwi ka na ba? Baka gusto mong sumama sa amin gagala kami mamaya ano Alexa sasama ka ba?” “Alam mo namang hindi ako pa-payagan ng mga kapatid ko.” sagot ko sa kanya habang pumasok na kami elevator. Napatingin rin kami kay sir Calvin dahil sumabay ito sa amin, kaya biglang tumahimik si Jela. “Sige na Alexa sumama ka na sa amin minsan lang naman ito.” bulong niya pa sa akin. “Saan ba kayo pupunta?” Napalingon naman kami kay sir dahil sumingit ito sa aming usapan. “May bago po kasing bukas na bar dito sir balak sana naming pumunta, ikaw po baka gusto niyo pong sumama?” sagot pa ni Jela kay sir Calvin. “Sige sasama ako Miss. Mendoza sumama ka na rin.” “Po? Pero sir hin-.” “No but Miss. Mendoza i need you there and don’t worry i pay you.” ano? Nagbibiro ba siya. Ano bang akala niya sa akin mukhang pera. “Sorry sir pero hindi po talaga ako pwede pumun-.” “If you not obey me tatanggalin kita rito.” “Ano nagbibiro ka ba?!” “Alexa!” sambit naman ni Jela sa akin. Kaya napahawak nalang ako sa aking noo. Ano kayang idadahilan ko sa mga kapatid ko baka sasama pa iyon si Mark kapag sinabi kong pupunta ako ng bar. Pagdating ko sa bahay ay sumalubong agad sa akin ang dalawa kong kapatid. “Ate mabuti naman at maaga ka nang umuwi.” sabi agad ni Mark sa akin. “Ate tapos na po akong magluto,” “Talaga salamat Sarah,” natutuwa ako sa sinabi ng bunso namin dahil hindi na siya naghihintay sa akin na magluto marunong na naman siya pero konti lang ang alam niyang lutuin. Pagpasok namin sa bahay ay hindi ko pa rin masabi sa kanila na aalis ako dahil alam kong hindi nila ako payagan lalo ng kapatid kong si Mark. “A, Mark Sarah kailangan ko palang bumalik sa office kasi may trabaho Pa kaming gagawin,” pagsisinungaling ko pa sa kanila. “Bakit naman gabi ate?” tanong agad ni Mark sa akin ito talagang batang ito ang daming tanong. “Kasi nga kailangan naming mag over time,” “Sige ihahatid nalang kita.” “Ano? Kapag ihahatid mo ako maiwan na naman mag-isa dito si Sarah, at kaya ko naman ang sarili ko.” “Isasara lang naman niya iyong pinto ate,” “Hay nako ikaw talaga Mark trabaho naman kasi ang pupuntahan ko at kaya ko na ang sarili ko kaya makinig ka kay ate.” “Sige na nga anong oras ka ba uuwi ate?” “Hindi ko alam kapag tapos na kami sa gagawin namin.” “Basta wag kang lumapit doon sa boss mo ate at wag ka ring mag-papahatid sa kanya.” “Bakit naman kasi ako mag-papahatid sa kanya?” “Iwan ko kasi noong sinundo kita sabi niya ihahatid niya tayo.” maktol pa niyang sabi sa akin. “Oo na po tay!” biro ko sa kanya kaya napatawa ng malakas si Sarah habang si Mark ay lalong kumunot ang noo. “Basta ate wag kang lalapit sa mga lalaki lalo na sa boss mo.” “Bakit ba?” asar ko pa sa kapatid ko. “Ate naman e, ayoko nga na may manligaw sayo gusto ko wala kang boyfriend.” “Tsk, oo na,” sagot ko nalang sa kanya para manahimik na siya. Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na ako. Nag-suot ako ng pantalon at simpleng t'shirt. Hindi rin naman ako mahilig magsuot ng dress kaya wala akong damit na ganon. “Ate aalis ka na ba?” Napalingon ako kay Sarah habang papalapit siya sa akin. “Oo kung natatakot ka matulog sa kwarto mo doon ka nalang matulog sa kwarto ng kuya Mark mo,” “Opo ate, pero wag kang magtatagal doon ate ha?” Napailing nalang ako sa kanya kasi magkatulad talaga sila ni Mark. Nang makarating ako sa bar ay hindi pa ako pumasok dahil hinintay ko pa si Jela. Kinuha ko naman ang aking phone para tawagan siya. Pero napahinto ako ng makita si sir Calvin na titig na titig na naman sa akin. Ano na naman kaya ang problema nito? “Good evening po sir,” bati ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin.” “Why are you wearing like that?” “Maganda naman po ito sir.” sabi ko naman sa kanya pero napapansin ko rin ang mga taong pumasok sa loob ng bar na nakatingin sa akin. “Change your clothes.” Napatingin ulit ako kay sir dahil sa kanyang sinabi. At paano naman ako magpapalit ng damit e, wala naman akong ibang dala. Pero nagulat nalang ako ng hilahin niya ako sa aking kamay at isinakay sa kanyang sasakyan. “Saan po tayo pupunta sir?” “To my suite.” Napakunot naman ang aking noo habang nilingon siya. “Ano naman po ang gagawin natin doon sir?” inis kong tanong sa kanya. “Ano pa nga ba, you forget what are we doing if you go there?” biglang namilog ang aking mata dahil sa kanyang sinabi. “Ano? Ano ba ang pinag-gagawa niyo doon? At pwede ba hindi nga ako si Alexis. Kaya ibaba mo ako dito?” asik ko sa kanya. Alam kong madumi ang naiisip ko pero hindi naman ako tanga para hindi isipin na baka may milagro talaga silang ginawa. Bigla naman siyang tumawa kaya lalo akong nainis sa kanya. “Sir Calvin ibaba mo na ako! Ilang beses ko bang sabihin sayo na hindi nga ako si Alexis. Ako si Alexa at kambal niya ako.” “Enough Miss. Mendoza!” bigla akong nagulat ng sinigawan niya ako. “Okay if you’re not Alexis show me your boobs?” namilog ang aking mata sa kanyang sinabi dahil ang bastos niya. “Bastos ka!! Ano naman ang tingin mo sa akin ipapakita ko ito sayo?” “Yeah I know you don’t show that because you’re Alexis.” nakaka-inis bakit ba hindi niya ako kayang paniwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD