Chapter 6

1645 Words
C6 ALEXA POV “Ilang beses ko na sinabi sa’yo sir, hindi nga ako si Alexis.” wika ko at bigla naman akong nagulat ng ihinto niya ang kanyang kotse. “Why are you doing this to me? haven’t you done enough to me to pretend.” wika niya sabay hampas sa manibela ng kotse. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo hin-.” “Enough!” bigla akong nagulat sa kanyang pagsigaw kaya mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Hindi ko rin mapigilang umiyak dahil sa ginawa niya. Mula noon ay walang nagtataas ng boses sa akin. Kahit si mommy at daddy. “Bakit niya ba ako ginaganito wala naman akong masamang ginawa sa kanya, at bakit ba ayaw niya akong paniwalaan na hindi ako ang kakambal ko,” iyak ko pang wika sa sarili. “I’m sorry Miss. Mendoza, nabigla lang ako.” Napalingon ako ng marinig ko si sir Calvin, sumunod pala siya sa akin. Pero hindi ako nakinig sa kanya at patuloy lang sa paglalakad. “Hey!” wika niya ng mahawakan niya ako sa braso. “Bitawan mo ako.” singhal ko naman sa kanya. “Tsk. Why are you crying? Hindi naman kita sinaktan.” aniya. “Bakit mo ba ako sinisigawan?” asik ko sa kanya. “I said nabigla lang ako.” aniya. “Bakit mo ba kasi pinagpipilitan na ako si Alexis sir. Hindi nga ako si Alexis.” wika ko sabay punas ng aking luha. Napansin ko naman ang pagdilim ng kanyang mukha. “Okay fine, if you’re not her, kaya bumalik na tayo sa kotse.” wika niya habang hinawakan ako sa aking kamay. “Alam ko ang daan.” wika ko sabay kalas ng aking kamay sa kanyang pagkakahawak sa akin. Pagbalik ko sa kanyang sasakyan ay agad akong umupo at lumingon sa bintana, habang siya ay nakaupo na rin at binuhay na ang makina. Tahimik lamang ako at ganun din siya. Mayamaya pa ay huminto na siya sa hotel. Ngayon ko lang din nalaman na dito pala siya tumuloy. Pero saan kaya siya pumunta sa tuwing uwian, dahil nakikita ko rin siyang lumalabas at minsan sabay pa kami. Gusto ko sana siyang tanungin, pero pinili ko na lang ang manahimik. Lumabas na siya ng kotse kaya lumabas na rin ako. Nauna siyang naglakad habang nakasunod lang ako sa kanya. Sumakay kami ng elevator at nasa likod niya pa rin ako. Nang bumukas ang elevator ay napa-iling ako dahil sa Penthouse pala siya tumuloy. “Hindi ka ba papasok?” kunot-noo niyang tanong sa akin kaya pumasok na ako. “Feel at home,” wika niya habang pumasok sa isang pinto. Umupo naman ako sa isang sofa na nakaharap sa salaaming bentana. Kitang-kita rin dito ang buong syudad. Siguro kapag nandito ang mga kapatid ko, matutuwa sila kapag makita ito. Kaso ayaw ko kasi silang sanayin sa marangyang buhay, gusto kong makita nila na pinaghirapan ko ang perang binigay ko sa kanila. gusto kong maging isang responsableng ate sa kanila. “Here, wear this.” Napalingon ako kay sir at tumayo na rin para abutin ang dress na ibinigay niya. Hindi ko naman maiwasang magtaka kung bakit may damit siyang ganito, eh, lalaki naman siya. Nang maabot ko ang isang nude dress ay napakunot ang aking noo, dahil hindi naman ako nagsuot ng ganito. Maiksi kasi ito at para ng makikita ang aking panty kapag susuotin ko ito. “Sir, ayaw ko po nito para naman po akong masisilipan kapag suot ko ‘to.” wika ko at bahagya naman siyang nagulat sa sinabi ko. “There’s nothing else here, that's all you have to wear.” aniya. “Pero sir hin-.” “No but go that room and change.” madiin niyang utos sa akin, kaya napa-buntong hininga na lang ako. Habang nakatingin ako sa aking sarili sa harap ng salamin ay hindi ko naman maiwasang mailang, simula kasi noon ay hindi ako nagsusuot ng ganito, kahit ‘yong palda ko na uniform namin ay hindi rin ganito kaiksi. “Tsss, wala pa naman akong suot na short,” bulong ko sa sarili. “Hindi ka pa ba tapos! Kanina pa sila tumatawag.” sigaw naman ni sir sa labas. “T-tapos na!” sagot ko naman sa kanya. Habang napabuga ulit ng hangin. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita si sir Calvin bahagya rin itong nagulat ng makita ako. Yumuko ako at hinihila ang dulo ng dress dahil parang tumataas ito kapag naglalakad ako. “Let’s go,” wika niya habang nag-umpisa na siyang maglakad at nakasunod pa rin ako sa kanyang likod. Tahimik pa rin kami habang binabaybay namin ang daan pabalik sa bar, nakatagilid naman ako sa upuan dahil tumataas ang suot kong dress, kaya panay ang hila ko dito. “Tsk. Hindi naman kita sisilipan, kaya umayos ka nang upo.” wika niya, pero hindi ko siya pinakinggan. Ilang sandal pa ay narating na namin ang bar, lumabas agad kami ng kotse at pumasok sa loob. Hindi ko naman mapigilang mailang dahil tumitingin sa akin ang mga lalaking nakasalubong namin. Halos hindi rin ako makahinga dahil sa amoy ng usok. “Alexa hey!” Napalingon ako ng may tumawag sa akin at hindi ko naman mapigilang matuwa ng makita si Dreg. Si Dreg ay isa sa mga kaibigan ko pero hindi na kami nagkita simula ng dumating ang mga kapatid ko, ayaw din kasi ni Mark na nakikipag-usap ako sa kanya. “Oy! Kumusta ka na Dreg, ang tagal na nating hindi nagkita.” tuwang wika ko sa kanya. “I’m fine, anyway bakit ganyan ang suot mo?” takang tanong niya sa akin, ngayon lang din kasi niya ako nakitang nagsuot ng ganito. “H-huh, a-ano k-kasi kailangan ko raw magsuot ng ganito,” hiya ko pang wika sa kanya, habang napailing siya sa akin. Hinubad niya naman ang suot niyang jacket at isinuot sa akin. Napansin ko naman si sir Calvin na nakaupo na kasama ang mga staff ng hotel at matalim niya akong tinitigan. “Salamat Dreg,” ngiting wika ko naman sa kanya. “No problem,” aniya habang nakangiti. “Sige, Dreg, pupunta na ako sa mga kasama ko.” wika ko sa kanya at tumango naman si Dreg. Mabuti na lang din at nakita ko siya dahil isinuod niya sa akin ang kanyang jacket. Naiilang kasi ako sa mga tao lalo na sa mga lalaking tumititig sa aking dibdib. “Kapapasok pa lang natin nakikipaglandian ka na.” wika ni sir kaya napatingin ako sa kanya, at doon ko lang napagtanto na ako pala ang sinabihan niya. Dahil sa akin siya nakatingin. “Ha?” sambit ko habang uminom na siya ng alak. “Here.” wika niya sabay abot ng baso sa akin na may lamang alak. “Hindi po ako umiinom ng alak sir.” wika ko sa naiinis na boses. “Tsk.” sambit niya at ininom ang ang alak na hawak niya. “Alexa, sayaw tayo.” yaya naman ng isang kasamahan ko. “Uhm, pasensya ka na, hindi kasi ako mahilig sumayaw.” ani ko. na ikinatango niya. Tumayo naman sila at pumunta ng dance floor. Habang kami na lang ni sir Calvin ang natira sa upuan. Hindi ko naman mapigilang mailang sa kanya, dahil kanina pa niya ako tinititigan. Ano kayang problema na naman nito. Mayamay pa ay tumabi na siya sa akin kaya umusog ako. “Tsk. Bakit ka umusog? Takot kang makita ng lalaki mo na magkatabi tayo.” wika niya sabay inom ng alak. “Sir. Lasing ka na ba? Ano na naman ba ‘yang pinagsasabi mo.” asik ko sa kanya. Habang nilalagyan na naman niya ng alak ang kanyang baso. Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siya sa pag-inom dahil kanina pa siya umiinom at baka lasing na rin siya kaya kung ano-ano na lang ang pinagsasabi nito. “What are you doing?” tanong niya habang hawak ko pa rin ang kanyang kamay. “Sir, lasing na po kayo, kaya tama na po. Baka hindi mo na kayang mag-drive pauwi.” wika ko habang inilayo sa kanya ang bote ng alak. “Bakit? Ayaw mo na ba akong ipag-drive pauwi? Siguro nag-usap kayo ng lalaki mo na siya maghahatid sa’yo.” wika niya na ikina-kunot ng aking noo. Imbis na sagutin ko siya ay hinila ko na siya patayo. Ayaw ko rin kasing marinig ng mga kasamahan namin ang sinasabi niya. “Saan tayo pupunta?” wika niya habang nakaupo pa rin dahil ayaw niyang tumayo. Kaya nag-isip ako ng paraan para maka-alis kami dito sa loob ng bar, at ayaw ko na rin sa amoy dito. Hindi ko rin kayang iwan si sir, dahil baka malasing ito ng husto. “Diyan lang naman sa labas,” bulong ko sa kanyang tainga. Napansin ko naman ang pag-ngiti niya at agad tumayo. Pinulupot niya naman sa akin ang kanyang isang braso sa aking beywang habang ang isa niyang kamay ay ibinaba ang zipper ng suot kong jacket. “I don’t like you to wear this. Kaya itapon mo ‘to.” wika niya sabay hubad sa suot kong jacket. “Sir, hiniram ko lang ito hayaan mo na.” wika ko naman sa kanya. Pero hindi siya nakinig at itinapon ang jacket ni Dreg. “Sir bakit mo naman ginawa ‘yon?” wika ko sa naiinis na boses. Dahil mabuti nga at pinahiram ‘yon ni Dreg sa akin, tapos itatapon niya lang. Hindi naman niya ako pinansin at patuloy lang ito sa paglalakad. Paglabas namin ng bar ay nagtungo agad kami sa parking lot. Binuksan niya agad ang pinto ng kanyang kotse at itinulak ako papasok. “Ano na naman ba ang problema mo!” sigaw ko sa kanya pero pabagsak niya lang na isinara ang pinto ng kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD