KABANATA 002: FRATERNITY WITH FIREWORKS

2647 Words
Ang Pasiklaban ay tuluyan nang nagbukas at sinimulan sa pamamagitan ng Torch Parade. Ang bawat mag-aaral ay University ay lumahok sa parade. At kung saan ay may kaniya-kaniyang association ang bawat courses. Bukod sa mga academic association ay may mga outsider na association na kasapi ng Pasiklaban. Isa na nga rito ang tinutukoy ni Angela na Amulan Alpha Association o kilala bilang Three Ace. Ang mga mag-aaral ay pinapayagan na sumali sa mga association na katulad ng Three Ace ngunit mas priority pa rin ang academic. Ayon sa mga senior na nakausap ko ay kadalasan na maraming sumasali sa fraternity tuwing Pasiklaban. Ilan sa mga ipinapagawa sa mga sasali ay uutusan buong araw o gagawa ng matinding dare. Ngunit ang nabanggit ni Angela ay hating-gabi mangyayari ang initiation kaya napapaisip ako. Nagtipon-tipon na ang lahat ng bawat kasapi ng maraming bilang ng association sa Quadrangle. Sa lugar na iyon ay may isang stage na kumukonekta sa mga booth na nakapaligid sa buong field. Habang nagsasalita ang mga namamahala aktibidad ay nagtungo ako sa booth ng Physical Education. Hahanapin ko lamang ang matalik kong kaibigan bago kami magkita ng kapatid kong si Samantha. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang booth ng Education. Sumali rin pala ang college nila sa Pasiklaban. Balita kasi na banned sila dahil sa maraming nabubuntis. Nang dahil sa kanila raw kaya tinawag na Pa-s*x-laban ang Pasiklaban. Marami raw makikitang magkasintahan sa madidilim na lugar ng University tuwing gabi ng Pasiklaban. “Hindi ko talaga alam kung bakit may mga mag-aaral na sumasali ng fraternity,” pag-iisip ni Sean Velez matapos kung makita at kinatuban din ako. Wala siyang alam na malalaman na niya ang isa sa mga dahilan. Siya ay isang freshman student din nang Institute of Sports, Physical Education and Recreation. Siya ay hindi ko lang matalik na kaibigan kundi childhood bestfriend. Natitiyak kong papayagan ako ni Ate Samantha na manood ng fireworks display kapag siya ang kasama ko. Pipilitin ko rin siyang samahan akong sumali sa initiation ng Amulan Alpha Association sa pagtatapos ng fireworks display. “Siguro ay para sa pagkakaibigan ang isa sa mga dahilan,” paliwanag ko at nagkatinginan kaming dalawa. “Hindi ba’t ang ibig sabihin ng fraternity ay brotherhood?” “Given na ang bad influence na kaibigan o rebellious na kaklase kaso hindi ko pa rin makuha ang point nila.” “Puro ka kasi music, dancing, workout at sports. Subukan ka nating sumali?” At natulala siya kaya sinapak ko siya sa kaniyang malaking dibdib. “Ano ba? Huwag mong pagnasaan ang katawan ko, aking childhood bestfriend,” pang-aasar niya kaya naglakad ako palayo sa kaniya. “Pero tama ka, maaring isa sa mga dahilan ang gusto nilang madiscover ang kanilang sarili pero...” matapos niya akong sundan. “Ano?” “Hindi pa rin, wala pa ring maitutulong ang fraternity kaya kumain na lang tayo ng patil at libre mo,” yaya niya at naglakad na siya ngunit hindi ako sumunod. “Kung gusto mo ay ako na lang ang manlibre kasi ten pesos lang naman iyon pero tatlo ang mauubos ko.” “Ayaw ko kasing patil lang ang libre ko. Gusto ko ay kainin mo ang lahat ng gusto mo.” “Talaga ba?” Nakangiti niyang tanong at hinawakan ko na ang kaniyang kamay. Nagtungo kami sa pinakamasarap na kainan pagkatapos ay kaagad kaming nag-order. Habang wala pa ang pagkain ay napatingin ako sa aking cellphone. Nag-text lang ako kay Riguel para ngayon na mangyari ang date namin. Hindi siya pinayagan ni Ate Samantha kanina. Kung sakali man na magbago ang isip ng kapatid ko ay si Nathaniel ang haharapin ko. First come first serve! Kaagad akong tumayo upang kunin ang mga orders. May isa kasing bakla na nang-aagaw ng order. First come first serve! “Hanggang ngayon talaga ay pinagtatapo pa rin kayo ni Satanas, kahit sa pagkain ay nag-aaway kayo ni Francis!” “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko nang bigla siyang tumayo upang yayain ang bakla dahil sa walang bakante na mesa. “Mas masaya kapag maraming kasamang kumain,” pang-aasar ni Sean habang si Francis ay kaagad na umupo sa harap ng mesa. Si Francis Aguilar ay secondary education freshman students ng College of Education. Hindi naman talaga siya bakla, may gusto lang siya sa mga kalalakihan. Kaklase namin siya ni Sean noong elementary at marami kaming napag-awayan na hindi ko malilimutan. “Guys, gusto ninyo bang sumali ng fraternity?” Katanungan ni Francis at ako ay kinutuban ngunit mukhang magkakabati kaming dalawa. “Ikaw, sasali? O baka naman kasi...” “Dahil sa lalaki? Halikan kaya kita diyan!” “Feeling close ka kasi pero talaga kaya mo akong halikan?” Pang-aasar ko at nilapitan ko ang kaniyang wangis. “Girl, balot na balot ka ng Muslim dress mo!” “Para maging straight ka...” pang-aasar ko pa at isa-isa nang nalalagay sa hapag ang iba pa namin na order. “Ano gusto mo?” “Sabunutan kita kahit naka-hijab, gusto mo?” Hanggang sa maputol ang aming pagtatalo dahil kay Sean na kanina pa napapaisip tungkol sa fraternity. Nagtanong siya sa dahilan ni Francis na sumali. Nakangiti naman ang bakla na parang kinikilig. “Sean, nalaman ko kasing sasali si Vandame Crimelice at gusto kong mapalapit sa kaniya at nang malaman kong paminta rin siya.” “Dinamay mo pa ang Mr. University!” “Huy, Samantha! Malakas ang pang-amoy ko, ang kapal kaya ng foundation niya at hindi siya nawawalan ng publos. Saan ka makakita ng gwapo na may liptint?” “Gusto kong malaman kung saan mo napulot ang mga bagay na ‘yun pero nais ko munang malaman kung anong association ang sasalihan mo?” Mukhang magkakasundo kami. Napansin kong muli ang kaibigan kong si Sean na tila ba nawala sa mood. Nagulat na lang ako nang dumating ang kanina ko pa hinihintay na si Riguel. Mabuti na lamang at dumating siya para makapag-date kami mamaya. “Boyfriend ko,” pagpapainggit ko kay Francis at siniko ko si Riguel para hindi pumalag. “Change topic ka naman!” Sambit ng bakla at kailangan dahil sa baka mahalata ako ni Riguel. “Kumain na lang tayo,” sabi ko habang pansin ko ang kaharap kong si Sean. Masyado naman akong maganda ngayong nasa kolehiyo na ako. Matapos kaming kumain ay kaagad na umalis si Francis habang si Riguel naman ay umalis din. May kailangan na asikasuhin si Riguel kaya mamamayang fireworks na raw kami mag-date kahit nakausap na niya si Ate Samantha. Mukhang may kailangan naman daw kaming pag-usapan ni Sean. Habang naglalakad kami ni Sean, dito sa may college nila sa harap ng maliit na University Gym kasi may malaki na kasalukuyang ipinatayo, muli niya ngang nabanggit ang tungkol sa fraternity. Nakarating kami sa harap amphitheater na siyang madilim na bahagi ng ISPEAR. Hanggang sa mapili namin na umupo sa isang bench. “Nabusog ka ba?” “Nakain ko ba naman ang lahat ng gusto ko.” “Bakit wala kang gana sa pagdating ni Riguel?” “Huy, nagiging feeling maganda ka na naman. Nagkataon lamang kasi napapaisip pa ako sa fraternity. Walang konek ang emosyon ko kay Riguel.” “Curiosity, tama isa sa mga dahilan ang curiosity kaya may sumasali ng fraternity!” “Ngunit ang totoo ay kanina ko pa ito naiisip kasi may hindi ka sinasabi sa akin.” Naging tahimik ang buong paligid nang ilang sandali dahil sa kaniyang nasabi. Nagkatitigan lamang kaming dalawa. Hindi kaya nabanggit sa kaniya ni Angela ang totoo at hinihintay niya lang na umamin ako? Huminga akong malalim at hinawakan ko ang kaniyang mga kamay. “Huwag ka sanang magagalit at dederetsuhin na kita,” sabi ko habang nakatitig sa mata niyang hindi kayumanggi. “Sasali rin ako sa fraternity!” “Baliw ka ba? Prank? Eh, hindi naman ‘yon ang iniisip ko. Iniisip ko na parang magkasintahan na talaga kayo ni Riguel.” “Huh, kung may relasyon kami ay ano ang koneksyon sa fraternity?” “Hindi ko rin alam pero at least ay napaamin kita. Baliw ka talaga, anong naiisip mo at sasali ka?” “Sean, curious ka kaya sasamahan mo ako.” “Baliw, hindi ka na pinayagan ni Samantha na makipag-date tapos sasali ka pa sa fraternity?” “Baliw ka rin, may fraternity din si Ate Samantha,” seryoso kong sabi at natulala siya. “Joke!!!” Hindi siya naniniwala na sasali ako ng fraternity. Tinawanan niya lamang ako nang banggitin ko sa kaniya ang Amulan Alpha Association. Wala pa raw nagiging babaeng myembro ang association na iyon. Tinawanan ko rin siya dahil ako ang magiging kauna-unahang myembro ng association na iyon. Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa CBDEM. Gusto ko na rin kasing makita si Ate Samantha kaya pumunta ako rito sa kanilang college. Alam kong galit na galit na siya. “Stephanie, nakita mo ba ‘yon?” Tanong ni Sean at ako ay natatawa. Nadatnan kasi namin ang kapatid kong nakaupo sa may outdoor stairway ng kanilang college. Mag-isa siyang nakaupo habang nakatitig sa isang lalaki na mukhang mayaman. Mayaman pala ang gusto ng kapatid ko. Nagkatinginan kami ni Sean at sabay na nagkasundong gulating ang aking kapatid. “Ay, hindi nagulat?” Sabi ko at napatingin siya sa akin. “Bakit ako magugulat kung kanina pa ako nag-aalala sa’yo?” “Talaga ba ate, habang nakatitig sa lalaking ‘yon?” “Huy, Stephanie! Tigil-tigilan mo ako kay William Charles Abueva na business management student!” Nagkatinginan kaming dalawa ni Sean dahil sa in love ang aking kapatid. Bago pa ako mabatukan ay nagyaya nang umuwi si Ate Samantha. Hanggang sa malapit na kami sa gate nang magpaalam si Sean. “Samantha, may tiwala ka ba sa akin?” “Ah, gagamitin ka ni Stephanie para gumala ngayong gabi?” “Opo...” “Kung nasisiguro mong ikaw ang kasama niya sa buong gabi hanggang sa pag-uwi...” “Papayag ka na bang manood ako ng fireworks display ate?” Tanong ko at niyakap ko pa siya dahil sa tuwa. “Siguraduhin mo lamang na si Sean ang kasama mo,” bilin niya at napatingin sa aking kaibigan. “At ikaw Sean, siguraduhin mong hindi mapapahamak ang aking kapatid.” Kaagad ko na hinawakan ang aking phone upang ipaalam sana kay Riguel na lalabas ako. Tanggap ko nang hindi matutuloy ang date namin ni Nathaniel pero pinayagan na ako kasama si Sean kaya isasama ko si Riguel. Ngunit biglang inagaw ni Ate Samantha ang aking phone. Bawal daw akong mag-cellphone at si Sean ay kailangan akong alagaan. Makalipas ang ilang oras ay bumalik na kami ni Sean sa field. Malapit nang magsimula ang fireworks display. Hanggang sa kaagad kong hinila ang aking kasama nang makita ko si Angela na kasama ang kasintahan. Nasisiguro kong siya iyon dahil sa pulang pantali niya sa buhoy. Hindi nila kami nakita kasi nasa likod kami ni Sean. “Alam mo, natutuwa akong kaya mong itaya ang iyong kaibigan para sa ating pagmamahalan,” narinig kong sabi ni Jake habang papalapit ako sa kanila. “Mas malandi si Stephanie, nagtatago lang siya sa kaniyang Muslim dress, alam kong mag-e-enjoy siya ngunit humanda ka sa akin kapag masaktan mo siya.” “Angela, babe! Ikaw ang girlfriend ko at napatunayan kong mahal na mahal mo ako.” “Huwag mo na akong bulahin, nagtitiwala naman akong naikabit ng information technology mong kaibigan ang mga camera doon sa oras na magkagulo.” Lalapitan ko na sana ang kaibigan kong may masamang plano ngunit hinila ako ni Sean. Napatakbo na rin ako matapos namin makita ang pagliwanag ng kalangitan. Tuluyan nang nagsimula ang fireworks display. Ang ganda! Labing-isang minuto kaming magkahawak-kamay ni Sean habang pinanood namin ang fireworks. Kaagad kong binitawan ang kaniyang kamay dahil sa hindi namin inaasahan na matatapos na rin eksena sa kalangitan. Masyado akong nabitin ngunit maayos na rin upang madali kaming makauwi. Nasa may amphitheater na kami ni Sean dahil sa maglalakad lamang kami hanggang sa boarding house. Hinawakan ko ang kaniyang kamay dahil sa walang katao-tao. Magkatabi pala ang boarding house namin kaya napapayag niya si Ate Samantha. Hanggang sa mapansin namin ang dalawang kalalakihan na bumaba mula sa magarang sasakyan. Nagpatuloy kami sa paglalakad at dadaanan na sana namin ang sasakyan. “Stephanie, saan ka pupunta?” Hindi ko inaasahan na katanungan ng isang lalaki hanggang sa mapagtanto kong siya pala ay si Jake. “Uuwi na...” “Nakalimutan mo na yata ang naging usapan ninyo ni Angela,” paalala niya at napatingin ako sa aking kaibigan. “Jake, hindi na sasali si Stephanie dahil sa narinig namin ang inyong usapan,” paliwanag ni Sean hanggang sa tuluyan kaming lapitan ni Jake at ng kasama niya na walang iba kundi si Revel. “Tamang-tama at wala raw representative ang ISPEAR,” masayang pahayag ni Revel na parang myembro na talaga ng fraternity. Nakita ko ang kamao ng aking kaibigan at kaagad siyang lumapit sa dalawa. Makikipag-upakan sana siya nang maunahan siya. May ipinaamoy si Revel na isang panyo kaya nawalan nang malay si Sean. Gusto kong tumakbo ngunit nakikita kong nakahiga sa daan ang aking kaibigan. Walang katao-tao sa bandang ito kaya hindi na ako pumalag. Sasama akong kusa ngunit hindi ko pwedeng iwan ang aking kaibigan. “Mga brad, mahuhuli na tayo!” Sabi ng lalaki at nagulat ako nang makita ko ang kaniyang mukha mula sa loob ng sasakyan. Siya ang lalaking pinagmamasdan ni Ate Samantha kanina sa kanilang college. “Isakay ninyo na ang dalawang ‘yan bago pa may makakita sa atin!” Hindi ko alam kung ano ang aking pinasok ngunit ang nasisiguro ko lamang ay niloko ako ni Angela. Naiisip ko rin ang aking kapatid na alam kong naghihintay na sa akin. Natatakot na rin ako sa mga susunod na mangyayari. Hindi naman ako nakatali ngunit nakita ko ang patalim na hawak ni Revel habang katabi ang walang malay na si Sean. Hindi ko inaasahan na ang aming sasakyan ay hihinto sa may ipinapagawang University Gym. Madilim na rin ang bahaging ito at malayo sa mga tindahan. Ilang sandali pa ay lumabas na sina Revel at Jake sa sasakyan habang buhat si Sean. “William Charles Abueva na business management student, bago mo itabi ang sasakyan ay nais kong malaman kung bakit gusto mong sumali sa fraternity?” “Dahil sa isang babae na aking kinahuhumalingan.” “Ang pagkakaalam ko ay ako palang ang magiging unang babae sa Triple Ace.” “Three Ace, hindi Triple Ace at wala kang pakialam sa akin.” Makalipas ang ilang sandali ay nagising na si Sean ngunit hindi na niya nagawang lumapit sa akin. Hindi rin niya ako nakita kahit isang kisapmata man lang. May ibinigay sa kanila na telang maskara na siyang dahilan para mata lamang ang makakita sa kanila. Ang mga tatlong nagdakip sa amin ay hindi inaasahan na ipapasuot din sila ng maskara. Pagkatapos nilang matakpan ang kanilang mukha ay nakapasok na sila sa loob. Huli akong ipinasok sa loob kaya hindi talaga ako nakita pa ng aking kaibigan. Nagulat ko pagka’t piniringan pa sila habang walang ginagawa sa akin. Pumasok pa kami sa kaloob-looban ng malaking gym. Pansin kong kinakalawang na ang mga bakal sa tagal na hindi pa natatapos. Sa isang liblib na bahagi ng gusali kami ay dinala. Ang apat na kalalakihan ay tumayo sa isang banda kasama ang apat pang kalalakihan na katulad nila ay nakamaskara tapos may piring pa. Hanggang sa hindi ko inaasahan na ako ay pipiringan din pagkatapos ay itatali. Naririnig ko na lang na may dalawa pang lalaki na itinali matapos magtangkang tumakas. Ibig sabihin ay labing-isa kaming bagong recruit ng Amulan Alpha Association. “Huwag kang magsasalita dahil sa hindi alam ng iba na may babaeng kasama sa initiation,” bulong ng isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD