KABANATA 001: QURAIMA AND RASHIMA

2275 Words
“Stephanie, ang gwapo pala talaga ng nanalo sa Mr. University,” maagang tsismis ng kaibigan kong si Angela Albano habang kami ay naglalakad patungo sa aming college. “Girl, Quraima!” “Mas big deal ba talaga ang tawag ko sa’yo o baka gusto mong malaman ang pangalan ni Mr. University?” Ako ay hindi interesado sa lalaking tinutukoy niya. Alam ko kasing nang-iinis siya matapos niya akong tawagin sa aking second name. Nakasuot ako ng long dress at hijab, balot na balot ang buong katawan ko tapos tatawagin niya ako sa aking Christian name? Ang buong pangalan ko ay Stephanie Quraima Bagaforo at may kapatid din ako na ang pangalan ay Samantha Rashima Bagaforo. Kami ang magkapatid na kalahating Kristiyano at kalahating Muslim. Hango ang first name at surname namin sa pangalan ng Kristiyano naming tatay na si Sandrino Bagaforo at ang second name at middle name namin ay galing sa aming nanay na si Noraima Mahmod. Ayon nga, naglalakad kaming dalawa ng bestfriend kong demonyo patungo sa aming college. Magsisimula na kasi bukas ang mahabang event sa aming University na tinatawag na Pasiklaban. Kung saan maraming association ang lalahok sa samu’t sarap activity. University of Southern Mindanao ang pangalan ng paaralan na isang state university at ito ay binubuo ng labing-isang college. Ang labing-isang college ay ang mga sumusunod: College of Agriculture (CA); College of Education (CED); College of Information Technology (CIT); College of Engineering and Computer Sciences (CE); College of Hotel and Educational Food Sciences (CHEFS); Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR); Institute of Muslims Education and Arabic Sciences (IMEAS); College of Arts and Sciences (CAS) kung saan si Mr. University ay kinuha ang kursong Bachelor of Science in Biology; College of Veterinary Medicine (CVM) kung saan ang kasintahan ni Angela na si Jake Legaspi ay kinukuha ang kursong Veterinary Medicine; ang kapatid ko naman ay Bachelor of Science in Accountancy ang kaniyang kinuhang kurso sa College of Business and Development Management (CBDEM); at kaming dalawa naman ni Angela ay Bachelor of Science in Nursing ang kurso sa College of Health and Sciences (CHS). Kaming lahat ay freshmen students kaya unang beses namin na mararanasan ang tinatawag na Pasiklaban. “Quraima, si Jake ba ang nakikita ko?” Tanong ko sa aking kaibigan na galing sa break-up nang makita ko ang ex-boyfriend niyang nakatayo sa may puno. “Mukhang hinihintay ka niya kaya lapitan mo muna.” “Nagkasundo talaga kaming mag-usap ngayon kasi sabi ng mga senior natin ay mahirap daw gumala sa Pasiklaban nang walang kasamang kasintahan.” “Ang sabihin mo ay marupok ka talaga!” “Correction, loyal ako! Don’t worry maghahanap tayo ng lalaki mamaya para may date ka rin,” nakangiti niyang pagbibiro at nilapitan na si Jake. Pitong araw na magaganap ang Pasiklaban ngunit hindi ako interesado na pumunta. Hindi naman ako sumali sa mga activity at marami pang requirements. Attendance lang ang kukunin ko sa mga araw na iyon at uuwi ako kaagad sa boarding house. Ilang sandali pa ay dinala na ako ng aking mga paa sa loob ng isang silid-aralan sa ikalawang palapag ng Nursing o CHS Building. Nakita ko na ang mailap kong kaklase na si Riguel Doguiles. Siya ay nakaupo at kaagad kong nilapitan habang wala pa kaming kasama. “Kumusta na pala kayo ng crush mong Civil Engineering na topnotcher sa class nila?” Panimula niya at ako ay natatawa sa kaniyang wangis na hindi maiguhit. “Nagseselos ka ba?” Katanungan ko sa tinutukoy niyang si Nathaniel Cabilete. Hindi ko lang crush ang lalaking iyon kundi gusto kong mapasaakin. Bagay na bagay kasi ang Nursing sa mga Engineering. “Huy, mas gwapo ka naman sa kaniya!” “Baliw, nagtatanong lang ako tapos feeling girlfriend kita diyan,” sumbat niya at nakangiti akong nilapitan ang kaniyang wangis. “Hindi pa ba?” Pang-aasar ako at unti-unti ko pang inilalapit ang aking mukha kaya natutunaw ako sa kayumanggi niyang mga mata. “Syempre, liligawan mo na kita! At saka alam kong gusto mo lang ng body guard sa Pasiklaban kaso hindi ka makakalabas dahil strict ang kapatid mo.” “Kung halikan kaya kita uli?” Sabi ko kaya natulala siya dahil sa isang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. Ilang segundo kaming nagkatitigan ni Riguel. Hanggang sa mapatingin ako sa kaniyang mapulang labi. Naramdaman kong dadampi na ito sa aking labi ngunit may dumating. “Huy, Stephanie! Ang sabi ko ay sasamahan kitang maghahanap ng date, hindi mo sinasabi na mutual understanding pala kayo ni Riguel,” sabi ni Angela habang nakatayo sa harap ng pintuan. “Ang mabuti pa ay bumaba na tayo bago pa magkaubusan ng small size shirt!” Umalis na ang aking kaibigan na parang mabigat ang dibdib. Pumunta lamang kami rito sa Nursing para kunin ang Nursing Student Association shirt namin. Kailangan naming gamitin sa pagbubukas ng Pasiklaban. Hanggang sa bigla akong tinapik ni Riguel at tumakbo palabas. Mas gusto ko talaga siya kaysa sa crush kong si Nathaniel. Iyon ang dahilan ko kaya madalas ko siyang asarin na parang boyfriend ko. Ayaw ko na siyang pakawalan kaya masaya ako na wala akong kahati sa kaniya. Kung pwede lang na ako ang manligaw kaso mayroon ang akong strict na kapatid. Mauuna raw muna siyang magkakaroon ng boyfriend bago ako. Nang makuha namin ang mga perfect size shirts namin ay namasyal muna kami ng aking kaibigan. Hindi ko na mahagilap si Riguel at baka umuwi na. Marami kasing nagsusulputan na tindahan ng samu’t saring produkto at pagkain tuwing linggo ng Pasiklaban. “Girl, paunahan tayong makahanap ng pulang pantali sa buhok at ang mahuli ay siyang magbabayad,” pakana ng kaibigan kong gusto lamang nang libre. Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa bigla kaming tumakbo. Tumakbo ako sa isang tindahan nang bigla akong matumba. Hindi ko namamalayan na ako pala ay nakapatong sa isang lalaki. Nauna kong naramdaman ang isang matigas na nakatusok na bagay bago ko masilayan ang wangis ng aking nabangga. Hanggang sa mapatingin ako sa kaniyang kayumanggi na mga mata. Kahinaan ko talaga ang brown eyes. Ilang sandali pa ay napatingin din ako sa kaniyang labi. ‘Di kalaunan ay nagkatitigan na kaming dalawa. “Ayos ka lang?” Malumanay niyang katanungan at bigla akong napahawak sa kaniyang dalawang braso kaya naging malaswa ang aming posisyon. “Oh my gosh! Nakakahiya,” hiyaw ko matapos kong pagmasdan ang kaniyang mga wangis. “Nathaniel?” “At ikaw ay si?” Hindi ako makapaniwalang nabangga ko ang aking crush. Magpapakilala na sana ako nang bigla akong hilain ng aking kaibigan. Nang makatayo ako ay nakita ko pa ang isang lalaki na tumulong sa aking crush. “Bro, alam mo bang nursing student ang nakabangga sa’yo?” Rinig kong sabi nang nakangiting lalaki. “Lorenzo, huwag mo akong pinagloloko at isa pa ay hindi girlfriend ang hanap natin.” “Baliw, part iyon ng discoveries natin...” sabi ng lalaki habang ako ay tulala. “Miss, ako nga pala si Lorenzo Samuel! College Governor ng CHEFS at natutuwa akong makilala ng aking kaibigan ang binibining katulad mo!” Si Nathaniel ay kaagad na hinila ang masayang kaibigan. Ilang sandali pa ay nagtalo silang dalawa. Nabanggit pa ni Lorenzo na nursing student ang pangarap ni Nathaniel. “Bro, wala ka kayang date mamaya at si Kupido na ang nag-adjust.” “Lorenzo, wala ka ring ka-date!” “Sasamahan mo akong hanapin natin ang crush kong Accountancy student.” “Malabo naman ‘yon, hindi mo nga alam ang pangalan niya.” Nakakatuwa ang magkaibigan. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa muli silang lumapit. Kinakabahan si Nathaniel na halatang libro lamang ang madalas hawakan. “Pwede bang maging kasama kita na manood ng fireworks display mamayang hating-gabi?” Tanong ng aking crush habang nakangiti ang aming mga kaibigan. “First time ko makipag-date kaya huwag ka sanang tumanggi.” Napatingin ako kay Angela na abot-langit ang ngiti. “Mr. Cabilete, papayag siya pagka’t matagal ka na niyang crush...” pag-aasar ng aking kaibigan na halos masakal ko. Maging si Nathaniel ay inaasar ng kaniyang kaibigan. “Ibig kong sabihin ay naghahanap din siya ng date!” “Ah, so rito na lang din tayo magkikita mamaya?” Tanong ni Nataniel. “Oo...” “Thank you at nice to meet you?” Sabi niya at napatingin ako sa kamay niya na nais makipag-shakehands. Itong kaibigan kong si Angela ay nakakainis talaga. Hinawakan niya ang aking kamay upang ilagay sa kamay ng aking crush. Nagkamayan na nga kami ni Nathaniel at muling nagkatitigan. Hindi naman siya gaanong gwapo ngunit mas gusto ko ang matatalinong lalaki. Napapaisip lamang ako dahil bukod sa first date ko rin ay baka magalit ang aking kapatid. Baka hindi ako payagan na lumabas mamayang gabi. “Stephanie?” Banggit sa aking pangalan nang makita ko si Lorenzo na nakangiti habang ako ay kinakabahan. “Anong ibig sabihin nito?” “Ate Samantha?” “Oo, kapatid kong balot na balot at nakipagkamayan sa maraming tao,” sumbat ng kapatid kong bigla na lamang lumitaw at pinaghiwalay ang kamay namin ni Nathaniel. “Ngayon ka talaga lalandi sa crush mo?” “Ate Samantha!” Naiinis kong sabi at nakita kong nakangiti si Nathaniel. “Huwag kang maniwala sa kanila, hindi kita crush...” “Hindi mo kailangan na magpaliwanag.” “Ngunit kailangan mong magpaalam sa aking kapatid para sa ating date,” sabi ko at bigla siyang pinagpawisan. Si Lorenzo naman ay abot-langit ang ngiti habang nakatitig sa aking magandang kapatid. Nilapitan niya si Ate Samantha at muli siyang nagpakilala. Hanggang sa akbayan siya ng kaibigan niyang si Nathaniel. “Ate Samantha ko, ikaw ang matagal nang hinahanap ng kaibigan kong ito, crush na crush ka niya.” “Huy, Nataniel! Hindi ba’t academic guy ka at college governor itong kaibigan mo? Bakit parang naghahanap kayong distraction?” “We just want to discover the other side of us. So, can you be the date of Mr. Lorenzo?” “Talagang nakikita ko na ang other side ninyo pero maghanap kayo ng ibang babae. Hindi kami lalabas ni Stephanie mamayang gabi. Baka mapahamak lamang kami,” paliwanag ng aking kapatid. Magsasalita pa sana ang dalawang lalaki ngunit hinila na ako ng aking kapatid. Dumeretso kami sa boarding house at napagalitan talaga ako ni Ate Samantha. Masyado talaga siyang protective at caring na kapatid. Ang swerte ko sa kaniya ngunit gusto kong manood ng fireworks kahit hindi na kasama si Nathaniel. “Quirama, tignan mo ang sarili mo sa salamin bago mo ako pilitin na makipag-date ka nang hating-gabi,” bulyaw ng kapatid ko habang nasa harap kami ng hapag. “Ate, fireworks ang tunay kong intensyon at walang mangyayari na masama sa akin kung sasamahan mo ako.” “Accountant student ako kaya marami pa akong gagawin at hindi ka lalabas.” “What if subukan mo ring i-discover ang other side mo?” “Alam mo, Stephanie! Mabuting mag-aaral ka pero nang dahil kay Angela ay napapasama ka na.” “Pero ate...” “Pagkatapos ng torch parade at ng attendance ay sabay tayong uuwi.” Kinabukasan ay ibinigay sa akin ni Angela ang pulang tali ng buhok. Natutuwa akong siya ang nanlibre. Siguro ay nagkabalikan sila ng boyfriend niyang si Jake. “Best, kahit mumurahin lamang ito ay magiging simbolo ito ng ating pagkakaibigan,” sabi niya habang itinatali ang aking buhok. “Bakit parang nagpapaalam ka na?” “May dapat kang malaman, kailangan ko ang tulong mo.” “Ano?” “Mahal na mahal ko si Jake ngunit makikipagbalikan lamang daw siya sa akin kapag sumali ako sa fraternity at mangyayari ang initiation mamayang hating-gabi,” balita ng aking kaibigan na aking ipinangamba. Fraternity? “Gusto niyang maging myembro ng The Ace o Amulan Alpha Association matapos siyang makumbensi ng kaibigan niyang si Revel Alano.” “Ang hayop na ‘yon!” Sambit ko pagka’t kilala ko ang Information Technology gangster na si Revel. “Angela, hindi pa ba ito sapat na sumuko ka na?” “Ngunit hindi na ako makakaatras, isinali nila ang aking pangalan sa listahan.” “Hindi ka nila pwedeng pilitin...” “Mga freshmen students ang lahat ng magiging myembro ng The Ace na magmumula sa bawat colleges at ako raw ang representative ng CHS.” “Angela, kahit na...” “Ayaw ko rin talaga sumali kaya tulungan mo akong makahanap ng papalit sa akin.” “Hindi na kailangan...” “Bakit?” Ako ang papalit sa kaniya. Gusto ko rin na harapin ang other side ko. Narinig ko na rin ang tungkol sa Amulan Alpha Association at wala pang nangyayaring masamang balita tungkol sa kanila. Hindi ako sigurado aking desisyon ngunit hindi ko hahayaan na maging tanga pa ang kaibigan kong si Angela. Marami na kaming napagdaanan bago dumating si Jake sa kaniyang buhay. Marami na rin siyang nagawa sa akin kaya magsasakripisyo ako para sa kaniya. Hindi ko naman ikakamatay ang fraternity, babae ako kaya may exception naman siguro. “Sigurado ka ba, Stephanie?” Katanungan ni Angela at ako ay kinabahan. “Anong sigurado? At bakit parang kinakabahan kayong dalawa? May balak ba kayong masama?” Tanong ni Riguel na biglang dumating. “Teka, bakit ka ba nandito sa ladies comfort room? Namboboso ka siguro, no?” “Baliw, kanina pa kita hinahanap at malay ko bang nandito kayo. Gusto lang kita yayain na manood ng fireworks display kaya samahan mo akong ipaalam kita sa kapatid mo.” Nais akong yayain ni Riguel na maging date na dahilan para sumagi sa aking isipan ang wangis ni Nathaniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD