bc

Opposite Worlds

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
mystery
small town
like
intro-logo
Blurb

A story that unravels the truth between worlds. Sa mundong perpekto ngunit hindi ka masaya o sa mundong mahirap ngunit punong-puno ng kagalakan. What will you choose if you would be able to choose between the two? Should you choose the easy life or the happy life?

chap-preview
Free preview
Unang Kabanata
Jahachiel Nix has always wondered how it would feel like getting all the things that you wanted in the world. Simula pagkabata ay kapos sila sa buhay kasama ng kanilang pamilya. Sa kabila noon ay namumuhay naman silang masaya at magkakasama. Her day starts with her alarm getting off at 4:30 in the morning. Nagluluto siya ng kakainin nilang magkapatid papuntang paaralan. Hindi na niya ginising ang kanyang mga magulang dahil halos magdamag silang nagta trabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Labandera ang kanyang ina at sekyu ang kanyang ama. Alas siyete pa naman sila babangon. NIX "Jam! Halika na kain na tayo! Sunduin pa tayo nila Kyrie!" Naku naman itong batang 'to ang hirap gisingin. Umakyat na nga lang ako para kitain siya. Kada umaga ganito na lang. Nakatalukbong pa siya at naghihilik. Binuksan ko ang kurtinang tumatakip sa aming bintana at sakto tumama sa may ulo niya ang sinag ng araw. Sinipa ko siya ng mahina. "Babangon ka o wala kang baon?", panakot ko sa kanya. Patay-gutom pa naman siya. Kinamot niya ang kanyang ulo sabay baba ng kanyang kumot. Salubong ang mga makakapal niyang kilay habang nakairap sa akin. Kitang kita ko pa ang mga muta sa gilid ng kanyang mga mata. "Ate naman eh. Eto na nga eh babangon na oh." Bumaba na kami sa kusina nang sabay. Kahit hindi kalakihan ang aming bahay ay dalawang palapag ito na makitid ngunit kontento na sila Nanay rito dahil kasya naman na kaming apat nila Tatay. Apat ang kwarto dito, ang isa'y ginawa naming bodega sa dami ng mga hindi namin matapon-tapon na gamit dahil ayaw ni Mama, ewan ko ba. "Ate ano'ng ulam natin?", pupungas-pungas at humikab pa siya. Kadiri tinapat pa sa 'kin ang bunganga. "Hotdog at itlog. Kainin mo na tig-isa 'yang mga 'yan. Ulamin na natin sa school 'yung matitira." I can see the worry in her face at tinignan ako ng malalim. "Ate tig-tatlo lang 'to oh. 'Di ka na naman kakain ng agahan?", aniya. I gave her a smile. Nakakaramdam talaga siya lagi. Hindi ko masabi sa kanyang nagkulang 'yung pambili ko dahil nagpabili si Tatay ng sigarilyo kahapon. "Ano ka ba, tapos na 'ko. Ayun 'yung pinagkainan ko oh.", I pointed at the plate at the sink. Pinadampi ko lang ang hotdogs kanina doon at nilagay sa lababo. "Sige Ate. Sabi mo 'yan ha. Kain na 'ko." Sumalampak na siya sa kitchen at kinuha ang mga ulam. Binigyan ko siya ng plato at napakalaki ng ngiti niyang kumain. Nagkamay siya at nakataas pa ang mga paa. Pinoy na pinoy ang style namin dito. Well, dahil na rin wala kaming mga upuan at mesa. Nasa labas kasi nagsugal sila Tatay kagabi ginamit nila lahat. Nauna na akong naligo sa kapatid ko dahil baka mawalan ulit kami ng tubig. Nakalimutan kong mag-ipon dahil ang dami kong takdang-aralin kahapon. Habang sarap na sarap ako sa paghagod ng tubig sa aking katawan, pagmulat ko ay tumambad ang napakalaking gagamba sa aking harapan. Napakalaking pagtitimpi ko upang hindi ako sumigaw ng malakas. Kinuha ko ang aking tsinelas. PAK! "Ayan napapala mo. Nanggugulat ka kasi, mala late na kami bwisit ka", kausap ko sa sarili ko habang winawalis ko ito palabas ng banyo. Nagshampoo at sabon na ako at nagbanlaw na ng katawan. Napakasarap sa balat ang lamig ng tubig. Nagmumuni-muni muna ako saglit. Umiiyak ako habang nag-iisip sa ilalim ng shower naming pipitsugin. Hindi ko alam kung makakapagtapos pa ba ako ng kolehiyo dahil napakamabisyo ni Tatay, halos nagagastos na niya ang kanyang pera sa kanyang mga bisyo. Ngunit hindi ako makapagreklamo dahil wala pa 'kong trabaho. Masaya nga kami, masaya sa mata ng ibang tao. Ngunit ang katotohanan ay malayo pa doon. "Ate alas singko y medya na ako na maligo!" s**t. Napatagal na pala ako doon sa loob. Pagkalabas ko ay nakita ko ang kapatid kong nakapamaywang na habang nakabusangot ang mukha. "Eto na, eto na. May gagamba kasi kanina e nakakainis." sambit ko na lamang. "Umiiyak ka na naman 'no Ate?", kapagkuwa'y sabi ni Jam. Nakalimutan ko sa pagmamadali na mag-hilamos ulit ng mukha at magbabad ng mata sa tubig. Siguro ay pulang-pula ito ngayon kaya napansin niya kaagad. "Ano ka ba, hindi. Pumasok lang 'yung shampoo kanina sa mata ko tapos na-rub ko siya. Para tuloy akong may sore eyes 'no?", sabi ko habang hindi ko siya matingnan sa mata. Jam's IQ is high, pero kailangan kong at least i-try na panatagin ang loob niya sa pamamagitan ng pagsisinungaling. "Ate, our eyes puff the same kapag umiiyak tayo. Naalala mo noong nanood tayo ng The Fault in Our Stars? Parang kinagat ng bubuyog ang mga mata natin noon. I see it now." Lumapit siya sa akin at kahit basang-basa pa rin ako ay yinakap niya ako. Ramdam ko ang init at pagmamahal mula rito. Mas bumuhos ang mga masagana kong mga luha. "Ate sorry wala pa tayong magawa. Konti na lang ay magtatapos ka na, please po 'wag kayong sumuko.", she said while she cried on my shoulders. She knew. May suicidal tendencies ako at hindi ko na alam kung ilang beses akong nagtangka ngunit hindi ko matuloy-tuloy. Si Jam na lamang ang nagiging lakas ko sa buhay ko. Wala mang mga salitang namutawi sa aking bibig ay naintindihan niya kung ano ang gusto kong sabihin. Mahal na mahal ko siya at hinding-hindi ko hahayaang hanggang dito na lamang kami habang-buhay. Ibubuhos ko lahat ng aking makakaya upang makaalis kami sa lugar na 'to. Sa puder ng aking ama. "Shh. Tama na Jam. Maligo ka na at mala late na tayo. Nakakahiya kila Kyrie", sabay tawa ko ng mahina. Grabe pa naman magalit ang kaibigan kong 'yon parang bumubuga ng apoy. Nagpunas na kami ng kanya-kanya naming luha at naghanda na para pumasok. Alas sais y medya nakita na namin ang sasakyan nila Kyrie. Siya ang maituturing kong bestfriend sa aming paaralan. Kahit mayaman siya ay tinanggap niya ako bilang kaibigan niya. Hindi niya pinaramdam na iba ako sa kanya o sa kanila. Kung nasa bahay nga nila ako ay para ring prinsesa ang turing ng mga magulang niya sa akin. Ako lang daw ang nakakatagal sa kaingayan at kakulitan niya. "Nixieee!!! Tara naaaaaaaa!!!", malayo pa lamang ay dinig na ang matinis at mataas niyang boses sabay ng paglabas ng kanyang ulo sa kanilang sasakyan. Naka-make up siya at ayos na ayos ang kanyang buhok na parang anime. Maganda si Kyrie at sikat sa aming school. "Jam! Nandyan na sila Ate Ky halika na!", sigaw ko palabas at sumunod na ang aking kapatid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)

read
68.3K
bc

Seduced By His Uncle

read
14.0K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.0K
bc

The Runaway Bride Of A Billionaire

read
8.0K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
59.7K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
2.0M
bc

The Ex-wife

read
239.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook