Chapter 4

1696 Words
Tahimik na nagtungo ako sa taas, kung saan nagkulong ako sa sariling kwarto. Hinayaan ko rin ang sarili na magmukhang tanga kakaiyak sa kawalan. Hindi na alintana sa akin kung may bata man sa sinapupunan ko, ang mahalaga sa akin ngayon ay kung paano ko ito malulutasan. Kung paano ko pa isasalba ang career na mayroon ako. For pete's sake, ang tagal kong iningatan kung ano ako ngayon, pinaghirapan ko iyon na halos hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses akong natapilok sa pagiging ramp model ko. Kinulang na rin ang daliri ko sa kamay sa pagbibilang kung ilang beses akong na-reject noon kapag may audition sa isang TV drama at commercials na gustung-gusto kong salihan. Ngayon na nakuha ko na iyon at may sarili nang pangalan sa iba't-ibang industriya ay napakahirap— ang hirap isipin na sa isang iglap ay mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Although yes, it's all my fault. Nakipag-one night stand ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala, malay ko ba kung saang lupalop iyon nanggaling kaya kailangan ko siyang makita ngayon. Sa isiping iyon ay mabilis pa sa kidlat na tumayo ako mula sa pagkakaupo sa dulo ng kama at kinuha ang phone ko, nanginginig man ang kamay ay nagawa kong tawagan ang isa pang tao na alam kong makakatulong sa akin. "Hello?" bungad nito sa kabilang linya gamit ang paos na boses, animo'y kakagising lang. "Miks, si Krisha 'to," mahinang sambit ko. Dumeretso ako sa nakabukas na veranda na naroon sa loob ng kwarto ko, pasado alas dies na rin ng gabi at malamig na ang simoy ng hangin na siyang dumadampi sa balat ko. "I knew it, tatawag ka rin sa akin," pahayag nito matapos kong marinig ang pagbuntong hininga niya. She's Mikaela Frias, ang anak ni Tito Mirko. Mas matanda ito sa akin with almost seven years ang agwat, siya ang naturingan kong ate since only child lang naman ako nina Mom and Dad. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang manuot sa akin ang malamig na hangin dahilan para yakapin ko ang sariling katawan saka sumandal sa bakal na railings ng balcony. "Sorry to disturb you," sabi ko at humugot ng lakas bago muling magpatuloy, "Alam ko na alam mo na ang nangyayari sa akin ngayon." "Yes sis, hindi talaga ako makapaniwala sa mga nababasa at nakikita ko sa social media. Naloloka ako, gusto kitang ipagtanggol pero hindi ko naman alam ang totoong nangyari. So care to tell me, Krish." "The scandal video is true, Miks— ako iyon," pahayag ko sa katotohanan. Sandaling hindi nakapagsalita si Miks kaya hinintay ko munang mag-sink in sa kaniya ang sinabi ko, marahil ay nagulat ito. Ilang sandali lang din nang mapalatak siya. "The fudge, Krish! Lalo akong nahilo, s**t!" May kung ano pa akong narinig sa kabilang linya na nahulog, tantya ko ay tunay ngang bagong gising ito dahil lasing siya. Tch, isa pa 'tong lasinggera, yari talaga siya kay Tito Mirko kapag nagkataon. "Kaya magpapatulong ako, Miks," panimula ko sa totoong pakay ko kung bakit ko ito tinawagan, "Kaya mo bang i-trace kung sino ang lalaking 'yan? I actually have no idea who the f**k he is. Gusto ko siyang makita—" "Then what, Krish?" aniya na pinuputol ang nais kong sabihin, "Kapag nagkita kayo ay anong gagawin mo?" Natahimik ako sa narinig mula rito. Hindi ko rin alam, basta ay gusto ko siyang makita para masapak ko man lang ito. Gusto ko siyang bigwasan at isisi lahat sa kaniya itong nangyayari sa akin. Tama naman, hindi ba? Nasaan siya ngayon? s**t! Wala sa sariling nahilot ko ang sentido. Bakit ko ba hinahangad na makita ang lalaking iyon, when in fact ay kaya ko naman itong lusutan. Nga ba? Kaya ko nga ba? Kung lahat ng taong alam kong makakatulong sa akin ay isa-isa akong tinatalikuran? Mariin akong napapikit, gusto kong sumigaw at magwala sa sama ng loob ko. Hindi sapat na umiiyak lang ako ngayon, pakiwari ko ay gusto kong manakit ng tao lalo pa at naalala ko na naman ang eksena kanina sa condo unit ni Axel. Really, huh, Hazill Legaspi? Hindi ko talaga malaman kung saan ito kumuha ng lakas ng loob gayong ang pagkakakilala ko rito ay hindi makabasag pinggan, isang mabait at mapagkakatiwalaan. "Well, I'll try my best, okay?" pukaw sa akin ni Miks na siyang natutulala na sa kawalan. Mikaela is living her life secretly, kung hindi pa nito nabanggit ay hindi ko pa malalaman na isa siyang magaling na hacker with her different devices. I don't know if it called IT analyst but whatever. "Thank you, Miks. Hope to see you soon," sabi ko at tuluyan nang ibinaba ang linya. Bagsak ang balikat kong bumalik sa loob at padarag na ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Nakasubsob ang mukha ko sa unan upang pigilan ang mga mata sa pagpapakawala ng luha. I'm so tired, I just wanna sleep and rest. Sana ay pagkagising ko bukas ay maayos na ang lahat. Mayamaya pa nang nakatulog ako sa ganoong ayos, hindi ko na nagawang makapaghilamos at makapagbihis dahil sa sobrang bigat ng talukap at sariling katawan. Nagising lang ako kinaumagahan nang tumunog ang cellphone ko at dahil hawak ko pa rin ito simula kagabi ay mabilis ko lang iyon pinindot upang sagutin. "You have a conference at exact ten o'clock," dinig kong pahayag ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Rason iyon upang agaran ang pagbangon ko sa kama, halos magdilim pa ang paningin ko ngunit nagawa kong maaninagan ang orasan sa wall clock— it's already 9:45AM for christ sake! "The f**k, Axel?" hindi ko na napigilang murahin ito sa reyalisayong gumawa siya ng schedule para sa conference na sinasabi niya. For all I know, wala akong schedule ngayon kaya ano ito? Nanlalaki ang mata ko habang halos panggigilan ko ang unan na siyang hawak ko sa isang kamay. "Binibigyan na kita ng oras para linisin ang sarili mo sa mga tao, lalo na sa mga fans mong nag-aabang ng statement mo. Well, this is the last time na tutulungan kita. After this, terminated na ang kontrata mo sa akin." Kuyom ang kamao na nasuntok ko ang kama at padarag na ibinato ang unan sa sahig, halos mag-init ang ulo ko sa narinig. Wala na yatang mapaglalagyan itong galit ko sa kaniya. "Tinutulungan mo ba talaga ako? O gusto mo lang ako lalong mapahiya?" utas ko habang umuusok na ang ilong sa pinaghalu-halong emosyon. "Depende sa 'yo kung ano sa tingin mo pero ginagawa ko lang ito para hindi ako madawit sa kalokohang ginawa mo," bakas sa boses nito ang panggagalaiti ngunit hindi ako nagpatinag. "Ang selfish mo, Axel," bulong ko pero sapat na iyon para marinig niya. Dahil doon ay narinig ko ang nakakalokong halakhak nito, tila ba nang-uuyam ito dahilan para lalo akong mamula sa galit. "Galing pa talaga sa 'yo, Krisha Nicole Yu?" aniya sabay tawa ulit, "Well, goodluck na lang mamaya. See you later, bye." Matapos iyon ay binagsakan ako nito ng linya. Sandali akong napatitig sa kawalan habang panay ang pagtataas-baba ng dibdib ko, masyado akong kinakapos ng hininga. Ilang minuto kong ibinalik ang sariling lakas upang makatayo, mabilis lang din akong naligo at tinatapos na lang ang pag-aayos sa mukha. Panay ang pagpahid ko ng concealar sa ilalim ng mata ko. Nang hindi magawang takpan ang malaking eyebags ko pati ang pamamaga ng parehong mata ko ay walang paatubiling hinimas ko ang mga kagamitan na naroon nakapatong sa vanity mirror. Dinig ng dalawang tainga ko ang pagkalansing ng mga make-ups at alahas ko sa sahig, wala na akong naging pakialam kung mabasag man iyon o masira. Namasa ang magkabilaan kong mata sa nagbabadyang luha kaya muli kong tiningnan ang sariling reflection sa salamin, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa itsura ko ngayon— this is not me. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago taas ang noong tumayo, kinuha ko lang ang susi ng kotse at ang hand bag ko bago tuluyang nilisan ang kwarto. Pagkababa sa sala ay wala akong naabutan, hindi ko nasilayan si Daddy na siyang parating nakaupo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo. Si Mommy na nagdidilig ng kaniyang mga halaman. Umiling lang ako sa kawalan at deretsong lumabas ng mansion saka pumasok ng kotse. Wala akong pinalampas na oras at matulin iyong pinausad palabas ng Corazon's Residence. Pasado alas onse na kaya ganoon na lamang magwala ang cellphone kong naroon sa passenger's seat. Malamang ay ang magaling na si Axel ang tumatawag, gusto marahil malaman kung nasaan na ako at kung pupunta pa ba ako. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa makapag-park ako sa open space ng network na siyang kinabibilangan ko. Suot ang wayfarer ay lumabas ako ng kotse at walang lingun-lingon na naglakad. Agad sumalubong sa akin ang ilang bodyguards ko na naghihintay sa entrance, kasunod nito ay ang pagragasa ng mga taong nag-aabang sa pagdating ko. Samu't-sari ang naging reaksyon nila ngunit ganoon na lamang manuot sa tainga ko ang iisang hangarin nila, iyon ay malaman ang katotohanan, kasabay ng kanilang mga paratang. Sa tulong ng bodyguards ay nagawa nila akong ilayo sa kumpulan ng mga tao, wala akong naging imik at mahigpit lamang ang hawak sa hand bag ko hanggang sa makarating kami sa conference room. Doon ay nakita ko si Axel na nakaupo na sa harapan, napansin ko rin ang ilang camera at lights na siyang nakatutok sa kaniya habang may mga microphone na nakalapag sa pahabang lamesa. Pabagsak akong naupo sa katabing upuan nito, hudyat iyon upang maging bubuyog sa pandinig ko ang mga reporters na sabay-sabay kung magsalita, wala akong maintindihan rason upang magtaas ng kamay si Axel sa ere. "Hindi lahat ng tanong ninyo ay masasagot. Nandito lang kami para magbigay ng official statement regarding sa kumakalat na issue," pahayag ni Axel na mabilis namang sinundan ng isang reporter. "Gaano katotoo na niloko ka raw ni Krisha Nicole Yu?" Sandaling natahimik si Axel, nilingon pa ako nito bago muling humarap sa madla at nagsalita na siyang naging dahilan para mapatayo ako sa gulat. "Totoo iyon. In fact, she's pregnant."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD