Agaran ang pagtayo ko, kamuntikan pa akong matumba nang magdilim ang paningin ko sa biglaan kong ginawa. Mabibigat ang mga yabag na lumapit ako kay Asher na naroon pa rin sa hamba ng pintuan. Iyong saktong lapit lang para bigyan ng espasyo ang pagitan namin, para kahit papaano ay makahinga ako dahil sa totoo lang ay hinahataw na itong puso ko at grabe sa pagririgodon. "Akin na ang anak ko," matigas kong pahayag. Akmang kukunin ko sa kaniya si Natasha ngunit bahagya nito iyong inilayo, nanlalaki ang dalawang mata kong tinitigan ang mukha ni Asher, hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Expected ko nang nandito siya at posibleng narito rin ang pamilya niya. Hindi ko lang nagugustuhan kung saan ito kumukuha ng lakas ng loob para umakto siya ng ganito sa harapan ko. "Ibigay mo ang anak ko,

